MAY 1, 2014 nung araw na iyon Tandang-tanda ko pa lahat ng mga Pangyayare. Nag hahanda na agad ako ng gagawin sa Birthday ni Nanay dahil kasabay din ito ng Mothers day. Alam kong Hindi masusuklian lang ng simpleng Pag salubong sa kanyang Birthday ang mga ginugugol niyang oras para sa aming mag kakapatid. Pangalawa ako sa Apat na mag kakapatid, Ang Panganay na si Ate Aila, Ako, ang Pangatlo naming kapatid si Coleen at ang bunso namin na si Joshua. Naulila na kami sa ama dahil si tatay ay nabaril noon sa kanyang Pinag tratrabahuhan. Kaya't si Nanay nalang ang Katuwang naming magkakapatid sa aming Buhay.
MAY 2 noon at ang dami kong naisip na pakulo para sa Birthday ni nanay na Gaganapin nga sa MAY 10 na Mismong Mothers day pa na tapat. Naisipan ko noong gumawa ng mga Banner at Scrapbook ng Pamilya namin para iyon na lang ang Iregalo kay Nanay. Syempre para mabuhay ang Scrapbook ay kailangan ko ng mga Picture, Nag hanap hanap ako noon kaso wala na ang lahat ng mga natatabi naming Litrato dahil kami'y isa din sa Biktima ng Bagyong Ondoy. Kung kaya't ng Hiram nalang ako ng Camera kay Tita Maureen. At yon na nga Inanguluhan ko ang bawat litratong aking kukunan. Pinicturan ko ng Patago si Nanay habang gumagawa ng mga gawain bahay. Dahil iyon lang naman ang Halos ginagawa nya lagi dahil wala syang Trabaho. Ilang araw ko din syang Pinag kukuhaan ng litrato.
MAY 9 na noon. Ipapaprint ko na lahat ng Litratong aking nakuhaan nabigla ako sa aking nakita. Maayos naman ang Pag kakakuha ko ng Litrato kay nanay. Maliwanag na Maliwanag ang lahat at walang Blur. Nabigla ako dahil Yung ibang Litratong aking nakuha ay Walang Ulo si Nanay. Kinabahan na ako noon at ako'y Umuwi na lamang sa Bahay at pag uwi ko sa Bahay nakita ko si Nanay nasa may Pinto namin at ngiting ngiti. Di ko sya maintindihan nung mga araw na iyon. At diko nalang sinabi sa kanya na ganon ang mga Nakunan kong Picture sa Kanya.
Gabi ng MAY 9, Mag kakasama kaming kumaing lahat Kaming apat na mag kakapatid at si Nanay. Kunyare ay Hindi namin alam na Birthday ni Nanay bukas. At pagkatapos naming kumain ay pinag pahinga na namin si Nanay. Nag usap kaming Apat na mag kakapatid para bukas naka handa na ang lahat hindi alam ng aking mga kapatid na may Regalo akong Scrapbook kay Nanay Pero di din nila alam na ganon ang mga nakuha kong Litrato kay Nanay. Hating gabi na noon ng Kami'y natapos sa mga Sorpresa namin kay Nanay. At Kami'y natulog na. Humapyaw sa aking panaginip ang mga litratong aking Nakuhaan. Nanaginip din ako ng mga malalagim na Pangyayari kay Nanay noon. At bigla nalang akong Nagising. at Inisip ko nalang na Buti panaginip nalang ang Lahat.
MAY 10. Birthday na ni Nanay kasabay nito ang Mothers Day. Kaya'y Pinag handaan talaga namin itong mag kakapatid. Umaga na, Sabay sabay kaming pumasok sa Kwarto ni Nanay at Dala dala na namin yung mga Ginawa at pinag paguran namin sa kanya para lang Matuwa siya sa amin. Sabay sabay namin syang Binati ng "Nanay, Happy Birthday and Happy Mothers Day, I Love You Nanay!" Di pa din Gumigising si Nanay Inulit ulit namin na batiin sya ng Mas malakas pa. Pero Bakit wala pa din. Niyapos ni Ate Aila si Nanay pero gulat na gulat siya sa Naramdaman nya. Malamig na si Nanay, Wala ng Pulso at Maputla na ang Buong Katawan. Sa Madaling salita, Pero hindi namin matanggap Tanggap. Wala na si Nanay! Patay na sya. Naisugod namin si Nanay sa Hospital pero Huli na rin ang lahat. at ang Dahilan ng kanyang Pag ka matay ay Bangungot. Iyakan kami noon apat dahil Kabuong Birthday nya at Mother's Day ay Kinuha sya samin. Masyadong masklap ang mga pangyayaring iyon. At lumipas ang mga Oras kinuha na ang Bangkay ni Nanay ng Puniraya. At Pinakita ko na rin sa kanila ang mga Litratong aking nakuhaan. At Nag iyakan na lamang Kami ng mga sandaling iyon. Akala namin yung araw na iyon ay Punong Puno ng Kasiyahan pero ito palay Balot ng Kalungkutan. Akala ko Pamahiin lang ang mga ganon. Pero nangyari na mismo sa Pamilya namin. At sa ngayon si Ate Aila nalang ang bumubuhay sa aming Tatlong mag kakapatid. At Dalwang taon na rin naming hindi nakakasama si Nanay sa Kanyang BIRTHDAY AT MOTHER'S DAY.
~ZRCLCNRF
Last Chapter.
Please Read:Panahon ng mga Halimaw.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.