July 2016
Bahay to nang aking pinsang babae na may pamilya na, 4 ang anak niya. Malapit naman yung bahay niya sa amin kaso nga lang medyo napapaligiran nang mga kahoy.
Eto po yung kwento nagbabantay ako nang anak nang pinsan ko mga 8months naglalaru ako nang cp nang bigla nalang ngumiti si Franz hindi ko alam kung bakit pero parang may gustong makipaglaro sa kanya.
Pagkatapos nun gabi si Melay naglalaro sila ni Kim. Bigla nalang nakita niya ang tiyo nya na namatay na nakaupo daw sa sala nila bigla silang kumaripas palabas nang bahay. Pagkatapos nun si Kim nakita yung pinsan sa side nang papa niya mga 5 years old yun kinausap niya na bakit siya narito sinong kasama mo ngunit di naman nagsasalita yung pinsan pero 3 araw nang patay yung bata. Maraming nagpapakita sa bahay nilang yun.
August 2016
Yung sa side nang papa nila kasi isang albularyo nakwento ko nayun sa 1st part. Mga 1 linggo palang namamatay yung batang nagpapakita sa kanila. Namatay nanaman yung lolo nila mga 2 araw bago mamatay hinahanap nung lolo nila si papa nila si Kuya Jimmy pero di makakapunta kasi busy sa trabaho. Hanggang sa sinabihan siya ni Ate Chiny pinsan ko na pumunta pero mamayang hapon nalang daw.
Nang nandun na sila sa bahay nung papa ni Kuya jimmy nalaman nalang nilang namatay na siya sabi daw kasi pagnanggagamot ka lahat nang sakit na ginagamot mo bumabalik sayo tama bayum.? Kinwento nung kapatid ni Kuya Jimmy kung bakit siya hinahanap gusto kasing ipasa sa kanya ang pagiging albularyo. Ang tumanggap nung Albularyo yung panganay na kapatid ni Kuya Jimmy at yun nga namatay yung papa nila pero biglang umaliwalas yung itsura niya biglang bumata.
October 2016
Balik tayu sa bahay nila yung tiya ko naman si Tita Ness pumunta sa bahay ni Ate Chiny hinahanap si Mama siya kasi nagbabantay kay Baby Franz nagsisigaw siya pero wala paring tao nakita niyang madaming kalat na dahon sa paligid kumuha sya nang walis winalis niya mga 3pm yun nang hapon tapos biyernes pa.
Mga 2 days after nangyari yun bigla nalang daw sumakit yung ulo niya tsaka yung puson dali-dali namin siyang dinala sa ospital pero walang nakita yjng mga doktor sabi mataas lang daw sugar 300+ pero dapat stroke nayun diba.? Pinauwi na kami kinaumagahan tapos nun mga 4pm sumakit nanaman yung ulo niya dinala nanaman namin sa malapit na ospital wala talaga silang makita. Nang maisipan ni mama na tumawag nang albularyo si Aling Delia pinuntahan nila at kinuha ang damit ni Tita Ness at binigay kay Aling Delia Sabi niya Ngayun yung may ari nang damit na ito di na mapakali tamang-tama ang hula niya. Kumuha nang gamot si Aling Delia at sinabihan si Mama na ipahid sa ulo at tiyan ni Tita Ness. Bigla nalang nahimasmasan at pinauwi na sila. Kinaumagahan pumunta si Aling Delia sa Bahay ni Tita Ness Di na raw sumasakit yung ulo niya may nasagi raw itong Duwende pero yung mga Duwende daw di naman maliliit yung kasing tangkad nila yung mga 3 years old na bata nasagi niya raw yung anak habang nagwawalis siya. Pinuntahan ni Aling Delia yung Bahay nung mga Duwende At humingi nang tawad
Akala nang mga anak ni Tita Ness tapos na pero di parin siya nilulubayan bigla nanamang sumakit yung ulo niya na parang sinusunog daw. Tinawag ulit si Aling Delia at kumuha nang dahon para ipatong sa ulo at sinabihan ang mga anak na pagkagising 5am dalhin si Tita Ness sa bahay ni Aling Delia pagkauwi wag patulogin hanggang 6pm kasi baka raw pagnakatulog paglaruan nang mga engkanto at mabaliw sa sakit nang ulo.Si Kuya Jimmy naman nag-alay nang dasal sa likod bahay nila kung saan naninirahan ang mga engkanto umiiyak habang humihingin nang tawad sa lahat nang kasalanan nagawa nila. Hanggang ngayun medyo okay na si Tita Ness pero di na sya naggagala kung saan2x kasi mahirap na kapag di mo area ang mapuntahan mu kailangan mong galangin kasi di rin tayu ang mga nilalang sa mundo.Hanggang ngayun nasa likod parin nang bahay ni Kuya Jimmy yung bahay nila Ingat po Tayu.
Ryan
Bacolod
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.