nangyari po ito Nov. 7-21, 2014, sa Calamba Laguna.
Natanggap ako nun sa trabaho as a Field Marketing Representative sa isang malaking kumpanya ng motorsiklo..
Area Manager: “Okay Jhay, we want you to complete these requirements (binigay nya saken yung list) before your training in our main office (calamba, laguna).”
Ako: Okay sir, May I know when will be the date of the training?
AM: It will be on November 3 – 17, 2014. 2 weeks. The company will liquidate all your expenses and we have a staff house near our main office for your accommodation. We’ll give you the contact number of the caretaker.
(Di natuloy ng nov. 3 so it was moved Nov. 7 – 21)
So eto na.. medyo excited, a night before, dumating na ako sa calamba and I was contacting the caretaker then but she is not answering the phone, so I called my branch manager and he gave me the number of an FMR also that will attend the training..
Ako sa CP: Pre, magandang gabi, si Jhay to FMR din na aattend ng training, nasa staff house ka na ba?
JC: Naku wala pre, andito ako sa bahay ng bayaw ko, kase tinawagan yung Caretaker nung staff house wala daw sya dun umuwi daw sa probinsya nya.. bukas pa daw ang balik.
Ako: Nako! Nalintikan, pano kaya ako neto?
JC: Check in ka muna sa Hotel pre ililiquidate naman ng company yan..
AKo: Sige pre try ko , kaso kapos budget ko eh.. bahala na..
Buti na lang naalala ko bigla andun nga pala sa Laguna yung tropa ko.. dun din nagwowork so tinawagan ko sya para makituloy kahit isang gabi lang.. so nagkita kami at pumayag naman sya..
Kinabukasan.. start ng training.. nagkita na rin kami ni JC.. sya kase makaksama ko sa staff house at yung iba pa naming kasbay.. pero after the first day, kami lang ni JC yung nagconfirm na tutuloy sa staff house, the rest mag uuwian na. . Sinundo kami sa Main office nung caretaker.. Nanay Gigi ang name nya.. medyo may edad na at masayahin naman.. so ginuide nya kami papunta sa staff house. Malapit lang naman.. ilang minute lang ng paglalakad andun ka na.. Pag dating naming sa staff house, grabe medyo may naramdaman na agad ako na kakaiba.. medyo luma na yung apartment.. yung apartment nahahati sya by letters. Dun daw kami sa H na apartment pero yung J na apartment samin din.. andun ang kusina at staff house ng babae. Sa J si nanay Gigi lang ang tumutulog.
Nanay Gigi: Kayo lang ba dalawa?
JC: Opo nanay, yung iba po kase malalapit lang kaya naguwian na lang po sila..
NG: Ah eh sya sige, mag log in muna kayo sa log book, eto ang rules ah.. unang una bawala ng maginom. Kung gusto nyo mag inom dun kayo sa labas, sa may tindahan. Bawal din masyadong maingay, respeto na din sa ibang nakatira dito. Bale 2 meals lang ang sagot ng company, BFast at dinner, yung lunch nyo kayo na bahala.. maliwanag ba?
Ako: Okay po nanay.
NG: Ai sya sige na punta na kayo sa apartment H. para makapagbihis at baba na rin kayo para makakain na kayo..
So pumunta na kami, pagpunta namin at nakita namin yung loob, grabe , malinis naman sya pero mukhang lumang luma at mukang abandunado na.. Wood material ang ginamit sa apartment kaya pag tapak mo sa hagdan medyo lumangitngit at medyo maingay. So akyat kami sa taas. May dalawang double deck na kama at may isang malaking aparador.
Ako: Wala ba salamin dito? (kase gusto ko mag ayos ng buhok)
JC: wala ata pre.. yaan mo na.. tutulog na naman mamaya eh..
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
TerrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.