January 11 , 2014 nag propose ang boyfriend ng tita ko sakanya. Ang saya saya ng tita ko dahil birthday niya pa mismo nangyari ang araw na yon. So ayon pag tapos ng birthday ni tita sinimulan na nilang mag ipon para sa wedding nila na gaganapin ng october 3 , 2017
fast forward. 2weeks to go bago sila ikasal ng asawa niya bumili na siya ng wedding gown. Sobrang excited sya na isoot ang napakagandang gown na gagamitin nya sa kasal nya. Sabi ng lola ko huwag mong sosootin o susukatin yang gown mo ha sa mismong kasal mo na lang sootin. Sabi ng tita ko ma naman pano ko malalaman kung kasya sa akin or bagay sakin? Sagot naman ni lola basta makinig kana lang at hindi na umimik si tita paguwi namin sa bahay umakyat agad si tita at tinawag ako "athena athena dali lika dito" pag akyat namin sa taas agad kinuha ni tita yung wedding gown at sinukat nya nag patirintas pa sya sakin na buhok after kong tirintasin yung buhok nya sabi nya pictureran ko daw sya so ayon pinictureran ko sya at syempre tinignan ko yung pic kung maganda ba pero my kakaiba kong nakita sa picture nakita ko yung asawa ni tita sa picture pero ulo lang walang katawan at yung itsura ng mukha nya parang anlungkot at eto pa wala naman yung asawa ni tita sa kuwarto at wala rin picture ng asawa nya sa mismong background na pinag picturan ko sa tita ko sa sobrang takot ko na bagsak ko ang cellphone ng tita ko medyo nagalit or nainis sya kase naibagsak ko nga yung phone nya tinignan niya yung picture nya pero nagtataka ako bakit parang wala syang kakaibang napansin pero hinayaan ko na lang ayokong matakot ang tita ko.
Dumating na ang special na araw na pinakahihintay nya october 3 , 2017 6:30am dumating na ang mga mag mamake up kay tita at nag paalam na rin ang asawa nya para umalis dahil mag aayos na rin.10:25am na natapos ang pag mamakeup kay tita dahil my mga nag eenterview pa sakanya about sa nangyari sa buhay nila ng asawa nya so ayon nga papunta ng simbahan si tita at iniintay na namin siya pero laking pagtataka ng lahat bakit wala pa daw ang groom? Ilang minuto na ang nakalipas at natatanaw na namin ang sasakyan na kung saan nakasakay ang tita ko ngunit wala parin yung asawa nya. Bumaba na ang tita ko at nag tanong sya sa lola ko sabi nya "ma nandyan na ba si john?" Sabi ng lola ko
wala pa nga e subukan mong tawagan.
Nakailang misscall na tita ko pero hindi sinasagot yung phone. Sinubukan tawagan nung biyanan ni tita at my sumagot pero hindi eto yung asawa ng tita ko sabi "hello kaibigan po ito ni john wag po sana kayong mabibigla hindi po namin alam kung pano namin ipapaliwanag ang panyayari nung pumunta po dito si john iba ang kilos at galaw niya parang my kakaiba po sa kinikilos niya at iba ang tono ng boses niya nag paalam sya samin na meron daw syang pupuntahan iniwan niya ang kotse at phone nya sabi namin tol wag kana umalis anong oras na, pero lumingon sya at nginitian nya lang kami. Di na namin sya pinigilan at umalis na sya ng tuluyan pero pagkalipas lang ng ilang minuto my pumunta dito samin ang isa naming kapitbahay at nagpapanic si john daw habang tumatawid ay nasagasaan ng track hindi po kami agad nakatawag sainyo dahil ayaw pa namin malaman ni jen ang lahat...." Binaba na ng tatay ng asawa ni tita ang phone at biglang umiyak ng malakas nagtaka ang lahat kung bakit. Tinawagan ng tita ko ang asawa nya at my sumagot ulit boses daw ni tito john sabi daw sakanya "kahit wala ako sa araw ng kasal natin buong puso parin kitang ipapakilala sa harap ng panginoon mahal na mahal kita hon" tumulo luha ng tita ko at lumapit sa biyanan nya ano pong nangyari? Sabihin nyo ang totoo sumagot ang tatay ni tito john wala na si john ija wala na sya nagulat ang tita ko at nag wala.
And until now hindi parin sya nakakamove on sa pangyayaring iyon dumaan ang pasko at bagong taon pero di nya parin makalimutan ang mga pangyayaring naganap sa mismong araw nang kasal nila.
-athena
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.
