SIPOCOT, CAMARINES SUR 1963
Hango sa tunay na kaganapan ang istoryang ito. Kwento ito ng isa sa mga nakatatandang kapatid ng tatay ko, si Tiya A.
Bunso sa 7 na magkakapatid ang tatay ko. Naghiwalay ang magulang nila at sa salaysay ni tiya A, siya, si tiyo J at ang tatay ko ang naiwan sa ama nila (lolo ko). 14 anyos palang noon si tiya A at ang tatay ko ay 7 anyos lang. Nakatira sila malayo sa kabayanan at halos kagubatan ang iyong masisilayan. Bahay na yari sa kahoy at kawayan at bubong na anahaw.Tiya A's POV...
Isang araw ng magpaalam samin si papa na pupunta sa bayan para mangontrata ng bibili ng uling (nagu-uling po ang lolo ko at ipinagbibili sa bayan). Babalik daw sya bago mag alas 6 ng gabi. At dahil ako ang matandang maiiwan, nagbilin sya sa'kin..." Kapag wala pa ako ng oras na sinabi ko, isara mo na ang buong bahay. Isarado mong mabuti ang mga bintana at ang pinto "
Opo papa ang sagot ko. Mabilis lumipas ang mga oras. Nagluto na ako ng hapunan at kumain na rin kami habang may liwanag pa. Nagsindi na ako ng bunsol (lampara) na tanging liwanag namin sa gabi. Dumidilim na ang paligid habang hinihintay namin si papa. Laganap na ang dilim ay wala pa rin sya kaya sinarado ko na ang buong bahay gaya ng bilin nya. Pagkatapos ay pinaakyat ko na si tiyo mo at si papa mo sa tabihan namin ng gamit (parang kisame ng bahay nila na may sahig na kawayan, pwede rin higaan ng tao). Umakyat na rin ako dala ang isang bunsol at nagiwan ako rin ako ng nakasindi sa baba. Dinala ko rin pagakyat ang itak namin. Itinaas ko ang hagdang kawayan na ginamit namin sa pagakyat. Naglatag ng banig at pinahiga ko na si tiyo at si papa mo. Nahiga na rin ako habang iniisip kung anong oras dadating si papa.
Lumalalim na ang gabi, huni ng mga kuliglig at kulisap nalang ang naririnig ko. Hindi ako natutulog habang mahimbing na ang tulog ni tiyo at ni papa mo. Hinihintay ko pa rin na baka dumating si papa. Lumipas pa ang oras nang may narinig akong naglalakad sa labas. Tumutunog ang mga tuyong dahon kapag naaapakan. Tila umiikot sa paligid ng bahay. Pinatay ko agad ang dala kung bunsol at nakiramdam. Hindi ito si papa, may naririnig akong umaangil, hindi ito nagiisa. Patuloy akong nakiramdam hanggang sa kumalabog yung pinto at nabuksan...
Pumasok ang hindi pangkaraniwang nilalang. Mabalahibong pigura ng tao, nakauswad na ngusong may matatalim na ngipin, patulis na tenga, nanlilisik na mga mata, mahahabang kuko. May dala sya na karne pero hindi ko matukoy kung anong klase. Sa likod nya nakasunod ang isang malaking aso na walang balahibo, naglalaway at may mga pulang mata na sa tingin ko ay isang sakmal lang ay kaya ng lumagot ng hininga. Hindi ako makagalaw habang nakasilip sa siwang ng sahig na kawayan at banig. Sobrang takot ang nararamdaman ko at nasa isip ko na hindi dapat kami makalikha ng kahit anong ingay. Tiningnan ko si tiyo at papa mo na mahimbing pa rin ang tulog. Hinawakan ko ng mahigpit ang katabi kong itak, hinanda ko ang sarili ko. Lalaban ako kung sakaling makita kami ng nilalang na sa pagkakaalam ko ay isang uri ng aswang na kayang kaya kaming patayin at kainin. Nagsimulang kumilos ang nilalang. Binungkal ang kaldero namin, kanin at ulam. Saka hinalukay ng kamay na may mahahabang kuko. Pagkatapos nginatngat na yung karne na parang makunat. Naamoy ko pa ang lansa ng dugo ng kinakain nila ng aso nya.
Sa kalagitnaan ng aking pagmamasid, naalimpungatan si papa mo at tangkang iiyak. Buti nalang natakpan ko agad ang bibig nya at ibinulong ko, " may aswang sa baba wag kang maingay ". Takot na takot si papa mo at hindi na sya nagtangkang silipin pa. Nagising na rin si tiyo mo at gaya ng sinabi ko kay papa mo, natakot din sya. Niyakap ko silang dalawa at sabi ko wag maingay. Nasa ganong pwesto kami ng marinig kung magsalita ang nilalang. Sabi nya "Tayo na". Sobrang nakakatakot ang tinig. Tinig talaga ng isang halimaw kung iisipin. Lumabas na sila, nakasilip lang ako at nakikiramdam. Alerto pa rin ako dahil baka nagaabang lang sila sa dilim.
Maya maya pa ay may narinig na akong tilaok ng manok na labuyo (manok na gala sa bundok o gubat), mag uumaga na. Medyo nakahinga ako ng maluwag pero nananatili pa rin ang takot. Pumutok na ang liwanag ay hindi pa rin kami umaalis sa pwesto namin kahit gutom na ako at sila papa mo. Hanggang sa may tumawag sa pangalan ko, si papa. Umiiyak akong sumagot. Nung makababa kami sinabi ni papa...
" Akala ko kayo na 'tong mga buto na nakakalat dito ".
Umalis din sila papa sa lugar na yun noon mismong araw din na yun...
-Stranger-
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.