Isla sa Quezon Province
We went to an Island in Quezon Province via a tour organized by my friend. First time ko to in a while na makakagala ulit because of the Pandemic. We left Manila around 2AM and we arrived at the port around 5:30AM. We had to wait for the boats to sail so free time muna kami. We used the time to buy breakfast. Then around 7AM nakabyahe na ung bangka namin papunta sa isla.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako dito sa isla na to. Pero first time ko ngayon na makapag overnight dito.
Maganda ang isla. Ung buhangin white sand and hindi sya ung biglang lalim na onting kembot mo pang from the shore e lubog na ulo mo. Dito, pwede ka maglakad ng malayo layo from the shore that time since its low tide and ung tubig is hindi pa aabot sa bewang mo.
Maraming puno ng nyog sa isla. Meron ring mga Talisay. May mga cottage and tables na nakaset pero tent pitching ang gagawin ng grupo namin. Nagdala ako ng sarili kong tent para mag isa lang ako sa loob.
So paglapag namin ng isla, nagset na kami ng mga dala naming tent. Since ako lng ung nagdala ng sariling tent, ung mga tent na gamit nila is pareparehong beach tent. Ung kulay ng akin puti pero tent ito na pahaba. Since mababa pa ung tubig, wala muna naligo sa amin and we used the time to rest. Naligo kami after lunch since medyo naghightide na, and nag inuman naman kami ng bandang 4PM.
Dala marahil ng antok at pagod, pagkakain namin ng dinner around 7PM, dumiretso na ko sa tent ko. Kulang pa kasi tulog ko nun dahil galing ako ng trabaho the day before ung lakad namin. Di na ko nakasama sa socials nung gabi saka bonfire.
Nagising ako ng mga madaling araw, dahil malamig. 1:35AM ayon sa relo ko, Nakapatay ang dala kong ilaw para sa tent ko pero bukas ung ilaw na nasa lugar namin sa labas. Expected ko noon na talagang malamig dahil tabing dagat tapos may Amihan pa pero bukod sa lamig, may iba pang pumukaw sa atensyon ko.
May narinig akong pagaspas. Parang galing sa pakpak ng ibon, pero malakas ung tunog. Alam kong hindi ito ingay na gawa ng ihip ng hangin dahil alam ko kung pano ang tunog pag umiihip ang hangin sa dami ng karanasan ko sa outdoor beach camping at sigurado ako, na may sanhi ang pagaspas na naririnig ko, at imposibleng ibon ito dahil ang lakas ng tunog. Kung paniki man ito, wala akong naririnig na humuhuni.
Biglang may dumaan na anino na humarang sa ilaw. Sa nakita ko, hindi ibon ito dahil napakalaki naman ng anino kung ikukumpara sa ibon o paniki. May dumaan na namang anino. Ganun rin.
2 aninong malaki.
Isasawalang bahala ko na lang sana ang lahat pero may narinig ako. Di ko alam kung sa dalawang anino nanggaling o ibang tao pero nagpanting ang tenga ko sa narinig ko:
"Tirahin na natin tong nasa puting tent. Nag iisa lang to."
"Tumigil ka, hindi na tayo maaring kumain ng tao. At magkakagulo lng lalo dito sa isla pag may nangyaring hindi maganda dito, mas dadaming atensyon makukuha natin"
"Para magsilbing leksyon sa mga damuho! Para matakot sila sa atin at di na pumunta pa rito!"
"Magtigil ka o kung hindi ihahabilin kita kay Ka Manding! Halika at kunin na natin ung kambing sa kabila!"
Palitan ng salita sa 2 tao ang narinig ko at di ako makapaniwala. O tao nga ba ang narinig ko? O kung anong nilalang na.
Maya maya ay nawala na ang pagaspas na naririnig ko pero hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Di na rin ako nakatulog ulit hangang mag umaga.
Pagdating ng umaga, sinubukan kong tanungin ang mga kasama ko kung may narinig sila kaninang madaling araw na kakaiba, pero wala. Nakatulog na sila mga bandang 11PM since napagod rin at gawa ng alak.
Pinilit kong isawalang bahala ang mga narinig ko kagabi. After namin mag agahan, nag island hop kami sa mga nalalapit na pasyalan sa bayan na yon: may sand bar, kweba, snorkling spots. Ang saya saya! Lahat silang mga kasama namin ay hindi maipinta ang saya sa kanilang mga mukha. Kung alam lang nila.
Pag katapos ng island hopping, balik na kami sa isla at naghanda para sa pagbalik namin sa pantalan. Uwian na.
Bago kami sumampa ng bangka pabalik sa pantalan ay nakausap namin ung care taker doon. Nagpasalamat kami sa karanasan namin sa isla. Sa loob loob ko "Salamat at walang masamang nangyari sa amin." Nung nasa bangka na kami, nakakwentuhan ko si Manong Bangkero. Nalaman ko na pangingisda talaga ang pinagkakakitaan ng mga nasa isla at recently lang nagboom ung tourism doon. Nakalagayan ko na ng loob si manong kaya naglakas loob na ko na itanong kung may kilala ba silang Ka Manding sa isla. Napatulala si manong sa akin. As per Manong "Oo, kwentong bayan na yan sa amin si Ka Manding. Sabi ng mga matatanda, aswang daw ang damuho nung nabubuhay pa sya. Minsan may magkasintahan na tumuloy sa isla at sa kanila nakituloy, pero hindi na nakita ung mga yon. Nilusob ng mga tao ung bahay ni Ka Manding pero gulagulanit na damit na lang daw ang nakita sa loob ng bahay. Pero matagal nang nangyari yon. Mga dekada 90 siguro."
Hindi ako makapaniwala sa kniwento ni Manong. "Teka at bakit mo naman nalaman yan? May nagkwento ba sa iyo nyan?"
Di ko nalang sinagot tanong ni Manong hanghang makarating na kami sa Pantalan. Bakit? Maniniwala ba sya kung sasabihin kong may narinig akong naguusap kagabi at binanggit ang pangalan ni Ka Manding? O paano kung kilala nito si Ka Manding? Baka balikan ako nito kung lumabas man ung narinig kong usapan kagabi.
- Avis
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorreurEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.