14 years old palang ako ng magkaroon ng Summer Outing ang dating Church namin.
May Mass gathering pa ng umaga at choir ako noon at ang kuya ko, sumunod nalang kami dun sa pagsi'swimmingan.
Pero bago yon, sinundo ako ng kaibigan kong si Liza (not her real name) sa bahay para sabay na daw kami , pero dahil nga may Mass Gathering Pa nauna na sila pumunta dun, napaka excited nya nung umagang yun ang saya saya nya.After ng mass sumunod na kami nila kuya dun sa beach, pagdating namin dun kumain kami agad at naligo, ung isa naming friend na si kuya Ace ay vini'video pa kami, after kumain nagkayayaan kaming maligo na, ang babaw ng dagat kasi hindi pa nagha high tide nung mga oras na yun.
Pero bago kami lumusong binalaan kami na wag lalagpas sa magkatapat na bato hindi sinabi kung anong dahilan pero kinilabutan ako nun pakiramdam ko may hindi magandang mangyayare,Patuloy kami sa paglalaro sa tubig at napakalapit lang namin sa pangpang, sinunod namin ung sinabi sa amin ng life guard na wag lalagpas sa batong iyon, 11am na nakaramdam kami ng gutom nagkayayaan kaming umahon na pero nagulat ako kasi biglang umalon ng mataas at hindi ko na maabot ung tinatapakan ko, nalulunod na ako at nakakainom ng tubig nagdadasal na sana makaligtas ako, naramdaman ko nalang na may humawak saken si kuya pala, pero nawalan ako ng malay sinampal nya na ako kasi sabi nya nakadapa nalang daw ako sa tubig nung magising ako naririnig ko ung mga kaibigan ko na humihingi ng tulong, nailigtas ako ng kuya ko pero ung dalawang kaibigan naming nalunod ay isinugod sa ospital.
Umuwi na kami nun at naghihintay ng balita , ipinagdadasal namin na sana okay lang sila, pero hindi ganun ang nangyare namatay si Liza.
13 kaming magkakaibigan ang nalunod at nung gabing yun sinapian ang isa samin(si Ann), dinala sya sa church at paulit ulit nyang sinasabi samin na kukunin nya kaming lahat ang bigat ng pakiramdam ko noon, para kaming inaalon sa sobrang lakas ng hangin nagdasal kami lahat at mejo kumalma na ang sinapian.Dumating na ung katawan ni Liza para iburol, ang sabi nila hindi daw namin pwedeng makita ung kabaong kaya and ginawa nila ipinasok nila kami sa isang silid Bale 11 nalang kami noon kasi namatay na si Liza at nasa hospital pa ung isa. Pinaghawak hawak nila kami ng kamay at ang katabi ko nun ay si Ann at si Vince, mahigpit ang hawakan namin ng kamay habang nagdadasal kami. Maya Maya Pa naririnig namin sa labas na naidaan na ang kabaong ng kaibigan namin, mejo nakahinga na ko ng maluwag kasi ang akala ko lalabas na kami pero naramdaman kong humihigpit ang kapit saken ni Ann, nasasaktan na ung kamay ko kaya sabi ko sa kanya luwagan nya pero hindi ko sya tiningnan, biglang lumakas ung hangin sa silid na yun at nakakaramdam na kami ng takot, lumingon ako kay Ann, napasigaw ako sa takot kasi nanlilisik na ang mga mata nya at nakatingin saken, halos mapaiyak ako kasi ayaw nya kong bitawan, nakipagpalit si Vince saken ng pwesto at hinawakan na nila si Ann, paulit ulit nyang sinasabi na kukunin nya kami.
9pm nilabas nila kami sa silid at nagpatuloy nagdadasal ang dami ng tao sa labas, may nanghingi ng tubig ang dalawa naming kasama si Vince at Rose, binigyan ko sila ng tubig pero pinatakan iyon ng holy water at asin bago iabot sa kanila, nagulat kami kasi binato nila ung baso at nagwala, tatlo na silang sinasapian ng mga oras na yun, lahat kami takot na takot na.
11pm, palala ng palala ang nangyayare, ung mga mata nila nanlilisik at ung mga boses nila nagbago, ang lalakas din nila.Hanggang sa may lumapit sa mga magulang namin at inerekumenda kami sa albularyo, pagdating namin sa albularyo agad nya kaming ginamot, may nagambala raw kami sa pinagliguan namin at ang gusto nalang kapalit ay kami mismo.
Naging maayos na kami pagtapos nun,at nakalabas narin ng hospital ang kaibigan namin, pero kinilabutan kami sa kwento nya, hindi nya kasi alam na patay na si Liza, ang akala nya nung una buhay ito dahil pumunta pa daw ito sa room nya at niyayang bumangon na, at pinapasama sa kanya nagtatalon pa daw ito sa kama nya at tawa ng tawa. Kaya gulat na gulat sya ng malaman na namatay ito agad nung isugod sila.
pinagdadasal narin namin si Liza na sana masaya sya kung nasan man sya naroroon.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.