RICEMILL

4 1 0
                                        

Mabait ung aunt ko, mestiza, mapagbigay, at higit sa lahat; mayaman. Nakapangasawa kasi ng dayo.
Tawagin na lang natin siya sa pangalang Cassandra.

Mayroon siyang dating ricemill, ang ricemill niya ay may tatlong palapag. Sa first floor ay  gilingan ng palay, sa second floor imbakan ng mga palay, at ang third floor ay pahingahan ng mga magsasaka; sa third floor may terrace na pwedeng pagmasdan ang magandang view ng ilog at mga iba't-ibang tanim na gulay.

Isang araw, may isang dayo raw na bumisita sa kakaratig baranggay namin. (ang baranggay namin ay nasa paahan na ng bundok at liblib na.) Mag-asawa sila, at mukhang magara raw ang mga ito. Yung mag-asawang dayo na un ay makikipag-negotiate daw sa place na un at bibili ng lupa, plano raw ng mag-asawang iyon na patatayuan ito ng RICEMILL; Tutal nasa paahan ito ng bundok.

Kinabukasan, dumating na ang mga dayo sa lugar, upang bayaran na ang napagkasunduang  bayad sa lupa. Habang tinatahak ang daan patungo sa kinalalagyan ng lupa, Ay biglaang may humarang sa mag-asawa; Mga lalaking armado. Ngunit di alam ng mga armadong lalaki ay may nakakita sa tagpong iyon; Ayon sa witness, pinababa raw ang mag-asawa; Unang bumaba ang lalaki, sunod naman ang babae, magsasalita sana ang lalaki nang di naglaon ay pinagbabaril ito ng mga armado. Bumulagta ang katawan sa lupa at naliligo sa sariling dugo.
Napasigaw sa takot ang babaeng dayo sa tagpong iyon.  Nagmamakaawa ang babae na dalhin ang kanyang asawa sa malapit na hospital kapalit ang perang ibabayad sa lupa.

Nang, marinig iyon ng mga kalalakihan ay tila nasiyahan daw ang mga ito. Imbes na tulungan ang asawa ay pinagdeskitahan ang babae. Ginahasa nila ang walang kalaban-labang dayo sa sarili nitong sasakyan, na ang pakay lamang ay bumili ng lupa, walang nagawa ang babae kundi humagulhol. Nang, magsawa ang mga ito, binaril din nila ang babae tulad ng asawa nito. Para hindi malaman ang krimeng ginawa nila, pinagchachop-chop nila ang duguang mag-asawa at nilagay sa sako.

Nang nagtakipsilim, Gamit ang sasakyan ng mag-asawang pinatay nila ay tinapon nila ito sa malayo. Upang maitago ang krimen at sa di maipaliwanag na dahilan ay tinago ang sasakyan sa Ricemill ng aunt ko.

Kinaumagahan, Naging usap usapan samen ang pangyayaring iyon, kasi may bagong sasakyang nakaparke sa Ricemill. Di na nila ito pinansin kasi akala ng mga magsasaka ay sa aunt ko ito. Di nila alam doon pala magsisimula ang pagpaparamdam ng mag-asawa.

Tuwing mag-aalas otso na ng gabi, wala ng tao sa lugar na iyon, pero ang mga naninirahan malapit doon eh tila nakakarinig ng iyak. Iyak na panaghoy, na tila humhingi ito ng saklolo. Nakakatakot raw itong pakinggan, minsan rin daw may mga nakikitaan daw na duguang babae at lalaking makikita mo na lamang sa kalsada na paparahin ka tapos mawawala na lang bigla. Kaya ang mga naninirahan malapit roon eh pinagtiisan na lang daw ito.

After a week, may imbestigasyong naganap. Doon nalaman ang rason ng pagpaparamdam. Hinahanap ng mga kapamilya ng biktima ang mag-asawa; Natagpuan ang bangkay ng mag-asawa dahil sa reklamo ng mga taong naninirahan sa lugar na iyon. (Mga 13 kilometers ang layo ng nasabing lugar Ricemill) May kasuspetsa kasing sako na bigla na lang tinapon doon sa nasabing lugar, at nang binuksan, bangkay nga. Maamoy na rin kasi ito at nilalangaw na. Natunton din ng mga police ang sasakyan dahil sa tracker nito. Muntik na madamay ang aunt ko kasi sa kanya nga ang ricemill. At dahil may witness, nakamit rin ng mga kaanak ng mga biktima ang hustisyang ninanais nila mula sa umpisa pa lamang.

Simula noon, Nawala na rin ung pagpaparamdam doon sa ricemill na iyon..

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon