Nangyari ito noong First time ko umuwi sa probinsya namin sa Iloilo. 11 years old ako noon. Dapat magbabakasyon lang ako doon dahil andoon ang lolo ko. Pero dahil napasarap ang bakasyon ko naabutan na ako ng pasukan kaya nag enroll na ako para sa grade 6.First day ko, puring-puri ako ng mga kapitbahay ni lola. Kesyo ganda ko daw. Ang lusog ko. Galing maynila kaya parang artista peg ko. Ganun daw talaga dun sabi ni lola, lalo na daw apo daw ako ni lolo ko. Hindi ko nagets yun. Naglalakad kami ni lola papunta sa bahay nila nang may nakasalubong kaming lalaki pero hindi pinansin ni lola. Nagtaka ako kasi sa tuwing may makakasalubong kami pinapakilala niya ako. Nginitian lang ako ng lalaki at ngumiti na lang din ako.
Araw-araw kapag nakatambay ako sa labas ng bahay ni lola lagi ko nakikita dumadaan yung lalaki at panay ngiti niya sa akin kapag nakikita ako. Minsan, kapag wala si lola at ako lang tao dun kapag nakita niya ako lumalapit siya tapos nagtatahulan ang aso. Mag hi lang siya sa akin, tatanungin sino kasama ko at bakit nasa labas ako. Ganun lagi routine namin.
JULY
Bigla akong nagkasakit. Nilalagnat ako ng bongga-bongga. At tinutubuan ako ng butlig butlig sa katawan. Akala nila lola bulutong lang. Pero hindi. Dinala ako sa hospital. Pero one week na ako dun, walang pagbabago at hindi gumagaling mga butlig ko. Nagsimula na din sumakit ang sikmura ko. Inuwi na ako sa bahay ni lola. Dahil wala talagang nagbabago sa akin. Halos mag isang buwan na akong nilalagnat at pasakit ng pasakit ang sikmura ko na parang hinahati. Hindi tumatalab yung gamot na iniinom ko.Hanggang dumating ung gabi na parang mamamatay na ako sa sobrang sakit ng tiyan ko. Wala na akong nailuluha dahil hinang-hina na ako at sobrang taas ng lagnat ko. Sobrang ingay ng mga aso sa labas. Pati yung baboy ng lola ko ay nag iingay. Naririnig ko lolo ko sumisigaw. Nag aaway sila ni lola. Bakit daw pinabayaan ako ni lola. Bakit daw hindi ako nilalagyan ng pangontra. Nag iiyakan sila, si lolo galit na galit na sumisigaw.
Napasigaw na ako sa sobrang sakit ng sikmura ko at naririnig ko na yung lolo ko bakit daw nangingitim ako. Maya-maya may dumating na babae. Pinisil pisil niya ako pero wala akong nararamdaman na sakit kahit sobrang diin na ng pisil niya. Hanggang sa pinisil niya yung alak-alakan ko. Dun ako napahiyaw sa sakit. Pinisil niya pa lalo at may sinasabi siya. Tapos may hawak na siya na bell. Sumasabay yung pagtunog ng bell sa pagsigaw ko dahil sa sakit at tuloy lang din sya sa mga sinasabi niya. Hanggang sa wala na akong maramdaman na sakit. At gumagaan na yung pakiramdam ko. One week ang nakalipas bago ako gumaling ng tuluyan.
Nung gumaling na ako tinanong ko kung ano nangyari sa akin. Sabi ng lola ko, nagkagusto daw sa akin yung kapre. Biniro pa nga ako ni lola nun kasi daw akala daw ng kapre, kalahi niya daw ako dahil ang tangkad ko na babae. Pero wag na daw ako mag alala. Kasi daw nagbigay na sila ng alay. Hindi na daw ako gagambalain ng kapre.
Pero ang sabi ng pinsan ko, incubus daw yun. Kasi sa isang buwan na nagkasakit ako, hindi daw ako nagigising. Naikwento ko sa kanya lahat ng naranasan ko habang may sakit ako. Pero sabi niya kahit isang araw, hindi daw ako nagising. At hindi daw ako dinala sa ospital. Nasa bahay lang daw ako. Lahat daw ginawa nila lola para daw mabawi ako sa demonyo.
Mejo naguluhan ako. Kasi parang totoo lahat ng nangyari. Pero buti na lang ay naging okay ako. Kung ano man yung totoong nangyari sa akin, nagpapasalamat ako at ligtas na ako ngayon.
MissU.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.