USOG SA DAYO
Nangyari ito noong April 2, 2018 Tandang tanda ko ang araw na to, Dahil Birthday to ng jowa ng kapatid ko. First time namin ng Family ko at mga kaibigan ng kapatid ko na pumunta sakanila, Dahil sobrang layo ng sakanila isang maliit na probinsya na puro puno at palayan, Tapos kokonti lang ang nakatira pero napakaganda ng view at napaka sarap ng simoy ng hangin. Matatanaw mo ang Mt.Arayat, Malayo siya sa siyudad, Napaka tahimik ng lugar.
Nang narating na namin ang bahay nila medyo pagod man sa biyahe dahil bako bako at medyo mabato ang daan pero ok lang dahil sulit naman ang pagod dahil sobrang ganda ng lugar ma re-relax ka talaga..
Tapos na kami kumain yung iba nag kakantahan na at umiinom, Ako tahimik lang sa isang upuan nararamdaman ko ang inip, hindi naman kasi ako umiinom pa celphone2x lang ginagawa ko ng biglang magyaya ang mga barkada ng kapatid ko,
'Ate gusto mo sumama? Sarap mag selfie dun sa nadaanan natin kanina, kitang kita yung Mt. Arayat. Tara? Wag ka mag alala kasama naman natin si John( nakatira doon kapitbahay sya ng jowa ng kapatid ko) at Barkada din sya ng kapatid ko kaya kampante ako na di kami maliligaw.
Hindi ko naman sila masisi dahil napakanganda nga ng Lugar perfect sa picture2x kaya napasama na din ako .So ayun na nga picture dito picture doon hanggang nagyaya si John na pumunta sa isang lugar na sigurado daw na magugustuhan namin, So kami pumayag naman .
Hanggang sa marating na namin yung lugar . Sobrang ganda sobrang presko .
Tapos May Tulay, Yung tulay medyo mataas perfect pang picture2x , So habang nag pipicture ako may nakita ako matandang babae nasa tulay, Hindi ko alam kung napansin din ng mga kasama ko, na para bang pinagmamasdan kami at ang sama ng tingin saakin.Nakatalikod ako sa mga kasama ko,
Medyo natakot ako kase nagkatitigan kami tapos yumuko ako, Kase parang nahiya ako dahil sobrang ingay yata ng mga kasama ko .
Pagtapos ko yumuko binaling ko ang tingin ko sa mga kasama ko at nagyaya na ako bumalik dun sa bahay ng jowa ng kapatid ko, Pag harap ko wala na yung matanda, Diko binanggit yun sa mga kasama ko .Hanggang sa nakarating na kami sa bahay ng jowa ng kapatid ko .
Tinignan ko mga picture na nakuhanan namin .
Ang gaganda maya maya pa bigla kong naramdaman na nanlalambot ako, Sobrang sakit ng Ulo ko at bigla nalang ako nag susuka, apat na beses ako nagsuka pinagpapawisan din ako ng malamig .
Naalala ko yung matandang babae kanina.Hanggang nagalala na yung lola ko at family ko. Tinanong nila saan kami nagpunta tapos binanggit ko yung sa matanda kanina,
Sabi ng lola ko Nausog ka . Hindi naman daw napansin ng mga kasama ko yung matanda.Pinatawag namin yung mama ng jowa ng kapatid ko at hinilot nya ako at nilawayan (Dito kasi saamin kapag na usog ka kailangan mo magpalaway dun sa taong may usog din para mawala)
Tinanong saakin ano ang nangyari at saan kami nagpunta sinabi ko saknila yung matanda kanina tapos sabi ng mama ng jowa ng kapatid ko "Ang ganda ganda mo kasi yan tuloy na usog ka, Tsaka dayo lang kayo dito hindi kayo pwede kung saan saan nagsusuot .
Pinag pahinga nila ako tapos unti unti ng bumuti ang lagay ko . Hindi na rin ako nagsusuka at di na masakit na masakit ang ulo ko at Hindi narin ako nanlalambot .
Nakauwi naman na kami ng maayos.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.