Noong June 5, 2016, nagpunta kami ng family ko sa Baguio for the prenuptial shoot ng ate ko at ng asawa niya (taga-Baguio kasi asawa ni ate).nagplano yung photographer naming pinsan na sa Diplomat Hotel mag-shoot, wala kaming idea noong una na ganun yung lugar kasi bigla na lang kami dinala dun. Around 5pm kami nagpunta. Medyo madilim na, maulan, malamig, foggy. Sa gate pa lang kikilabutan ka na sa itsura ng paligid. Nang makapasok na kami sa loob ng hotel, medyo kinabahan kami kasi madilim sa loob at yellow incandescent light yung gamit kaya mukha talagang makaluma yung paligid.
Naglibot-libot kami sa loob nun. May mga turista din nang time na yun, at may mga kabataang photographer. Tahimik lang papa ko nung time na yun, parang may kakaibang nararamdaman. kami (mama, pamangkin kong babae, photographer, ate ko, asawa niya at make-up artist), medyo enjoy lang (btw, may isa pa kong ate at pamangkin na nagpaiwan sa kotse kasi inaantok daw).
Umakyat kami sa 2nd floor kasi dun nila napagplanuhan na mag-shoot ate ko. Pag-akyat namin dun, may mga rooms dun na talagang nakakatakot ang loob. Pumapasok din yung fog sa loob. Edi habang nandun kami, hiniram ko phone ng ate ko habang nagsho-shoot siya. Nagpicture ako kung saan-saan. Edi nung napagod na ko kakaikot, nag-stay kami nila papa sa isang room. Tinitignan namin yung paligid habang nakatayo lang sa loob. Maya-maya lumapit sakin yung make-up artist, sabi niya may parang gumagalaw daw ng buhok niya habang naglalakad-lakad siya sa corridor (hindi na siya umalis sa tabi namin kasi kinabahan na siya). Kami go lang kakakwentuhan na nakakatakot nga yung paligid. Si papa tahimik pa rin (makwela si papa kaya nanibago kami nung tahimik siya).
6pm, may tumunog na sirene (actually hanggang 6pm lang talaga pwede mga turista dun dahil 6am-6pm lang schedule nila dun pero pinagbigyan na lang kami kasi late na nag-start ng shoot). Tahimik pa rin si papa nun. After 15mins, nagpaalam ako kay papa na bababa ako kasi naiinip na ko sa 2nd flr. Sabi nya, sigurado daw ba ako. Sabi ko, oo kasi iniisip ko na may mga tao pa sa 1st flr. Natakot si papa nun para sakin kaya mag-ingat daw ako sa pagbaba. Nung pababa na ko, nakakatatlong hakbang pa lang ako, nakaramdam ako ng pagbigat ng dalawang balikat ko at parang may gumagalaw ng buhok ko. Ginawa ko para di matakot, kumanta ako kahit kinikilabutan na ko.
nung pagbaba ko na, lalo akong kinabahan kasi katapat sa kabilang dulo ng hagdan yung parang stand ng pari at madre (butas yung mukha nung pari at madre tapos yung tao maglulusot ng mukha dun, parang sa mga photobooth). Binilisan ko na lakad ko. Pagpunta ko sa mismong ground, wala na palang tao. Akala ko nandun pa lahat ng mga nakita kong turista kaya naglakas loob akong bumaba, di ko alam na kami na lang pala ang mga tao sa loob ng hotel. Mag-isa lang ako sa baba nung oras na yun. Di ko na alam gagawin ko kase bumilis tibok ng puso ko sa kaba. Nilakasan ko na lang loob ko, sinamantala ko nang mag-ikot-ikot at kumuha ng picture kasi bihira ko lang magawa yung ganung mga bagay. Picture dito, picture doon. Wala na naman akong pakialam kung saang anggulo ako nagpipicture nun.
Paglipas ng 5mins, bumaba na silang lahat. Edi magkakasama na kaming lahat dun. Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na ko sumakay sa kotse. pagpunta ko sa kotse (nakaparada na tabi ng bintana ng hotel), nakita ko yung ate ko sa backseat, nakatitig sa bintana na parang may pilit na sinisilip sa loob ng bintana ng hotel (pero nakasarado yung bintana ng kotse kasi umuulan, nagmo-moist yung bintana ng kotse). Kinakatok ko yung ate ko sa tapat ng bintana, para bang hindi niya ko nakikita kasi sa likod ko yung bintanang sinisilip nya (hindi naman tinted yung kotse kaya kita ko siya sa loob). Ang sama pa rin ng timpla ng mukha nya na parang may tinitignan. Tumagal ako ng 30secs sa labas, para talagang di ako napapansin. Nung kinalabog ko na ng husto yung bintana, parang dun lang sya nahimasmasan at binuksan ang pinto.
eto ang mga nakakakilabot na nangyari
- Kaya pala seryoso at tahimik lang si papa habang nasa loob ng hotel, may nakikita daw siyang batang babae na patakbo-takbo at mukhang naglalaro. Sa paglalarawan niya, nakaputong bistida, may suot na hat, at mahaba ang buhok. Hindi lang pala si papa ang nakakita, yun pamangkin ko ring babae. Lagi lang nila nakikita yung bata kapag nakatalikod at naglalaro. Hindi pinansin ng pamangkin ko ng husto kasi akala niya tao. Pero si papa kakaiba ang kutob na hindi tao yun.
- Pangalawa, yung picture na nakuhanan ko sa hotel. Yung unang picture, nakuhanan ko yan habang nasa 2nd flr ako. Di ko expected na may ganyan pala sa mga kinuha kong pictures.
- At ang panghuli, yung sa ate kong nasa loob ng kotse. Sabi niya, hindi niya ko agad napansin na nasa tapat na ng bintana kasi may sinisilip daw siya sa loob ng bintana ng hotel. May nakatitig daw sa kanya nung oras na yun pero hindi malinaw ang mukha kasi nga nagmo-moist yung bintana at foggy. Kabadong-kabado siyang nagkwento kasi dalawa lang sila ng anak niya sa loob ng sasakyan. Kakaiba din daw pakiramdam niya sa labas kasi parang ang daming nakatitig sa kanila.- Kuro Kenshin
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.