That was summer.

12 1 0
                                    

This happened 7 years ago. Yung bestfriend ko, nasuper mahal namahal ko, hindi ko ineexpect namauuwi lahat saganun. Summer non. Of course everyone of my friends are free. Kami yung tipong, pasaway, makulit, maingay.

Every night lagi kami nasaplayground ng subdivision namin. Tagay, yosi. May mga boys and mga girls. Pero hanggang dun lang naman kami. Inuman. Kwentuhan. Lokohan.
Then one time, bored kami. Sabi ni Art "Uy tara laro tayo" then we agreed. Then sabi ko anong laro. Biglang sumingit si Aika "Taguan tayo ano?" parang nag dalawang isip ako. Kasi gabi. Mapuno sa lugar. May balete pa sa gitna. Bale kasi andun yung court. Playground tas may maliit na church. Super dilim. Siguro lagpas sampu kami non. Eh nag oo na silang lahat. Lumapit ako sa pinsan ko, sabi ko "San, tara sama ko sayo" si Aika yung taya since sya yung naka isip ng game. Tumalikod na sya at humarap sa puno tapos nagbilang. Nagtakbuhan na sila kami naman ng pinsan ko hawak kamay pa tumakbo. Dun kami nagtago sa loob ng church. Yumuko lang kami sa may upuan. Medyo nakunsensya nga ako nun kasi dun pa talaga kami pumunta eh pwede naman sa court or sa multi purpose. Sabi ko sa pinsan ko lipat kami. Kaso lang narinig nanamin si Aika sumigaw nagame na daw. So hindi na kami umalis. 5 minutes wala parin kami naririnig na ingay. Parang medyo natakot ako non kasi super tahimik sa labas. Eh lalo na sa loob. Nag eecho yung bulungan namin. 10 mins wala pa rin. Nagtaka na kami.

Tumayo ako tapos hinigit ako paupo nung pinsan ko. "Mamaya na baka mataya tayo" Sabi ko naman "bat wala pa nahuhuli si Aika?" Nag ssh lang yung pinsan ko. Hinayaan ko nalang.

Maya mayam ay narinig kami sumigaw. Boses ni Aika. As in histerical na sigaw. Tayo agad akoat tumakbo. Hindi ko na nalingon kung naka sunod bayung pinsan ko. Tapos nakita ko si Aika sa ilalim ng puno ng balete. Sa may bench. Iyak ng iyak. Nilapitan ko agad sya. Tas nagdatingan narin yung iba. Inalog alog ko sya. Kasi kinabahan na ako non eh. "Aika! Huy. Ano nangyare umiiyak kadyan?" tas tumingin sya sakin. Tumingin sakin tung bestfriend ko umiiyak, titig na titig ako sa matanya. Pero yung isang matanya, yung eyeball parang nag momove sa ibang direksyon habang umiiyak. Yun yung napansin ko. Tas niyakap nya ko. Sobrang higpit. Nagpanic narin yung iba. Si Art bumili ng ice tubig. Yung iba naman nagyosi. Habang nag bubulong bulungan. Nung medyo nahimasmasan na si Aika, kinausap ko sya. "Best ano nangyari?" tumingin lang sakin tapos ngumiti. Hindi ngiting okay. Parang iba yung pag kangiti nya. Tas parang ini isway sway ng mahina yung ulo nya.
Hinayaan ko nalang sya.

Sabi ko ihahatid nanamin sya. Hindi naman sya umimik. Kinakabahan ako kasi baka mamaya mahalata ng mama nya na hindi sya okay tapos biglang magtanong sakin.
Nung nandun na kami sa gate nila sabi ko pumasok na sya. Nakatingin lang sya sakin. Naasar narin ako kasi para syang nang aasar. Yung mga ngiti at tingin nya. Napaka weird. Pero sabi ko baka naman bukas okay na sya.

So ayun dun natulog yung pinsan ko samin. Nag gm yung mgatropa ko kanya kanyang goodnight. Nahindi daw maganda yung gabi nila. Siguro takot narin sa nangyari na pag-iyak ni Aika.

Bago kami maghiwa hiwalay napag-usapan namin na wag ikwento kahit kanino yung nangyari. Hindi ako makatulog nung gabi nayun. Iniisip ko si Aika.
Next morning, nakatanggap ako ng text sa mama nya. Si tita Fe. Hindi ko alam lung bubuksan ko ba or hindi. Baka nagkwento na si Aika nangyari. Pagbukas ko nung message "iel, ano kinain nyo kagabi ni Aika? Panay suka nya eh. Dito kami ospital sunod ka" yan yung nakalagay sa text. Pasig area lng din yung ospital. Sumunod agad ako. Tapos, nakita ko si Aika, malalim yung mata, maputla. Natakot ako. Baka dapat sabihin ko nanaglaro kami kagabi sa playground. Biglang nagsalita si tita "ano finoodtrip nyo kagabi bhe.. Panay sukanyang bata na yan ayaw kumain. Pag tanungin hindi naman nasagot" Kinabahan ako. Tumingin ako kay Aika. Napansin ko yung kamay nya. Kinu kurot kurot nya yung sarili nya. Ang weird nya talaga. Tas parang nila labas labas nya yung dila nya. Yun kasi talagayung nangyari sa kanya. Naconfine sya ng 2 days. Wala naman matrace yung mga doktor. Dehydrated daw. Malamang ikaw kaya mag suka. Walang problema sa mga labtests nya. Nung gabi kinausap ko si tita. Sabi ko "tamay sasabihin po ako wag po kayo magagalit" nag oo sya. So ayun kinwento ko yung nangyari. "Hindi ko po talaga alam ano nangyari sa kanya nun. Bigla sya umiyak nasa balete. Tapos hindi ko na sya nakausap ng maayos" biglang lumungkot yung awrani tita. Ifeel so guilty. Dapat hindi nalang kami naglaro ng gabi. Dapat nagmovie marathon nalang kami.

Lumipas tatlong araw . patamlay ng patamlay si Aika. And it hurts me seeing my bestfriend in that situation. Wala kasi ako magawa. Hindi ko alam ano ba talaga nangyari. Araw araw tinatanong ko sya. Panay lang sya ngiti. pang 5 days nya, nag decide sila tita na ipatingin si Aika sa albularyo. Sumama ako. Ayaw din kasi bitawan ni Aika yung kamay ko.

Umuwi kami sa Iloilo. Probinsya nila. Para ipagamot daw sya. Buti at may sasakyan sila kaya medyo mas okay. Nalaman narin ng parents ko yung nangyari. Pinagalitan ako but willing sila na pasamahin ako para kay Aika. Ewan ko ngabat kelangan sa iloilo pa sya dalhin. Meron naman din dito malapit. Nung nasa iloilo na kami, ipinatawas agad sya. Sumama yung mukha nung nagtatawas. Sabi nyasa punong malaki. Nabulabog daw sya. Nagalit daw. Hindi daw dapat namin sya inistorbo. Gusto nyadaw ng kapalit. Kinilabutan ako. Tapos kung anu anu ginawa kay Aika. Mga dasal. Tubig na pinainom. Akala ko okay na. Na makakapag open na sya sakin nung gabi na yun. Mas malalapapala. Natulog kami magkatabi. Yung parents nya nasa kabilang room. Mahimbing tulog ni Aika kasi nauna ko syang pinatulog. Around 1am . naalimpungatan ako.

Bumangon si Aika. Nakaupo. Tas tumatawa. Parang loka-loka. Nakaka kilabot yung tawa nya. Palakas pa ng palakas. Kinausap ko sya kahit takot na ako " huy best ano nangyayari sayo. Umayos ka nga dyan. Nababaliw ka na?" pagkasabi ko nun tumigil sya kakatawa. Tapos lumingon sya dahan dahan sakin. Yung ulo lang nya yung gumalaw. Nakita ko yung mata nanaman nya. Yung parang gumagalaw ung isa. Sumigaw na ako non. "Tita! Si Aika!! Tita!!" tapos tumawa lang sya ng tumawa. Umiiyak na ako nun. Ayoko makitang ganun si Aika. Masakit para sakin. Hindi sya yun eh. Bumukas yung pinto tapos nilapitan nila si Aika. Kaso tinulak sila. As in tulak. Papanya at mamanya natumba sa sahig. Ang lakas nya. Sabi ni tito "iel puntahan mo si ka bert. Eto susi motor gamitin mo muna marunong ka diba?" nagdadalawang isip ako. Oo nakaapagmotor ako pero Wala akong lisensya. Pero para kay Aika na bff ko hindi ako pwedeng humindi. Kinuha ko agad yung susi tas nagpasama ako sa pinsan ni Aika na bata. Kinikilabutan ako sa tawa ni Aika. Palakas ng palakas. Nung time na yun sobrang sising sisi ako. Na sana hindi na kami naglaro non. Sana nanahimik nalang kami sa bahay. Edi sana okay pa si Aika ngayon. Binilisan ko yung motor. Bahala na. Basta nagdarasal ako na sana makayanan ni Aika. Na sana wag sya bumitaw. Na sanawag sya malamon ng demonyong kumokontrol sa kanya...

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon