Gusto ko lng ibahagi sa inyo ang kwento ng lola ko sakin...
Dalaga pa lola ko nun, alam nyo naman na sa panahon dati pag may namatay di binabalsamo yung patay, pinapahiga lng muna sa higaan na may naka sinding kandila sa may bandang ulohan habang ginagawa ang kabaong nya. Di kase mayaman yung lugar ng lola ko.
May lamay nun, Dahil bago palang namatay, wala masyadong nakikilamay, tanging pamilya, kapitbahay at yung malalapit sa pamilya lang ang nakikidalaw pero uuwi din naman.
Unang gabi palang bago namatay, di pa nalagay sa kabaong yung katawan ng patay dahil ginagawa pa nga ang magiging kabaong nya, natulog na sila, tanging ang nakatuka lamang na magbabantay ang gising, pero ng di inaasahan, Nakatulog yung nagbabantay, natulugan nila yung patay.
After that night, oras ng pagdadasal para sa patay (Pangadji/Pangadyi in Cebuano) may isang manggagamot sa kanila ang nakiramay at nakidasal. Tumigin sya sa patay, mukhang nagulat ang matanda, may kakaiba daw sa bangkay. kelangan daw tignan ang bunganga ng patay para malaman kong ano ang nasa loob.
Nakakatakot man ay pinagtulungan nilang buksan ang bibig nung patay at dun nila nakita ang mga tali. Sabi ng albularyo/Manggagamot, habang silay tulog, bumangon daw ang patay, sinukat silang lahat gamit ang tali. kong nailibing daw yun ng di nakuha ang tali don sa bibig nung namatay ay, susunod daw sila agad lahat, lahat nung nasama at nasukatan don habang tulog.
Madaming pamahiin ang mga pinoy tungkol sa mga patay bago naging moderno ang lahat. kaya ang pag susugal ay ginawang libangan upang ma aliw ang mga tao sa ganung paraan. kaso yung iba ginawang hanap buhay.
Isa nadun sa mga pamamahiin na dapat bantayan ang bangkay baka nakawin ng balbal (Aswang na kumakain ng patay) , pwede ring bumangon at pag laruan ng mga demonyo ang katawan. may narinig din ako na pag matalunan daw ng pusa ang patay pwd daw yan babangon. Anyway, totoo man o sa hindi, responsibilidad po natin na bantayan ang ating mahal sa buhay pag silay nawala. kahit sa huling sandali at panahon na makakasama mo sila sa mundong ito ay mapag silbihan man lang natin sila.
-MARIYA
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.