November 18 nong nagdecide kami ni mama na pumunta ng Ilo-Ilo. To visit my father's family na don na nakatira sa isang bayan sa Ilo-Ilo.
First day parang wala namang kakaiba. Just they talk about 'aswang'. Na wag daw kakain basta-basta sa mga karenderya malapit sa pier. Yong mga stories nila sa aswang sa madaling araw, kasi kung saan saang lugar sila nakakarating dahil sa pagtitinda. 2am daw sila umaalis tapos ginagabe na ng uwi. Ako nakikinig lang.. Since wala naman akong naexperience sa aswang. Nakikinig lang ako.
We went to a different Catholic churches. Gusto kasi ni mama magpapicture sa mga lumang simbahan. Nag aalangan ako kasi sa tuwing nasa simbahan ako kung anu-anong nakikita ko.
Ikatlong simbahan na pinuntahan namin. Halatang luma sya, pero maganda sa loob kasi renovated.
Habang nagdadasal may napansin akong may tao sa likod namin, yong mabilis ang pag galaw niya at palipat lipat ng direction. Pinaramdaman ko lang muna. Tas bigla ko syang liningon. Nasa pintuan na sya nakatalikod. Isang madre ang nakita ko. Kinilabutan ako. Gusto ko sya sundan nong lumabas sya pero may kung anong takot akong naramdaman. Sumakit yong ulo ko. Nararamdaman ko lang to pag malakas yong elementong naecounter ko. Pero feeling ko hindi lang sya isang multo o maligno. Dahil nong paalis na kami sa church nakita ko ulit sya sa labas ng pintuan ng simbahan. Close kasi yong main door (sa gilid yong binubuksan para sa mga tao).
Yong mukha niya pulang pula. Ngumiti sya sakin. Nag sign of the cross ako tyaka binulong yong orasyon na tinuro ng Lola ko. Di sya naglaho sa paningin ko. Tulad ng mga multo na nakikita ko. Kung isa syang demonyo, bakit nakakapasok sya sa simbahan. Tapos ginamit nya pa ang image ng isang madre. Until now nalilito parin ako...November 20. Sabi ng tiya ni Papa magbaon daw kami ng luya, palito ng pospro tyaka lumang 25centavos sa bulsa. Wala namang mawawala kaya ginawa namin. Proteksyon daw iyon sa mga aswang o mangbabarang na pwede naming makasabay sa byahe. Nong nasa jeep kami , may nakatabi akong babae. Siguro nasa 40's palang siya. Kahit medyo masikip na ayaw niya parin sumiksik sa akin. Tapos ang sama ng tingin niya. Narinig ko ang bulong niya sa kasama nya. Mabaho daw asugi. Yong dulo ng palito. Eh naamoy nya yon mula sa bulsa ko.
Nong nkababa na sya panay parin ang tingin nya samin ni mama. Nong nakababa na kami sa jeep nag hanap na ng tricycle, nakita ko sya malapit sa tindahan nakatanaw samin. Nagtaka ako dahil malayo yong pinagbabaan nya kanina. Naalala ko yong kwento nina Lola tungkol sa sigbin...Last part
Recently lang to nangyari. Di ko na sasabihin pangalan ng mall.
3rd floor. 10am Monday, papasok palang ako sa salon non nong may naramdaman akong kakaiba. Parang vertigo yong pagkakaexplain ko ng nararandaman ko pag nakakakita ako ng pangyayari. Nag CR ako kasi parang masusuka ako. Nong nasa labas na ako ng cr , bigla dumilim ang paligid ko. Siguro ilang sigundo lang. May nakita akong mahuhulog mula 3rd floor na kinariroonan ko. (Di ko na eexplain ichura nong lalaki). Nong bumalik lahat sa dati. May naririnig akong boses na paulit-ulit sinasabe "Daga" o "Alay".
Until nangyari nga after ilang days. Maling balita yong kumalat sa nakita ko. Walang suicide.
Di ako mapakali hangang ngayon.-LadyBug
Negros*****
“YAYA”
Ang aking istorya ay hango sa aking tunay na karanasan. Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa sa aking aalala ang mga pangayayari na nagpapatindig pa rin ng aking mga balahibo. Sa tuwing kinukwento ko ito sa mga kaibigan ko, tinataasan lamang nila ako ng kilay at pinagtatawanan. Gumagawa lang daw ako ng kwento pero alam ko sa sarili ko na totoong nagyari ito at sa aking pamilya.
Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Seaman ang aking ama at factory worker naman ang nanay ko. Dahil busy sila sa trabaho, madalas ay naiiwan kami sa pangangalaga ng lola ko at tiyahin. Minsan ay sinabi ni mama na mas mabuti daw na kumuha na lang siya ng yaya namin para hindi kami laging nakaasa kay lola. May close friend si mama na nag-recommend ng yaya sa amin na mula sa probinsya.
Claire. Yan ang pangalan ng naging bagong yaya namin. Matangkad siya, maputi, mahaba at itim ang buhok, at medyo may kalakihan ang katawan. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba kay Yaya Claire. Parang bangmay mali. Pero dahil bata pa ako noon, hindi ko masyadong pinansin ang mga nararamdaman ko tungkol sa kanya.
Maraming kakaibang katangian si Yaya Claire na tila mahiwaga at kataka-taka. Noong mga panahon na ‘yon uso pa ang brownout sa Maynila. Gabi na nakakauwi si mama galing sa trabaho kaya si Yaya Claire ang laging nagbabantay sa aming magkakapatid. Minsan ay may ipinakita siyang kapirasong papel na may drawing ng batang may sungay. Dahil mga bata pa kami nuon, takot na takot talaga kami. Nagbanta si Yaya na kung hindi daw namin siya papakinggan sa mga sasabihin niya, makikita daw namin ang mga nakakatakot na nilalang sa aming panaginip. Dahil sa sobrang takot, sumusunod na lang kami sa mga pinag-uutos ni Yaya.
May pangyayari pa na nag-utos si mama kay Yaya na magluto ng sinangag at iba pang putahe na may bawang. Dahil dito, napansin ko na tila galit at nanlilisik ang mga mata niya. Hindi ko alam kung napapansin ni mama yun pero sa mura kong isipan, hindi ko makakalimutan ang mga ikinilos ni Yaya.
Isang araw, nagising na lang kaming lahat na may pulang pasa sa aming leeg at tiyan. Dahil sa pag alala ni Mama, nagpatingin agad kami sa duktor. Ang nakakapagtaka ay wala namang nakitang sakit sa amin. Patindi ng patindi ang mga pasang yun sa katawan namin na napapansin na rin ng ibang tao.
Tinanong si Mama ng ka-opisina niya,
“Ano yang nasa leeg mo? Kiss mark ba yan?”
Ang sagot ni mama,
“Hindi nu? Pati mga anak ko ay may mga pasa na gaya nito. Nagpa-laboratory na nga kami pero cleared naman kaming lahat,”
Sabi ng katrabaho ni Mama,
“Naku, baka inaaswang na kayo!”
Natawa lang daw si mama sa kanyang narinig. Pero bigla niyang naisip si Yaya Claire. Napapansin na pala ni Mama ang mga kakaibang ikinikilos ni Yaya - yung mga araw na ayaw nito ng bawang at yung pagkain ni Yaya ng atay na hilaw. Minsan ay napansin din niya itong nasa kwarto na parang may kakaibang dinadasal.
Nang maikwento ito ni Mama sa katrabaho niya, pinayuhan siya nito na magsunog ng gomang tsinelas habang nasa banyo si Yaya. Pagkatapos ay pansinin daw namin ang magiging reaksyon nito. Dali-daling umuwi ng bahay si Mama. Tiyempo naman nasa banyo si Yaya. Nagsunog si Mama ng tsinelas sa likod bahay hanggang sa unti- unting pumasok ang usok. Habang nasa banyo si Yaya Claire ay naririnig ni Mama ang kakaibang unggol at salita nito na animoy nasasaktan. Biglang bumukas ang pinto. Nakatapis ng tuwalya si Yaya Claire at hindi na tinapos ang pagligo. Nang makasalubong niya si Mama, ang tanging nasabi nito ay,
“Ate, magpapaalam na ako. Kukunin ko na lang sa ibang araw ang mga gamit ko,”
Nabigla si Mama sa mga pangyayari. Napagtanto niya na baka nga hindi normal na tao si Yaya Claire. Baka nga isa itong aswang gaya ng sinasabi ng kanyang katrabaho.
Simula nuon ay wala na kaming naging balita tungkol kay Yaya Claire. Nagpapasalamat kami dahil walang napahamak ni isa sa amin. Humilom na ang mga pasa namin pero hanggang ngayon, balot pa rin ako ng takot at pagtatanong kung ano bang klase ng nilalang si Yaya Claire.Credits: Tambalan
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
TerrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.