"Paniniwalang Binaliwala...

6 0 0
                                    

Naniniwala ba kayo na hindi dapat katakutan ang Araw ng Patay, bagkos ang dapat katakutan ay ang Mahal na Araw. Dahil ang kasabihan daw ay Patay ang Diyos. Kaya malakas ang d*monyo na maghasik ng kasamaan. 

Kabilin bilinan samin noon ng lola namin na wag mag lalabas ng mga ganung araw hanggat di sumasapit ang linggo ng pagkabuhay, dahil lapitin ng Disgrasya at bawal na bawal daw mag kasugat. Dahil matagal mag hihilom.

Huwebes Santo ng Gabi taong 2013 Nagkayayaan kaming mag pipinsan na pumuntang Mystical Cave hindi na namin ito pinaalam kay lola, dahil alam niyo na, ang mga kabataan ngayon, pasaway na. Karamihan sa taga Antipolo alam kung saan ito, medyo malayo layo kung lalakarin namin, pero uso daw ang Alay lakad. Saktong alas nuebe kami nakarating roon, may mahabang hagdan sya pataas bago makarating sa entrance ng kweba. At meron itong hagdanan din na  paakyat ng bundok na may Krus sa tuktok nito. Hindi naman ganun kataasan ang bundok. Paglabas namin sa kweba, nagkayayaan kaming umakyat sa tuktok which is biglang bumigat ung pakiramdam ko.  Naakyat naman namin ung tuktok, sariwang hangin ang sumalubong samin. Kami nalang din ang tao nun sa bundok, mga 30 minuto nakalipas napagpasyahan na naming bumaba. Ako ang nahuli, lumingon pa ako sa may bandang krus nang may makita akong babae mahaba ang suot na kulay itim hinahangin ang kanyang suot at ang kanyang buhok, naglakad ako ng paatras dahil hindi ko mawaglit ang aking mata sa pagtitig sa kanya, nang mapatid ako at alam kong dumeretso ako ng padausdos pababa at doon na ang huli kong natatandaan.

Nagising na lamang ako, nasa Ospital na ako. Andon ang mga magulang, mga pinsan  at ang lola ko na katakot takot na sermon ang inabot namin. May mga minor fracture ako sa katawan at may sugat din ang ulo ko, nauntog siguro sa bato kaya nawalan ako ng malay at nagkaroon ako ng malaking sugat sa paa, nagcause ito nagpagkabaldado ko ng isang taon. Isang school year ako nag stop, di nakapasok. Hindi ko rin maintindihan kung anong connect ng hindi ko paglalakad  sugat ko. Ang tagal niang humilom at palaki sya ng palaki. Takot na takot ako nung mga oras na un dahil paano kung mainpeksyon at kailanganing putulin ng paa ko? Kung ano anong gamot na ang ininom ko at inilagay sa sugat ko pero talagang mabagal ang paggaling nito, wala naman makitang pilay sa paa ko nung inexray, kaya hindi malaman ng doctor kung bakit hindi ako makalakad.

Sa paglipas ng araw, linggo, at buwan kahit nauubusan nako ng pag-asa' hindi ako iniwan ng pamilya ko. Buo ang loob nilang nananalig sa Diyos na mapapagaling ako. Dahil ang Diyos ang dakilang manggagamot. Time goes by, may mga improvement nagaganap sa awa ng Panginoon at makalipas nga ng isang taon, balik eskwela na ako.

Hindi masamang sumunod na lamang sa paniniwala totoo man ito o hindi. Ang syang sumuway, ay siguradong sya rin ang mapapahamak.

-Chrollo Lucilfer 

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon