Bataan Escapade

17 1 0
                                    

Year 2017. I'm working as a call center here in Mandaluyong and nagkaroon kami ng team building sa Bataan. Sampu kaming kasama including yung driver/tour guide namin. Before kami mag byahe nag head's up na si kuya driver na sundin ang mga dont's and do's nya para safe makauwi. Sarap ng tulog ng mga kasama ko samantalang ako ni hindi man lang antukin.

Nung marating namin yung beach resort nagpahinga na muna ako samantalang nag swimming na agad yung iba. Mag isa lang ako sa room then suddenly I heard foot's steps na parang nag march pero hindi ko nalang pinansin tapos nakatulog na pala ako. In my dreams I saw five men na puro dugo ang katawan at pilit nila ako inaabot kaya sobrang natakot ako. Nagising ako sa bulong sa tenga ko na parang humihingi ng tulong sakin. Hindi nako nakatulog that night dahil sa nangyari...

Bago kami umuwi pumunta kami sa museum at sinabihan kami ng driver na wag masyado maingay. Pagpasok namin hindi na agad maganda pakiramdam ko sa lugar. Kami lang tao pero parang crowded sya ganung feeling. Mga gamit pala ng sundalo ang nanduon...
Nag hahanap ako ng cr pero pagtingin ko sa isang side ng room, nandun na naman yung limang lalaki but this time naka uniform sila na pang soldier and they keep on screaming like they are in pain at unti-unting nabalot ng dugo ang katawan nila. Sa takot ko bumalik ako ng sasakyan at napansin ni kuya driver na balisa ako kaya na kwento ko lahat. Sabi nya hindi daw ako ang unang nakaranas ng ganun. Yung mga nagpapakita daw ay mga Filipino soldiers na namatay nuong Bataan death march. Hindi daw nila matanggap na patay na sila at naghahanap padin ng justice. Pinag pray ko nalang sila bago kami umuwi.

-Pennywise the Dancing Clown.

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon