Holy Week Specials

5 0 0
                                    

Maundy Thursday, 2021.
Simulan natin ang seryeng ito sa
 
××××××

Mahal na Araw

This incident happened way back mga 1990. Nasa early 40's na ako. When I was young super religious kami. Lagi kaming nag Angelus pag dating ng 6pm, wala dapat mawawala sa dasal, lahat kaming mga babae naka belong puti.  We used to go sa Bataan, pipila kami paakyat ng hill para makahalik sa paa ng tinuturing naming "Ingkong".

Summer, panahon ng pag akyat namin nun, siyempre mga bata matitigas ang ulo. We were told ng mga matatanda na "Wag kayong pupunta sa ilog o maliligo doon lalo na araw na patay ang Diyos" (Biyernes Santo). At ayun nga matitigas ulo namin, pumunta kami kasama si ate Vangie (not her real name). Si ate Vangie ay dalaga (mga 18-20 years old siya). Ayun naligo kami ng mabilis lang.

Dumating ang Linggo ng pagkabuhay and araw na rin na uuwi na kami lahat sa Manila.
Ayos naman, masaya, may tulog may makulit hanggang makauwi na lahat.  Monday night, oras na ng Angelus siyempre lahat na tinatawag, si Ate Vangie hindi bumababa.

Ang tiyahin namin (nanay ni ate Vangie) umakyat at pinagalitan siya. Sabi sa kanya "alam mong oras na ng pagdarasal bakit di ka bumababa?". Si ate Vangie di nagsasalita, habang ang nanay niya todo daldal. Biglang tumakbo si ate, siyempre hinabol naming lahat. Tapos nakita namin siya nakayakap sa poste, galit pa rin nanay niya, biglang may isang matandang lalake na nagsabi kay tiyang na "wag niyo na hong kausapin, di niyo na po anak yan". Nagdecide ang mga matatanda na dasalan si ate. Apat na lalake, apat ang nagtry na hilahin siya at alisin sa poste pero di nila siya mahila sa pagkakayakap sa poste. Yung kapatid niyang isang babae na may hawak na rosary ang sumubok na humila at nagawa niyang hilahin, buhatin papasok ng bahay at ihiga.

Kami ng mga pinsan ko sumiksik sa ilalim ng makinang pantahi, para makita namin anong nangyayari. Hiniga nila si ate, naglagay ng dalawang plangganita sa magkabilang kamay na may tubig at rosaryo. At nagdarasal sila na di namin maintindihan, tapos nagpapatak ng kandila sa tubig. Habang si ate sigaw ng sigaw, may oras na nag iiba boses niya pero bumabalik sa dati and so on. Mga halos kalahating oras ganun. Pagkatapos, hinimatay siya and the she woke up na pagod na pagod tapos sabi niya "nay tubig".

Kinagabihan we all slept naman peacefully.
Next day, when ate Vangie woke up, she was all wet and has maggots sa paligid ng higaan. She was fine though,  nagdasal ulit lahat, starting that day lagi na siyang may suot na rosaryo and a small bottle na for protection daw.

Nung tinanong namin ang mga matatanda sabi nila ay may sumama sa kanyang espiritu galing sa Ilog.

×××××××××××××××××

HOLY WEEK TOUR

2016 when my friends and cousins decide to have a long tour.

We decided na Baguio ang unang pupuntahan namen. Ready na ang lahat ng gagamitin para sa ride, Bali 8 motorcycle then lahat may mga angkas.

Umalis kame sa Manila ng 5am. Habang nagbabyahe kame pa Baguio okay naman smooth lang, sa bandang Pampanga nagstop-over kami para kumaen at konting pahinga na rin. Habang nasa isang maliit na karinderya kame may nagpoprosisyon sa kalsada yung naghahampas sila ng likod hanggang sa dumugo. While we enjoying the parade may isang matandang babae ang lumapit samen, tinititigan nya kame lahat at sinabi
“Sa palagay ko mga bata dapat ay huwag na kayong tumuloy sa pupuntahan nyo.”
And then she leave us with a What-face. Nagkatinginan kameng lahat the other was laugh and yung iba natakot parang ayaw na tumuloy.

Tumuloy pa din kame at kinalimutan yung sinabi ng matanda baka baliw lang siguro kaya ganon. A few hours later papasok na kame ng Baguio, nagulantang kameng lahat ng biglang yung isang kasama namen pinsan ko at ang girlfriend nya nahulog sila sa hukay sa gilid ng kalsada buti na lang at galos lang ang nangyari sa kanila, pero yung motor pumutok yung gulong kaya kailangan ipagawa at palitan. Buti na lang at may malapit na shop kaya naayos agad. So tuloy ulit ang byahe.

Hanggang sa makarating na kame sa bahay na tutuluyan namen bahay ng Lola ng girlfriend ng pinsan ko. Pumasok kame sa loob sobrang ganda, makaluma 2storey. May kalakihan yung bahay 4rooms sa baba at sa taas 6 rooms, Wala ng nakatira, caretaker lang ang nagmamanage ng bahay. Ginawa niya itong inn para sa mga dayong turista. Bihira lang daw kase umuwe dito family ng girlfriend ng pinsan ko kaya dito din namen naisip magpunta less gastos din kame, kaysa magcheck-in kung saan.

Bago mamasyal nagdecide muna kameng lahat na magpahinga muna may mga turista na din ang nauna sa amin doon kaya 2rooms na lang ang available sa taas. Kameng 5 na girls sa isang room then sa kabila is yung 11 na boys Madami sila kaya sabi ko dun na sila sa room sa dulo masters bedroom yata yun.

First stay 5:30pm. Nagising ako dahil may kumakatok sa room namen “te pabukas naman gising naba kayo? Bilis buksan nyo to.” si JM pinsan ko, anyare dun? “Wait lang ano ba yon ha?” Pagka bukas ko ng pinto pasok agad sya then sinarado nya agad. “Bakit anong nangyari sayo? Kalalaki mong tao para kang naiiyak dyan?” “E kase ate may babae dun sa kwarto namen nakaka takot yung muka wakwak yung bibig” sabi nya habang nanginginig pa ang boses. “Tss. kagaguhan mona naman maaga pa kaya, gusto mo lang dito sa room namen e no?” “Totoo nga gagi nakita ko talaga nakatingin saken te takbo agad ako palabas tulog pa nga sila dun e.” “Haynako tara gisingin na natin para makapasyal pa tayo maaga pa naman e.” Hinila ko sya palabas ng kwarto. “Ayoko te ikaw na lang.” Hinihila ko syang pilit papunta sa pinto nang biglang kumatok at nagsisisigaw yung ibang Boys sa pinto. “Hoy buksan nyo to bilisan nyo” Sigawan sila nagising na din yung mga girls dahil sa sigaw nila pagkabukas ko nang pinto takot na takot mga itsura nila. “Bakit ba?”
Jane may multo dito sa bahay nyo” “nakakatakot” “ayoko dito mag overnight” “alis na tayo dito. Maghanap na lang tayo inn.”

Sa sobrang takot nila nagdecide na lang sila na maghanap na lang nang ibang pwedeng tuluyan. All of a sudden sa layo ng Baguio nagbyahe naman kame papunta sa Pangasinan. Tumuloy naman kame sa bahay ng tita ng friend namen okay naman yung bahay maliit lang pero malawak yung bakuran, nagpark na sila ng mga motor maliit yung gate kaya isa isa lang ang pagpasok nasa pangalawa sa huli kame tapos nasa likod namen si JM yung pinsan ko saka angkas nya si Jane girlfriend nya. Nilingon ko sila “Ano nakakapagod diba? Lakas trip nyo e.” Nagtaka ako kase di nya ako pinansin tapos parang umiiwas sya ng tingin saken.

Nang makapasok na kame sa bahay pagkahubad ko ng backpack ko sira yung ibabaw yung parang nilagyan mo ng mabigat kaya napunit, magaan lang naman bag ko. “Ano kaya nangyari dito?” “Ano yan iha?” Yung tita ng friend namen biglang lumapit sakin. “Ho? Nasira po kase tong bag ko tita.” “Nako halika dito iha isuot mo to.” Binigyan ako ng kwintas na may kahoy na pendant. “Para san poba to?” “Mag iingat kayo pag ganyang dadayo kayo sa malayo. Wag mong hubarin yan ha! “Hm. Sige po tita salamat po.” Kahit naguguluhan ako sinuot kopa din yung kwintas, medyo iba ang feeling ko Natatakot ako at kinakabahan. si JM naman lumapit sakin at pinakita yung kwintas nya, nakita nyang meron din ako. “Ate natakot ako kanina sayo e.” “Bakit na naman?” “Yung babaeng wakwak yung bibig nasa likod mo kanina.” “Ha? Saan? Gago ka wag ka nga manakot!” “Oo nga nakasakay sa likod mo kanina yung magpapark na tayo ng motor buti nga nawala na e.”

-Tin

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon