Road Trip

2 0 0
                                        

Traumatic Way to Davao

May pinsan kami si kuya Ren. Taga Negros,meron syang work inspekstor sila sa isang lugar para mag check kung ok bang pagtayuan ng Mall,at para masukatan na din ang buong area. Dahil sa pandemic hirap sa byahe. All expense paid naman ng company nila,may sasakyan sila at 6 silang katao. Ang travel way ay sasakay sila ng isang beses sa barko at babaybayin nila ang isang lugar sa Mindanao. Ang van nila is medyo luma na din,walang aircon medyo bukas pa yung pinto sa likod.
Pagdating nila sa lugar may nag escort sa kanilang mga pulis. Pagdating sa isang lugar iniwan sila. Nagbabala lang yung mga pulis na wag na wag daw titigil ni magtanong sa mga bahay na madadaanan nila. So sila sinunod na lang nila. Hanggang, nakarating sila sa isang lugar na may
mga bahay pero di naman ganun karami. May bata daw na nasa gilid ng kalsada na may hawak na manok. Tuloy tuloy lang daw ang byahe at di naman sila harurot magpatakbo. Nung malapit na daw sila sa bata bigla daw nyang binitawan yung manok na hawak nya. So tumigil sila,grabe na daw yung kaba nila nung biglang naglabasan lahat ng lalaki sa mga bahay. Pinababa daw sila at pinalibutan,wala naman daw mga armas yung mga lumapit pero yung mga bahay nakabukas yung mga bintanang may nakatukod.
Grabe na daw yung kaba nila, feeling nila mamamatay na sila nun. Grabe daw pagmamakaawa nila at panay sila sabi na babayaran na lang nila. Sa sobrang takot,at wala naman silang dalang malaking pera ultimong mga barya daw binigay nila. Yun yung allowance nila sa pagkaen sa mga susunod na araw. Medyo matagal pa daw bago sila pinaalis,hinihintay pa daw nila yung pinaka mayora nila nun. Itatanong pa siguro kung papakawalan ba sila o hindi. Halos maiyak na daw sila sa sobrang kaba at takot,halos dasal na lang sila ng dasal na sana makaalis sila. Nung dumating daw yung babae pinaalis na daw sila at laking pasasalamat nila. Napaka habang byahe pa ng lalakbayin nila,syempre di naman kagandahan ang sasakyan nila at tyempong nasiraan sila. Ayaw ng umandar ng sasakyan nila,tyempong tumigil daw yun sa gilid ng isang tindahan. Medyo gabi na daw yun at di na lang daw sila bumaba at naalala yung bilin ng pulis at takot sa nangyari sa kanila nung umaga. Si kuya Ren na lang daw ang gising nun,at di makatulog. Ka chat  nya yung asawa nya nung time na yun. Maya maya may narinig daw syang parang nag aaway at galit na galit na boses ng lalaki. Hindi nya daw maintindihan yung salita. Pero isang word lang ang naintindihan nya kaya nya ginising lahat ng mga kasama nya. Dali dali nya daw ginising yung driver,pagkasuksok daw ng susi himala daw na biglang umandar yung van nila. At saktong palabas na daw yung galit na lalaki na may hawak ng sobrang habang itak. Halos manginig daw sila lahat,at himalang nakatakbo pa yung van ng almost 3km. Dun na daw sila tumigil,sobrang dilim daw ng lugar halos di na sila nakatulog, di na nakwento saken kung pano naayos yung van basta safe silang nakarating sa isang check point. Sa pagod daw nila nagpaalam sila sa mga pulis kung pwede dun sila matulog saglit sa tabi ng check point at alam nilang safe sila dun.

Kinabukasan,nagpaala­m sila na aalis na ulit para magbyahe. Sakto uuwi na daw yung isang pulis at nakisabay sa kanila. Kinwento nila yung experience nila. Sabi nga nun na ganun daw dun at pasalamat sila na buhay pa silang nakalabas.

- Jang Mi

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon