2 Days and 1 Night

1 0 0
                                    

*Pinalitan ang lahat ng mga pangalan dito sa Istorya.

December last year.

Napagkasunduan ng buong team ko sa work na mag-out-of-town.

Sa isang sikat na beach destination sa Norte kami nagpunta. Nagtrending dati yung place dahil may tourist spot sila doon na patok sa mga adventure lovers. Si Mara ang in-charge sa pagbu-book ng place at swerte naman siyang nakahanap ng dalawang rooms for 5k each. Kumpleto at free to use yung mga gamit sa kitchen, beddings, at iba pa. Libre rin yung parking at may free beachfront cottage pa kami. Off namin ng Saturday at Sunday at since nasa six hours yung estimated time ng biyahe.

Saturday ng 4am kami umalis. 14 lang kami sa team pero may kasamang mga bata, jowa, at asawa yung iba,  kaya dalawang van kami. Yung katrabaho ko si Jen so kasama rin niya si baby Sha-Sha (6y.o. na siya nun) at yung hubby niyang si Stanley sa out-of-town namin.

Pasado 9am, nakarating na kami sa kabayanan ng destination namin. Nauna na sa resort yung unang van kasi kaming mga nasa 2nd van ay mamimili pa ng pagkain sa palengke. Ayaw kasi namin ng masyadong maraming dalang gamit kaya dun na kami mismo mamimili ng mga kailangang iluto. Mga 45mins ang layo ng town proper sa resort kaya nang paalis na kami sa palengke ay kadarating lang ng unang van sa beach. Tumawag sa akin si Mara dahil nagkaroon ng problema dun sa rerentahan naming mga rooms. Iba raw yung ibinibigay na kwarto sa kanila kumpara dun sa nireserve at ipinakita sa kanya ng may-ari via Facebook. After naming makapag-usap, nag-decide sina Mara na humanap na lang ng ibang resort.

Nang makarating na kami, okay naman yung nakuha nilang lodging. Isang buong bahay siya na may dalawang rooms, dalawang CR, maluwang na sala, kitchen with complete utensils, dirty kitchen sa labas, parking space, saka terrace. Nakamura pa kami ng 50% kasi yung buong bahay na yun ay 5k lang. Kailangan lang maglakad nang kaunti papunta sa beach at wala kaming beachfront na cottage. Pero feel at home na yung mga kasama namin kaya hindi na kami naghanap ng iba. After naming makapag-settle down, yung mga atat maligo ay nagpunta na sa dagat. Nagpaiwan ako para tulungan yung mga nakatokang magluto ng lunch. Nasa kitchen kami nina Jen, Mommy K, Zandra, Jojo, at Jared at nagluluto ng adobo. Yung ibang mga guys ay nasa terrace at nagseset-up ng inuman nila.

Tinawag ni Jen si Sha-Sha para bigyan ng kutsinta pero ayaw niya. Maya-maya, nagbago ang isip niya kaya lumapit ulit siya sa amin para humingi. "Can I give it to that kid instead?" tanong niya kay Jen. Inglisera si Sha-Sha kasi Arab si Stanley at English ang ginagamit nilang language sa bahay. "Which kid?" tanong naman ni Jen. "That kid by the door. He looks hungry," sagot ni Sha-Sha habang nakaturo sa pinto palabas sa dirty kitchen. Sabay-sabay kaming tumingin sa labas pero wala namang bata roon. Nilingon nila ako pero wala rin akong nakikita kaya nagkibit-balikat na lang ako. "There's no one there," sabi ni Jen. Sumilip si Zandra sa labas pero wala rin siyang nakitang bata. Kinarga ni Jared si Sha-Sha at saka dinala sa sala. "Oy nangilabot ako bigla," sabi ni Mommy K. "Baka kaya mura 'to kasi may alaga," sabad naman ni Jojo kaya hinampas siya ni Zandra sa balikat.

Lumipas yung maghapon na wala nang ibang nangyaring kakaiba. After ng dinner, may suprise event ako para bigyan ng tokens yung mga top performers ng team.  Pagkatapos ng maikling program, nagdecide nang matulog ang iba. Yung mga naiwan, nasa terrace sila at umiinom. Niremind ko sila na wag masyadong magpapagabi at magpapakalasing. "Yes, Madam President!" tumayo si Von at sumaludo sa akin. Siya yung clown namin sa team dahil sobrang jolly niya at mahilig magpatawa.

Kasama ko sa kwarto si Jen at napapagitnaan namin si Sha-Sha. Nagsimang humilik yung katabi kong si Mommy K kaya tumalikod ako sa kanya at humarap kay Sha-Sha. "Ninang, are you awake?" bulong niya sa akin habang hinahaplos yung pisngi ko. "Yup," sabi ko pero hindi ako nagmulat. "You know, that puppet girl is funny," sabi niya. Hindi ako kumibo kasi akala ko, yung mga pinapanood niya ang kinukwento niya. "But why did they hang a puppet in our room?" tanong niya kaya napamulat ako bigla at nag-angat ng ulo paharap sa kanya. "What puppet?" tanong ko. Hindi sumagot si Sha-Sha at nanatili lang na nakatitig sa kisame. Tumingala ako pero wala naman akong makita na kahit ano. Tapos nagsalita ulit si Sha-Sha. "Ninang, the puppet is scaring me now," sabi niya. Tinanong ko kung bakit. "It's moving. I think she wants to go down." Legit yung kilabot sa balat ko nun. Naka-fan lang yung aircon sa kwarto pero sobrang nanlamig ako. Sinubukan kong mag-concentrate. Suminghot ako, pumikit, tumitig sa kisame, pero kahit anong gawin ko ay wala akong makita o maamoy na kakaiba. Kinumutan ko si Sha-Sha at saka niyakap. Meron akong maliit na night light kaya sinindihan ko iyon para maliwanag sa tabi namin. Tapos ay nagbulong ako ng prayer sa tenga ni Sha-Sha at tinapik-tapik siya hanggang sa makatulog.

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon