5 YEARS IN PROVINCE

17 0 0
                                    

I'm a Muslim and I'll share what happened to me.

Nag loko ako noon sa school nung andito pa ako sa manila , barkada dito barkada doon . Kaya nag desisyon ang parents ko na umuwi sa province para daw mag tino ako , literal na probinsyang probinsya sya dahil 30 minutes ang kailangang lakarin bago ka makarating ng school at ang dadaanan mo pa talahiban . Wala kang pwedeng sakyan dahil bihira ang dumadaang sasakyan , swertehan pa. Wala karing pwedeng galaan, meron namang lawa kaso hindi ako marunong lumangoy kaya buhay school lang ako .

Nag start ang kababalaghan ng buhay ko ng bumisita kame sa buhay ng pinsan ko , masayang masaya kaming nag kukuwentuhan nun sa salas nila ng matulala sya sa pinto ng kwarto nya .. Tinatapik ko sya pero parang di nya dama . Pumunta ako sa kusina para tawagin mama nya kasi as in no response sya sakin kahit sundut sundutin ko pa ang weak spot nya , kinakausap ko na ang mama nya ng marinig namin syang sumisigaw at umiiyak , nag mamadali kaming lahat na pumunta ng salas , andoon na yung mga kuya , papa nya at papa ko na hawak sya kasi nagwawala . Sinasapian daw kaya nag patawag sila ng albularyo , hawak ko sya sa kaliwang kamay nya para hindi sya masaktan kakasuntok sa lamesa , at first hindi ako naniniwala sa mga ganoon, spoiled brat kasi ang pinsan ko gusto nya lahat ng hingin nya makuha nya kaya akala ko nag papanggap syang sinasapian kasi inaalo sya ng papa.
Ako naman biniro ko pa sya na sama pa nya nasapi sakanya pero kinilabutan ako nung tingan nya ako ng masama nakakatakot yung mata nya wala ng itim pa sa mata nya , pinagalitan naman ako ng papa ko kasi hindi daw yun ang tamang oras para mag biro. Yung albularyo naman pinagalitan si mama hindi ko alam kung bakit pero nagalit ako doon sa albularyo kasi sinamaan nya ng tingin mama ko , Ewan ko kung bakit nakadama ako ng sobrang galit na parang sasabog yung dibdib ko , tapos bigla nalang nag dilim ang paningin ko at wala na akong maalala pa sa mga nangyare .. Basta pag kagising ko ang daming pasa ng kamay at paa ko , sobrang sakit din ng katawan ko , hirap din ang dumilat . Doon kinuwento saakin ng mama ko na pati pati daw ako nasapian , nagulat nalang daw sila na yung lamesang gawa sa kahoy (at literal na mabigat) e lumipad nalang daw doon sa dalawang albularyo ako daw ang may gawa noon  nag ka susugat sugat daw ang iba dahil kung Anong masipa o mahawakan ko pinapalipad ko daw sakanila . Mabuti nalang daw at may mga tumulong sakanila na kapitbahay nila para pigilan ako , mas malakas daw ang sumapi saakin dahil lalake daw at anak nung sumapi sa pinsan ko , galit na galit daw dahil sinasaktan dw namin ang nanay nya .. Pag katapos ng incident na yun nabago ang paniniwala ko  Simula noon nakakakita na ako ng mga hindi ko dati nakikita ...

Nandyang makikita kong nakatitig sila saakin at parang nag susumamong tulungan sila , meron ngang habang pauwi na ako ng bahay galing school 5 pm mag aala sais na yun kasi whole day ang pasok at natyempohan pang nutrition day sa school kaya anong oras na kame nakauwe , marami kame non . Natakot sila saakin kasi napasigaw ako , may nakita kasi akong katawan na walang ulo at may hawak na itak sa may pinutol na mga kawayan . Sinabe ko sa mga kasama ko ang nakita ko kaya lahat kame kumaripas ng takbo . Pag dating ko sa bahay namin kinuwento ko sa mama ko kung anong nakita ko sa daan pauwe , yun daw yung pinatay doon sa mismong pinutol na kawayan at pinugutan hindi na daw nahanap ang ulo kaya nag mumulto dahil hinahanap nya yung ulo nya . Ilang araw akong hindi pumasok non dahil sa takot na baka makita ko ulit yun kaya kumuha nalang sila ng tricycle na maghahatid sundo saakin sa school ..

Sa school naman namin , nabulabog ang lahat nung may sapian sa room namin agad akong inilayo doon ng mga Kaibigan ko kasi Alam nilang pag nakaramdam ako ng takot nawawalan ako ng ulirat at sinasapian din (Many times na sa school) itinago ako ng mga teachers sa principal office . Nakaupo lang kame doon ng mga friends ko tapos biglang pumasok doon yung isa naming kaklase , tinanong namin sya kung pwede na kaming bumalik ang sabi nya maya maya muna kasi anim na daw ang sinapian sa classroom namin at meron pa daw sa ibang year level (4 rooms lang meron sa school for student 1st year to 4th year kasi kaunte lang students) bigla kaming kinabahan maya maya pa yung nag report samin natumba at nagwala so itinakbo nanaman nila ako sa labas ng school sa katabing tindahan , nakakakilabot lang nung napadaan kame sa mga classrooms may nag iiyakan at nagsisigawan yung ibang students nasa labas narin dahil sa takot , sobrang dami naring albularyong pinatawag .. 3 hours bago nawala ang mga sapi nila kinuwento sakin ng mga friends ko na yun daw kasi ang araw na may minasacre sa lupang pinagtayuan ng school namin matagal na panahon na (So every year daw with that same day ganun ang eksena which is true sa 3years kung pag aaral don saksi ako) mga hindi daw matahimik na kaluluwa ..

7 months after non sinama ako at ang ibang pinsan ko ng tita ko sa Cagayan para makiramay sa friend nya na namatayan ng ate sa ibang bansa at nakaburol doon , Nung mismong nasa lamay na kame may kung anong nag uudyok sakin na makigaya sa mga tao doon na tingnan yung kabaong Sakto namang nag aya mga pinsan ko na tingnan daw namin kasi for the first time lang daw na yun kame makakakita ng ganun kasi iba samin kapag may patay diretso libing agad at hindi na iniexpose pa . Maganda yung babae , sayang yung ganda nya ... Tinawag ako nung matandang Babae sa likod ko na nakaupo "Ne yung panyo mo nahulog" nag pasalamat ako at kinuha yung panyo ko , pagtingin ko ulit doon sa bangkay nagulat ako kasi nakadilat na yung mata nya at nakatingin sakin , nanlilisik yung mga mata nya . Napaatras ako at napansin naman yun nung mga pinsan ko kaya nilayo nila ako doon . Tinawag nila si tita para makauwe na kame . Nung andoon na kami sa kotse tinanong nila ako kung Anong nanaman daw ang nakita ko , sinabi ko sakanila na pinulot ko lang yung panyo ko at pagtingin ko ulit doon sa kabaong nakadilat at nanlilisik ang mga mata nung babaeng patay saakin . Bago kami umalis nag dasal muna kaming lahat (baka daw kasi sumama samin yung kaluluwa nun)

Dito ko nalang tataposin ito dahil nanlalamig na ako sa di malamang dahilan ...

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon