April 2017 pumunta kami ng Family ko sa Pangasinan para magbakasyon: Swimming ang pakay namin. Yung Tito ko nag-aya sa isang sikat na paliguan*Fast forward* nung makarating kami sa lugar namangha ako.. May kung ano dun sa lugar na 'yon na para bang ayaw ko ng umalis nalibang ako gusto kong gumala at humiwalay sakanila ngunit ng tangkain kong umalis mag-isa napa-isip ako sabi ko dapat may kasama ako, para kapag may naranasan akong kakaiba may makaka-kita di lang ako, yung lugar na 'yon may lumang Grotto mukhang napabayaan na talaga (bundok sya na may mga hagdan). Sa sobrang Curious ko nagpasama ako sa kapatid ko. Since ayaw ko naman talaga pumunta ng mag-isa don.. Umakyat kami ng walang takot kasi nga gusto kong makita yung tuktok non sabi kasi nila my Rebulto ni Jesus Christ kaya gusto kong makita. Nasa kalagitnaan palang kami nakarinig na'ko ng boses. Ganito yung eksaktong sinabi *Bumaba kayo (boses ng matandang babae). Ayokong ipakita sa kapatid kong natatakot ako.. Kasi kapag nagwala ako don malamang tatakbo sya, nagpatuloy parin kami at hindi ko talaga inasahan ang sumunod na mga pangyayari.. Malapit na kami sa Tuktok ng bigla kong nakita ang babaeng tila ba'y nag-aabang saamin (nakaharang po sya sa dadaanan namin) hindi ako makagalaw ang tanging naisambit ko lang sa kapatid ko ay *nakikita mo ba? Sumagot s'ya Huh? Napalakas boses ko para makagawa ng ingay pero walang tutulong sa'min dahil malapit na kami sa tuktok ng Grotto. Napa-atras ako dahil naglalakad na 'yung matanda papunta sa'kin.. Hinatak ng kapatid ko yung kamay ko at sinabing *Oo ate may babae.. Umiiyak kaming dalawa umaripas kami ng takbo kada lilingon ako nakikita ko parin sya sumusunod.. Yung mga paa ko dumudugo na dahil sa mga batong nadaanan namin hindi kona ininda yung sakit. Ang mahalaga sa'kin ay mailigtas ko kapatid ko gusto ko ng bumaba ng mas mabilis humahagulgol na'ko nagdadsal ako. Tumatakbo kami pero mukhang pabalik-balik lang kami sa iisang lugar. Nagdarasal ako ng paulit-ulit.
Hanggang sa namalayan kong nakikita na namin ang daan pababa.. Sa mga hindi maniniwala Okay lang, nirerespeto ko kayo. Pero yung karanasan ko na 'yon ay habang buhay ng nakatatak sa puso't isipan ko. Tandang tanda ko pa ang Hitsura *Matandang babae, Matangkad at walang mata napakarumi ng kasuotan.. (Nakapang madre sya) Nakakatakot para syang sinaunang madre. Salamat sa Diyos at nakababa kami hindi ako makapaniwalang nalampasan namin ang pangyayaring 'yon yung gilid ng bundok bangin na talaga hindi kami mabubuhay kung sakaling malalaglag kami at may mga patulis na bato pa. Pagka baba namin nakita ko si papa hinahanap pala kami mahigit limang oras kaming nawala pero feeling ko isang oras lang nangyari Niyakap ko si papa at yung kapatid ko. Iyak ako ng iyak nanginginig ako sa takot. Sabi ng mga taga doon walang umaakyat doon dahil maraming elementong paglalaruan ka Lalo na kapag natipuhan ka.
Papa: napaka gala n'yo kasi!!
Ako: ngumiti habang lumuluha para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan after non.Umalis narin kami agad hindi kona pinayagang mag stay pa
kami doon.-Khaye .
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.