ADMIRER.

16 0 0
                                    

taga zambales tatay ko and taga La union naman yung nanay ko,8 na taon gulang lang ako nun, naisipan ng nanay ko na magbakasyon ng La union kasi matagal tagal na din syang hindi nakaka uwi sa kanila and ayun nga sinama nya ako,nung andun na kami nag kasundo sila ng auntie ko na iwan nalang ako sa kanya at sya nalang magpapa aral sakin, ayuko nung una pero sinuhulan ako ng auntie ko, binilhan ako mga magagandang gamit tapos lagi akung pina pasyal sa mall, kaya napapayag na din ako,bata eh

Dahil na rin sa hirap ng buhay namin sa zambales pumayag naman  nanay ko,by the way 6 kaming magkakapatid.
Nasa poder ako ng auntie ko Elementary hanggang 3rd year high school.nung mag 4rth year high school ako kinuha ako ng isang  lola ko,kapatid ng lolo ko,(sa mother ko side parin) retired na kasi sya kaya dito na sa pinas mamalagi,patay na din yung lolo ko na asawa nya and sa ibang bansa din nag stay yung anak nya, sooo ayun nga nag lipat bahay na ang kagandahan ko sa bahay ni lola.

May kalakihan yung bahay 4 na kwarto isa sa baba 3 naman sa taas meron din sala tsaka terrace sa taas. since bata pa sila lola yung bahay,95 na lola ko ngayon pero mas malakas pa sa kalabaw. na renovate naman kaya mukang bago na ngayon.
sa taas yung  kwarto ko,may bakanteng lote sa tabi ng bahay namin pero may napaka laking puno ng mangga may katabing puno ng Chesa tsaka  avocado kitang kita mo sa bintana ng kwarto pag tumayo ka sa tabi ng bintana.
Normal palang naman nung una, pero makalipas ilang linggo lagi nalang parang may nakatitig saken pag nasa kwarto ako,madalas kasi nasa kwarto lang ako pag walang pasok, nag babasa lng o kaya nagttxt.
Pero May isang gabi na naka higa ako pabaliktad i mean yung paa ko nasa headboard taz yung ulo ko nasa paanan. nagbabasa ako nun tapos yung buhok ko naka laylay sa dulo ng kama.mahaba yung buhok ko hangang bewang ko,mejo curly and sobrang kapal. So habang nagbabasa ako napa tigil ako kasi parang may naririnig ako na humihinga ng malakas, pinigilan ko pa yung pag hinga ko kasi baka ako kaku iniisip ko baka umaatake yung hika ko, pero hindi ako.
pag magbabasa ulit ako naririnig ko nanaman and sobrang lapit sa tabi ko, diko nalang pinansin nagpatay malisya nalang ako,kaya nag basa nalang ulit ako. nag side na ako ng higa, patalikod sa naririnig kung humihinga, kasi naka tihaya ako nung una naka taas yung pocket book.pagka side na pagka side ko ng higa naramdaman ko na may humahaplos ng buhok ko, yung parang sinusuklay nya ng kamay nya ganun... Bigla akung  napabangon sa gulat. Tas nagmasid, bumaliktad nalang ako and umayos ng higa, pinag sawalang bahala ko nalang kahit kinikilabutan ako hanggang sa nakatulog na ako.

Sa mga sumunud na gabi lagi akung nakakarinig ng kalabog galing sa bubung sa tapat mismo ng kwarto ko, mabibigat na yabag na palakad lakad, sobrang matatakutin talaga ako kaya iniisip ko nalang na pusa ng kapit bahay namin para kahit papano mabawasan yung takot ko tsaka pagtaas ng mga balahibo ko.

Pero May isang gabi na bigla nalang akung nagising, tapos pakiramdam ko na may naka titig sakin. Tinignan ko yung oras alas tres. Pinilit kung matulog ulit kasi naririnig ko nanaman yung kalabog sa bubung, pinikit ko nalang yung mga mata ko pero maya maya hindi ko magalaw yung buong katawan ko ni hindi ako makapag salita kahit gusto kung sumigaw pero walang boses na lumalabas.double size kasi yung kama ko,pero sa left side ako madalas matulog para di katabi yung bintana.may naramdaman akung sumampa sa kama ko nagsimula sa paanan  paakyat malapit sa ulunan ko ramdam na ramdam ko kasi malambot yung foam ng kama kaya kunting galaw lang mayuyug lahat tsaka bumabaun yung bigat sa foam, Gising ako pero di ako maka mulat, nagiging okay nalang pag sumasapit na ng  alas singko ng umaga maimumulat ko na yung mga mata ko pero yung pisngi ko basa ng luha kasi umiiyak talaga ako. Paulit ulit na ganun nangyayare sa madaling araw simula alas tres gang alas singko ng umaga, wala na akung maayos na tulog. Napansin ng kasama namin sa bahay, tawagin nalang nating auntie V,hindi sya stay in umuuwi sya pag ka dating ko sa bahay galing sa school. Na bat parang puyat na puyat yung mga mata ko nangingitim baba ng mata ko  kaya sinimulan kung magkwento sa kanya,umiiyak ako habang nag kwekwento. Mejo strict kasi yung lola ko kaya natatakot ako sabihin tsaka alam ko na hindi maniniwala yun pero pagkatapos ko mag kwento parang di rin naniniwala.  Pero isang umaga na nagwawalis si antie V,habang ako nagdidilig ng halaman , yung gate and bakod kasi ng bahay namin is rehas kaya kita mo dumadaan na tao sa kalsada,dumaan yung kapit bahay namin na madaling araw na kung umuwi galing trabaho,tumingin sakin tapos tinawag si antie V, sinabi nya na nung pauwi na sya madaling araw na nakita daw nya ako na nakaupo sa may bubung habang sinusuklay ko yung buhok ko.may isang madaling araw  pa daw  na pauwi ulut  sya may nakita syang sobrang itim na pigurang tao na umaakyat sa bubung namin tinuro pa nya kung saan banda and sa tapat nga ng kwarto ko, Napaiyak ako bigla sa takot, pinatawag tita ko,sinabi na kilangan naming mag punta sa albularyo. Naka ilang albularyo kami mga beshey  na pinuntahan iisa ang sinasabi kapre daw.hindi ko nakikita pero evrytime na pumupunta sya sa kwarto ko amoy na amoy ko sya,yung sobrang baho na amoy putok na amoy kambing,.pina gupit yung buhok ko ng sobrang iksi, ganun daw kasi kadalasan mahahaba ang buhok ang type ng kapre, Unang pinuntahan naming mang gagamot sabi kilangan mag alay ganyan,andaming sinabi na kilangan tapos  ang mahal ng bayad bess, kaya umuwi na kami, nagsunog nalang kami ng insenso, every hapon  ginawa namin. Pero ganun parin, lagi parin syang pumupunta, patay na patay sa kagandahan ko,enebe keshe! haha.
naisipan ng tita ko na tawagan yung malayo naming kamag anak na mang gagamot din sabi nya malakas daw yun mang gamot and manghuli ng kulam at iba pa, sa tagaytay sya mamalagi kasi, so ayun pumunta naman, hapon nung dumating sya inikot nya yung bahay namin lalu na sa likod. Pumasok sya sinabi nya na oo meron nga kasi habang nasa likod daw sya nagsisitayuan mga balahibo nya gusto nya  tumakbo. nagsaboy sya ng holly water sa likod na may kasamang dasal latin na dasal palibot sa bahay pati sa kwarto ko, tapos nag ano  gilit ng leeg ng manok tapos pinahid yung dugo sa may pader na sign na krus, nag alay kami,nakalagay sa isang bilao, tabako,inumin,pagkain,tsaka yung manok naalis na yung dutdut syempre.nakalimutan ko na yung ibang laman ng bilao,pinatong ko sa folded ladder yung bilao kasi flat nman yung bandang taas nya, kasama ko sa likod bahay yung mang gagamot may sinasabi sya diko maintindihan. tapos pumasok kami sa kusina pinatay namin lahat ng ilaw yun sabi ng mang gagmot, asa kusina kaming lahat,lola ko tita ko and pinsan ko,mga 4-5 minutes,lumabas kami para  tignan, bessss yung manok lasog lasog na, binigyan nya din ako ng panguntra, parang anting anting ganun,kilangan dasalan gabi gabi, pagkainin ng dasal para daw lumakas. Tinatali ko sa bewang ko....
Pagkatapos nun di na ako ginambala,

may nakabili ng bakanteng lote,pinaputol yung puno ng mangga, pagkalipas lang ng ilang buwan namatay yung namutol ng mangga,mga hindi naniniwala sabi sa pagiging lasingero kaya namatay. Pero ako naiisip ko na baka yung pag putol nya ng puno.

Nai kwento sa ibang kapit bahay na may admirer akung kapre, kaya nag silabasan na din yung ibang kwento na yung kapit bahay daw namin sa likod bahay, nasiraan daw ng bait tapos yun na din kinamatay kasi niligawan din ng kapre , tapos yung isang kapit bahay namin na ganun din. Minsan sinasapiaan yung anak nya tapos nagbuntis...

THANKS GOD na di ganun kalala nangyare sakin so thankful ako, nasakin parin yung panguntra ko laging naka tali sa bewang ko and dinadasalan ko parin and pray din ako bago matulog n pagka gising...

Xoxo
Slumberdoll"
la union.

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon