Pre Summer Sa Dorm

3 0 0
                                    

Ishare ko lang yung story ko nung college habang nagdodorm ako.

Year 2015, Magsusummer na non at matatapos na ang 2nd sem pero ako, tuloy pa din ang pagpasok sa school dahil Student Assistant ako sa umaga at Tour Guide sa gabi sa isang restaurant na malapit sa Malacañang. Nung may pasok pa ay lima kami sa dorm na malapit sa Arellano university pero nung summer na ay dalawa nalang kami ng classmate ko dahil parehas kaming nagtatrabaho sa school.

Isang gabi sa aming dorm's room. Isang pahaba lang ang room namin at may dalawang double deck. Habang naglalaba si Lyn (classmate ko na kasama ko sa dorm) sa loob ng banyo at nag aayos ako ng mga kalat, narinig at nakita ko sa peripheral view ko na may tumalon papunta sa double deck. Pero dahil may harang na kumot sa double deck ay di ko makita kung nandun yung tumalon. Itim lang buong katawan niya na may mahabang buhok na kulot. Sa sobrang takot ko, hindi ako makagalaw. Kaya tinawag ko nalang si Lyn habang nakatitig sa double deck dahil iniisip ko baka lumapit saken yung kakaibang nakita ko.

Me: Lyn!!!
Lyn: Ano ba yun?!
Me: Lika dito dali!! May nakita ako!!

Agad naman siyang lumabas ng banyo at sinabi ko sakanya yung nakita ko. Sabay naming tinignan unti unti yung double deck, pero wala. Natakot kami pagkatapos namin tignan na wala talaga. Pero sigurado ako dahil narinig ko yung yabag sa tiles na may tumalon kahit dalawa lang kami sa dorm.

Makalipas isang buwan, dahil sa madami na kami sa kwarto at may isa akong classmate na gusto din magdorm, lumipat ako at isa kong classmate sa isang dorm malapit sa LRT Legarda Station. Yung building na yun ay luma na pero ang kwarto ay maluwag at malinis mukhang bagong pintura. Yung banyo namin ay sobrang haba at luwag kaya kinakabahan nanaman ako na baka may multo nanaman sa dorm. Si Patcho ay isa din sa mga kaibigan ko na matapang, pero dahil alam niya ang kwento namin sa dorm ng isa naming kaibigan, kahit double deck ang kama namin ay magkatabi kami matulog.

Isang gabi, sa taas ng double deck kami pumwesto para maiba naman. Habang nagdadasal kami bago matulog, napansin namin yung marka ng kamay na maalikabok sa kisame. Nagtaka kami kasi parang malaki yung sukat kaya sinubukan namin sukatin kung samin ba yun, pero hindi! Sinundan namin ng tingin yung mga marka ng kamay pero sa kisame at sa gitna malapit sa ilaw papunta sa bintana at pader papunta kaya natakot kami at nagdasal muli. Di ko alam pero unang sumagi sa isip ko na baka sumama yung nakita ko sa dati kong dorm. Dahil isang beses, nagising ako ng mga bandang 2am at may nakaupong lalake sa study table namin pero di ko sinabi sa ka dorm ko dahil alam ko matatakot siya.

Makalipas ilang araw, nagpunta kami sa bahay ng classmate namin sa Pasig, para gumawa ng research paper. At habang kausap namin siya sa tawag nung nakauwi na kami sa dorm, napansin niyang may bakas ng kamay din sa pader niya. Hindi ito yung unang beses na may nakita kaming bakas, pati nung nagpunta kami sa bahay ni Lyn yung dati kong ka dorm ay nakita din niyang bakas ng kamay.

Bago kami mag 4th year college 2nd sem ay umwuwi na ko. Pero sa unang mga araw na nasa bahay ako ay lagi akong nagigising ng 3am at nakikita kong laging bukas cabinet ko kahit na naka sara to bago ako matulog. Pero pag tapos ng isang linggo ay nawala na ang mga ganitong pangyayari.

Hangang ngayon palaisipan pa din saming magkakaibigan kung totoo bang may sumasama na multo kapag nakita mo to kahit sa peripheral vision lang?

-Maze

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon