Ang istorya na ibabahagi ay ikweninto rin saken ng lolo ko ng Tacloban City, Leyte.
Nung highschool palang ako, everytime dumadating buwan ng April, nakaugalian na ng parents namin na magbakasyon sa Leyte kasi magaganda ang mga beaches dun at yung mga isla dun at plagi kming nakikitira sa tatay ng nanay (Lolo's house).
Palaging kami ng mga pinsan ko ang naatasan na maglinis sa buong bahay ng lolo and lola namin at lagi nilang tinutugon sa amin na huwag papakialaman ang cabinet na sa loob ng kwarto nila. Matigas ang ulo ko and growing up in Manila makes me a skeptic in paranormal, kaya kahit napagsabihan na ako na huwag kong gagalawin ang cabinet ng grandparents ko at mga pinsan ko, pinakealaman ko na nga. May nakita ako dun na niyog, at napakaitim na neto (parang uling na nga ang kulay). Yung hahawakan ko na sana, biglang pumasok ang lolo ko sa kwarto at nadatnan ako na andun and nakabukas ang cabinet nila, akala ko nga papagalitan ako but instead, pinalapit niya ako sa higaan at naupo kami. Bigla niya akong tinanong, "Apo, nagtataka ka ano bat ang itim ng niyog nayan" sumagot ako ng oo tapos binahagi na niya saken ang kwento tungkol diyan.
Binata palang daw siya nung nahanap niya ang niyog nayan pero that time na nahanap niya yan kulay brown pa, tulad lang ng isang ordinaryong niyog. Ang kakaiba lang dito ay, iisa lang ang hugis mata neto. (Lagi kasing tatlo ang hugis mata ng bawat niyog o minsan dalawa lang) bihira daw makahanap ng ganitong klaseng niyog. Pinakita niya ito sa ama niya (Great grandpa namin ay isang albularyo) dinasalan niya ito at sinabe sa kanya na ito daw ang magiging sandata niya sakaling umabot ang panahon na manganganak na ang mapapangasawa mo.
Dumaan ang mga panahon at nagbuntis at manganganak na yung nakatuluyan niya (lola na namin) and yung bahay nila dati kasi may mga nakatayong malalaking kahoy sa paanan ng bahay yung may open basement sa baba na pwedeng makapasok ang tao sa baba at tsaka pwedeng tumingala sa itaas para makita kung sino man ang natutulog or kung sino man ang nasa loob, makikita din kasi ang floor nila noon e gawa sa kawayan na merong onting space bawat pagitan. Nung gabing manganganak na si lola sa first born nila, naalala ni lolo ang habilin sa kanya ng great grandpa namin tungkol sa isang hugis mata niyang niyog. "Pumunta ka sa ibabang bahagi ng bahay niyo, tumapat ka doon sa parte kung saan pwedeng dumapo ang aswang para sumipsip ng dugo at upuan mo tong niyog. Pag nagawa mo ang lahat ng iyon, malalaman mo ang hiwaga merong ang niyog na yan". Dali daling bumaba si lolo sa hapag nila at tumapat sa parte kung saan pwede tumulo ang dugo ni lola habang nangangak at sinimulan na nga niya ang pag upo sa niyog, dala din niya yung pamana sa kanya ng great grandpa namin na itak na nag wawave yung hitsura (tulad nung sword na hawak ni St. Michael sa pagpuksa sa demonyo). Dala ng panaghoy ni lola sa panganganak, may lumapit kay lolo, hugis tao pero di niya maaninag ang hitsura kasi kokonting ilaw lang ang pumapasok sa baba na dumadaan lang sa mga pagitan ng kawayan nilang hapag pero sa amoy neto na malangsa at bulok, nasabi ni lolo na ito ay isang aswang. Akala nga ni lolo dadakmain siya pero biglang nagtanong ito sa kanya na animoy nakatawa pa; "Padi, homan kana dida?" (Pare tapos kana ba diyan?) Sinagot lang ito ni lolo ng hindi pa at sinabe ng aswang na kung pwede siya na maunang sumipsip sa dugo. Nung poposisyon na ang aswang, nagkaroon si tatang ng pagkakataon para tagain ang aswang ng itak niya. Nataga niya ito ng dalawang beses, sa tagiliran at sa leeg, nagpupumiglas ang aswang at lumabas sa ilalim, hinabol paren ito ni lolo pero sadyang mabilis paren ang aswang kahit my tinamong malalaking sugat. Bigla nalang itong naglaho sa mga matataas na kakahoyan at di na ni lolo tinangkang habulin pa. Nagsilang ang lola namin ng nakapalusog na baby boy (panganay na kapatid nila mama).Kinabukasan nalaman ni lolo at ng mga kabaro niya na may isang matandang lalake na nag aagaw buhay sa kabilang baryo dahil sa mga natamong sugat, nung pinuntahan nila para makita, laking gulat ni lolo na nakatitig to sa kanya na animoy galit na galit pero may halong takot at nakita ni lolo ang mga sugat na siya na mismo ang gumawa. (Sugat sa tagiliran at sugat sa leeg).
Nagtatanong kayo sa kung ano ang hiwaga ng isang hugis matang niyog? Sabi ni lolo, kapag inupuan mo daw yun at may lumapit sayo na aswang, ang tingen sayo ay isa karing aswang...
~Janssen
Note:Padi,Tapos ka na?
:Dili pa, my huling hirit(kwentong kakatakutan) sa tag-init.
Sa susunod ulit...
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.