BAKASYON

2 1 0
                                    


(BASED ON TRUE STORY)

Bakasyon sa iloilo.

Nangyare to ng grade 6 pa lang ako nagdecide yung mother kona mag vacation province namin.

Nakasakay na kaming tatlo sa barko ako at ang kapatid kong panganay at si mama.

Pag kababa namin ng barko sinalubong agad kami ni tita kapatid ni mama.
Nag usap Lang Sila at nagkamustahan pagtapos nilang mag usap dumiretso na kami sa bahay ni tita, magkatabi Lang Yung bahay ni tita at ni mama (yung bahay ni mama di talaga sa kanya yun, sa kapatid nilang bunso kaya binigay nalang kay mama).
Hindi kami pwedeng matulog dun kase parang maliit lang yun kaya dun nlang kame sa bahay nila tita natulog.
Syempre kasama rin ni tita yung anak nya na pinsan namin bale pito kami.

Maggagabi na non lahat kami tapos ng  kumain at magpunas kaya umakyat na kami.
Iilan narin samin ang gising ako at ang pinsan kong babae yung iba ay tulog na kaya ayun humiga na rin ako.
Hindi pako natutulog ng bigla nalang akong nakarinig ng tahol ng aso, yung tahol hanggang sa sunod sunod na silang tumatahol.  Kaya nagising sila mama parang nararamdaman kona rin na parang may lumilipad sa taas ng bubong namin,kinausap ko si mama na may parang lumilipad sa taas ng bubong namin. Tumayo  si mama at tita bumaba sila syempre sumama ako ayon nga bumaba na kami sabe ni tita baka aswang daw yun. Kumuha si tita ng itak at asin, nilagyan ni tita ng asin yung pintuan namin at bintana tapos ni lock ni tita yung pintuan ng maigi baka pumasok.

Pagkaakyat namin hindi parin nawawala yung mga tahol ng aso Kaya sumilip ako sa bintana lahat ng aso nasa labas amg dami nila, yung aswang sa taas ng bubong namin  ayon nadun parin yung pakpak nya rinig rinig namin, baka nga daw yun yung kinakahulan ng aso kaya sabe ni mama matulog nalang kami at wag ng pansinin kaya mga ilang oras nakatulog na ako.

Paggising ko wla na sa tabe ko si mama at si tita baka nagluluto ng almusal namin kaya bumaba narin ako.

Mga bandang 5pm nagiinoman sila mama yung iba hindi ko kilala, nagcecellphone lang ako at nakikinig sa pinaguusapan nila.
Pinaguusapan  rin nila ang nangyare kagabi  baka raw may nakita ang mga aso na kaluluwa o mga elemento sabe Naman ni mama baka raw si lola yun o si lolo. Si tita naman baka raw aswang yun kase nga rinig na rinig talga yung pakpak nya.

Kaya pag sapit ng gabe ng lagay na kame ng maraming asin sa pinto sa taas ng bubong tska sa bintana incase na mangyare ulet yon wla naman kaming naramdaman Kaya natulog nalng kami.

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon