Ang lumang Rest house

3 0 0
                                    


Ako po ay nag aaral noon sa elementarya at kasalukuyang nasa ika anim na grado o baitang. naka tira ako kina lolo at lola tuwing sabado at linggo naman ay umuuwi ako sa amin. Nagbabantay ng fishpond si tatay kaya nman magkakasama sila duon sa kubo at ako lang ang nka hiwalay sa kanila dahil ako ay nag aaral pa. bandang agosto naaala kopa noon nagkaroon ng napakalakas na bagyo kaya hindi ako nka balik kina lolo at lola at ng panahong din iyon ay kinailangan naming lumikas  sa isang rest house na pag mamay ari ng amo ng aking tatay. kasama namin ang iba pa nyang ka trabaho sa palaisdaan. sadyang malakas ang hangin at ang ulan ng mga oras na iyon kaya hindi ako maka tulog at panay ang galaw ko ng mga oras na iyon. (namamahay po ako) bandang ala una ng madaling araw habang nkahiga  ay narandaman kong sumasakit ang aking tiyan kaya dali dali akong bumangon at pumunta sa isa sa mga banyo ng rest house. ako lamang ang taong gising ng mga oras na iyon sobrang sakit ng aking tiyan kaya nag lakas loob na akong lumabas ng mag isa at binalewala ang takot. oo natatakot ako dahil marami na kasi akong naririnig na mga kwento kwento tungkol sa rest house na tinuluyan namin. Ang rest house kasi ay may katandaan na ito. pinatayo pa ito ng lolo ng lolo ng lolo ng amo ng tatay ko. tanging pintura lang ang nag papabuhay sa bahay at dahil dito nagmumukha lang itong bagong gawa. nandyan na yung asong kasin laki ng tao, mga paang may kadena, white lady at marami pang iba. na pinapatunayan nman ng mga katiwala ng rest house. nakarating ako sa isang banyo na hindi naman kalayuan sa aming kwarto at dali dali akong pumasok. medyo maluwang ang banyo. wala naman akong kakaibang nararandaman kaya dali dali akong umupo sa inodoro habang nkaupo hindi ko malis ang takot at kaba sa tuwing naaalala ko ang mga kwento tungkol sa bahay na iyon at lalu pang nag papalakas ng aking takot ay yung sobrang lakas ng hangin at ng ulan na animoy mawawasak ang bahay sa sobrang lakas at tindi. ng nasa bandang kalagitnaan na ako ng aking pag kakaupo bigla akong napatingala sa may kisame ng banyo at don nakita ko na may butas ito na kasya ang isang tao at lalong nagpabigla at muntik na akong mawalan ng malay sa sobrang takot  ng may makita akong isang nilalang na nka dungaw sa may butas ng kisame ng banyo at kitang kita ko ang istura ng nilalang na ito at talagang kakaiba. meron syang mahabang tenga, maitim na mukha at mapulang mata (mala demonyo ang istura) at naka titig sya sa akin. sa sobrang takot ko bigla nalang akong napatayo at lumabas sa banyo na hindi kupa naitatas ang aking damit na pang ibaba (kahit nman siguro sino ang makaka experience nung na experience ko hindi muna magagawang itaas pa ang iyong damit pang ibaba) maging mag hugas ay hindi ko nagawa at i flush ang toilet dahil sa sobrang takot. dali dali akong pumasok sa kwarto kung nasaan ang pamilya ko. at pinilit kong ipikit ang aking mga mata. sa sobrang takot siguro kaya nagawa kong makatulog. kina umagahan ikinwento ko sa aking tatay at sa mga kasama nya ang nangyari sa akin at tanging nasabi lang nila ay buti nalang at wala daw nangyari sa akin ng masama. at sinabi din sa akin ng iba na hindi lang daw ako ang nakakita ng nilalang na nsa kisame at marami na kami.

Maayos na rin ang panahon noon ngunit kitang kita ang pinsala ng dumaang bagyo kaya nagpasya na si tatay na bumalik na kami sa aming kubo.

Ipinangako ko din sa sarili ko na hindi na ako muling babalik  pa sa rest house na iyon anu man ang mangyari.

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon