"ONE OF THE MOST SCARIEST PLACE IN BAGUIO."simula nung pumunta kami doon, nakakakilabot pa, May third eye ako. Minsan lang makakita pero madalas makaramdam. Hindi pa kami napasok sa loob non, iba na yung pakiramdam ko. Mabigat na hindi mo maintindihan. Hindi ako mapakali, lalo na yung mga mata ko. Hindi ko nalang sinabi sa boyfriend ko baka kasi hindi na kami tumuloy.
Gustung-gusto ko kasi talaga makapunta doon kasi curious talaga ako. Kaya hindi ako nagpadala sa takot. Tuloy parin hanggang sa makapasok na kami sa loob. Grabe, bahay-bakasyunan siya dati ng mga Dominican Brothers and Sisters. Then, nakita namin yung history nila. Yung mga pictures nila na before and after. Yung itsura ng sitwasyon nila before pa sila lusubin ng mga hapon at after mangyare yung trahedya na yon. Pagkatapos non, tinanong namin yung guard kung may nararamdaman ba siyang kakaiba. Bago na nga pala yung guard nung nag punta kami.Ang lagi nalang nila sinasabi ""WALA"" tapos pangiti-ngiti nalang sila. Pinoy nga naman. Kahit hindi nila sabihin, alam naming meron. Kasi baka nga naman wala ng mag puntahang tao doon. Gusto ko lang kasi na manggaling na sa kanila ng personal pero ayaw talaga nila umamin kaya hinayaan nalang namin. Then, nilibot na namin yung ground floor ng hotel. Kakaiba na talaga yung nararamdaman ko non. Hindi na ako mapakali. Lalo na yung pumunta kami sa fountain area or ""Bloody fountain"" kung tawagin. Kung saan maraming pinatay, lalung lalo na mga bata. Kinikilabutan na talaga ako non. Yung mga kada kwarto sobrang creepy. Nilagyan nalang ng mga kung anu ano kaya hindi mapapasok yung iba. Hanggang sa pumunta na kami sa 1st floor. Sa floor na yon, doon may kakaiba na kaming naramdaman talaga, as in! Nilibot din namin yung mga kwarto non. Pero mas lalo lang kaming nangilabot. Then, may pinuntahan kaming part ng kwarto doon kung saan madalas daw magpakita yung mga madre tapos naka silip pa sa bintana. Vinideohan namin isa isa yung mga kada kwarto. Nung nasa dulo na kami, bigla ko nalang nasabi sa boyfriend ko na ""AYOKO NA DITO!"" Pwera biro, ang lakas ng kaba ko non! Ramdam ko kasi na parang meron ng kakaiba at nagmamasid samin. Na parang may nakasunod na samin! Kaya kumaripas kami ng takbo dahil nakaramdam narin ng takot yung boyfriend ko. Tapos hanggang sa umakyat naman kami sa 2nd floor and then umakyat kami sa rooftop. Then, nung pababa na kami, nilibot ulit namin yung kada floor then hanggang sa bumaba na kami sa ground floor. Tumambay muna kami sa may upuan doon saglit para mag pahinga bago umalis. Nung nagtitingin na kami ng mga pictures wala naman kami kakaibang nakita. Pero nung papanoorin na namin yung mga videos, wala yung isang video. Yung video kung saan takot na takot kami sa part na yon. Kung saan alam kong meron. Nakakapagtaka ng sobra kasi na-i-save namin yon! Hindi maaring hinde kahit mga takot na takot kami non. Kasi automatic naman na nagsesave yung video kapag i-nistop mo. Hinalungkat na namin lahat ng files namin sa phone wala talaga. Ilang beses namin pinanood lahat, wala talaga yung isa. Tsaka sa dinami-rami pa ng mawawala na video, yun pa talaga! Kaya hinayaan nalang namin tapos maya maya umalis narin kami. Hindi na kami nag paabot pa bago mag 6pm.
Nung pabalik na kami sa transient, bigla nalang ako nagulat sa nangyare. Naglalakad kasi kami non pauwi nang bigla nalang nahulugan ng puno ng sanga yung boyfriend ko! Sa bandang baba medyo ng batok niya siya nahulugan pero napaka delikado parin non. Buti nalang nakapayong kami non kasi naulan. Pero siya nalang yung nakapayong non nung nahulugan siya kasi medyo nauuna ako mag lakad sa kanya. Syempre nasira yung payong. Atsaka hindi siya masyadong naprotektahan non. Nasa gilid na kami non ha, take note. Nasa tamang daanan na kami sa gilid non. Tapos ang nakakapagtaka pa, hindi man lang humingi ng pasensya yung dalawang lalaki na nagpuputol ng sanga. Tuloy parin sila. Parang walang nangyare. Parang wala lang sa kanila! Hindi namin alam kung mga sadyang tatanga tanga lang talaga yung dalawang lalaki o ano e. Nakaka gago lang talaga. Pero bakit nga ba kasi nangyare yon?? Yun yung natakbo sa isip ko non habang nag patuloy na ulit kami sa paglalakad. Nag punta lang kami sa hotel na yon tapos ganon na yung mga nangyayare. Kung anu ano na yung mga nararanasan namin. Tapos ang nakakapagtaka pa, kasi sa dinami-rami ng taong nakakasabay namin mag lakad non kami pa yung nabagsakan?! Kami pa talaga! And then, nung nasa transient na kami, wala namang sumama samin. Mga sabi-sabi kasi na may possibility daw na may sumama sa inyong madre pag uwi hanggang sa bahay niyo pag nagustuhan kayo. Nandoon parin yung takot ko non. Tapos nung matutulog na kami, parang may naaaninag ako na nakatayo tapos nakatingin samin ng boyfriend ko. Malapit siya sa cr. Medyo madilim non kasi ang bukas lang na ilaw ay sa kusina. Pero naaaninag ko talaga siya! Hindi ko alam kung sino o ano yon! tapos bigla agad pumasok sa isip ko yung mga Dominicans. Ang pwesto kasi ng higa ko nakaharap ako sa cr. Pumikit nalang ako non. Tapos feeling ko parang may papalapit pa samin! kaya niyakap ko ng mahigpit yung boyfriend ko! tapos hanggang sa nakatulog nalang ako non sa sobrang takot.
Pag gising namin kinabukasan, awa ng Diyos wala naman ng nangyareng kakaiba. Medyo nawala narin yung takot ko. Naging masaya parin yung pag punta namin sa Baguio. Uulit-ulitin mo! Face your fears guys no matter what!
Lexi
Baguio City
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.