April, 2018
Napag desisyonan naming mag pipinsan na mag bakasyon sa Capiz. Kahit isa samin wala png nakaka pag bakasyon don so hindi namin alam kung tama ba ang mapupuntahan namin. Pag ka dating namin don, nag pasundo kami sa driver ng mga grandparents namin. Wala don ang grandparents namin nasa manila sila that time pero may iniwn naman silang mga tauhan. 7 kaming mag pipinsan na nag bakasyon. (yung pinaka matanda si Baba at Ken.
Okay naman ang pag punta namin, magaan naman ang pakiramdam namin sa bahay nila lola. Kahit hndi masyadong malaki ay ayos naman. tabi tabi kaming natulog ng mga pinsan ko, and that night we planned na gumala kinabukasan.
maaga kaming nagising at kumain ng almusal. Nag paalam kami sa mga tauhan nila lola na kami nalang ang bahala sa sarili namin para naman maka pag enjoy kami and makapag pahinga sila. May pinakilala silang matandang babae na pinapasama nila samin pero hndi kami pumayag.Nag enjoy kami sa gala namin, pinuntahan namin ang ibat ibang pasyalan sa lugar.nila at pati mga baryo don ay pinuntahan namin.
Pauwi na sana kami 4 pm palang pero padilim na ang lugar. Naalala naman namin kung san ang daan kaya panatag kaming naglalakad. Habang nag lalakad kami papunta sana sa terminal ng motorcycle napansin ni Kris(male cousin), na parang mali daw kami ng direksyong pupuntahan. Pinag masdan namin ang paligid mali nga ang daan. di ko maalala na dumaan kami don. nag desisyon si kuya ken na bumalik kami sa pinanggalingan namin, habang nag lalakad kami pabalik may nakita kaming parang mga hayop na naka abang apat yon. Pero nung, nakita kami non nag si takbuhan sila at agad na nawala so pinag sawalang bahla nalang namin. Pinag patuloy namin ang pag lalakad at habang nag lalakad isang matandang lalaki ang agad lumapit samin. (Kasing Edad lang siya ng Papa ko),may dala siyang itak sa mag kabilaangtagiliran, kinabahan kami nung una dahil akala namin tatagain kami kase nilabas niya yung isang itak, pero binigay niya yon kay kuya Ken at sinabi niya na bantayan daw nami. ang paligid pag may nakita daw kaming hayop sabihin namin sa kanya. so kinabahan na kami, kompol kaming nag lakad pabalik nasa mag kabilang side si kuya Ken pati yung lalaking may dalang itak. Yung lalaki panay ang tingin niya sa likod kung minsan ay paatras pa siyang mag lakad. bago tuluyang dumilim ang paligid ay nakarating kami sa isang baryo, wala nang tao sa labas pumasok kami sa isang bahay at good thing is may kuryente naki charge kami ng phone. may mga tao din don sa loob para silang isang buong pamilya. Yung batang babae sa kanila, sabi pa nung bata samin "ang swerte niyo takot sila sa papa ko" tas nag smile pa siya.
Pinag kape kami nung lalaki tas kinwento niya na sinundan daw kami nung mga aswang at iniligaw. yung daan daw na di kami pamilyar habang nag lalakad kami ay yung daan daw papunta sa baryo nung mga aswang. tinanong niya kung may nakita daw ba kaming naka sunod samin,sinabi namin na may nakita kaming mga hayop nung pabalik na kami bago namin siya ma-kita. Tinanong siya ni ate Aliya(female cousin) kung pano niya nalaman, tinawagan daw siya ng tatay niya at sinabing pumunta daw don sa baryo ng mga aswang dahil yung mga apo daw nung amo niya ay baka kainin na. agad daw siyang umalis, tinanong namin kung pano nalaman nung tatay niya na nasa ganong sitwasyon kami, sinabi niya suot daw ni Ariel(youngee male cousin) yung isa sa mga pangontra ng tatay niya. Pagkatingin namin ginawa pala ni Ariel na pantali sa buhok yung pangotra parang goma kase siya namay design. Sabi nung lalaki maswerte daw at naisuot daw ni Ariel yon kung hindi baka daw dina kami natagpuan. Yung pangontra daw nayon ay malakas hindi daw basta basta maka lalapit ang anumang masamang elemento. Kaya pala nung nakita namin yung mga hayop na aswang pala imbis na sugurin kami ay tumakbo sila.That night pag gising namin andon na ang mga tauhan ng lola namin. nag pa alam at nag pasalamat pa kami sa pamilya nung lalaki, nung naka sakay na kami sa sasakyan wala don yung tatay nung lalaki, tinanong namin yung tauhan ukol don sa mag tatay sinabi nila na yung matanda daw ay magaling na albularyo, yung lalaki daw anak nung matanda ay maraming napatay na aswang gamit ang itak niya na binendisyunan ng ibat ibang magagaling na albularyo. Pag katapos non pinakita niya yung proteksyon ng van(para siyang rosary na naka sabit sa likuran) at mga proteksyon nila sa katawan.
Naka uwi naman kaming safe sa Manila at nakabalik pa naman kami sa Capiz pero di na kami gumala ng walang kasama.
- Zen
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.