Istorya ni Daniello.
Daniello's POV
Hindi lahat nang tao ang nabibigyan ng pagkakataong maranasan ang totoong pag-ibig. Yung pag-ibig na sabik na sabik kang makita ang taong minamahal mo at akala moy di na magwawakas pa.
May nobya ako at higit pitong taon na kaming nagmamahalan, ang pangalan niya ay Susan. Napakaganda at napakabait na dilag kahit mga kapatid at magulang ko ay gustong-gusto siya.
Pareho na kaming propesyonal na Arkitekto at pareho pang kompanya kami nagtatrabaho. Kolehiyo pa lamang kami nang isa-isa na naming plinano ang aming kinabukasan bilang mag-asawa at damangdama ko pa ang binitawang salita para sa isa't-isa;
Susan: "Ga, kahit anong mangyari, sa oras na magpakasal na tayo, ipangako mong ako lang ang mamahalin mo"
Ako: "Oo naman ga, ano pa ba't gumawa na tayo nang mga planong ito"
Susan: "Mahal na mahal kita"
Sa panahong yun hanggang sa nakapagtapos na kami sa pag-aaral at naging Arkitekto ay para akong lumulutang sa kasiyahan dala nang pag-ibig na akala ko'y di na matatapos. Umabot na kami sa pagpundar nang bahay na ninais pero totoo nga ang kasabihang, "wag piliting angkinin ang kinabukasang di pa nakikita".
Noon pa man ay pansin ko na ang kahinaan ng katawan ni Susan lalo't may sakit siya. Kahit simpleng lagnat ay umaabot nang dalawa hanggang tatlong linggo pagpapahinga ang kanyang ginagawa. Isang araw akala nami'y simpleng lagnat lang ngunit nagsusuka na sya, umiiyak, nangangayayat at di maintindihan ang pakiramdam. Agad namin siyang dinala sa pinakamalapit na Ospital and doon ko nalaman na may sakit na Leukemia si Susan. Ramdam ko ang takot and pangamba naming dalawa lalo't sabi nang Doktor ay nakakamatay ito ngunit gusto parin ni Susan na lumaban sa sakit.
Dumaan ang mga linggo at lumulubha ang kalagayan ni Susan ngunit pilit parin siyang lumalaban. Wala akong ibang nagawa para kanya kung di alagaan siya habang nasa Ospital at may kung anong pumasok sa isipan kong hingin ang kaniyang kamay para sa isang kasal. Nang sinabihan ko ang kanyang mga magulang, agad silang pumayag para naman daw ay mas mabigyan si Susan ng panibagong rasong lumaban sa sakit. Sa araw na hiningi ko ang kanyang kamay para sa kasal ay isa sa mga pinakamasayang araw maging sa kanya. Walang ibang luha ang pumatak kundi luha nang kaligayahan. Ngunit sa sumunod na araw din ay binawian nang buhay si Susan. Kung anong saya ang kahapon ay syang naging sakit nang bukas.
Sa gabing bago ang huling lamay ni Susan ay napanaginipan ko siya, kami ay magkahawak kamay sa isang puno malapit sa bahay na aming ginawa. Paulit ulit niyang binigkas ang salitang "KASAL" at ang tangi ko lang tugon sa kanya ay "HINDI". Nagagalit na siya sa panaginip ko at nilalayo ang sarili sa akin ngunit pilit ko paring inaabot hanggang sumisigaw siya nang "PAKASALAN MO AKO". Napabalingkawas ako nang bangon dahil sa panaginip, natakot ako pero mas nangibabaw ang pangungulila at pagmamahal ko kay Susan. Ang panaginip kong iyon ang tumulak sa aking pakasalan si Susan kahit alam kong hindi pangkaraniwan ang gagawin ko. Gayunpaman, pumayag padin ang kanyang mga magulang ngunit may bilin ang kanyang Ama,
"Sigurado ka bang gagawin mo ito, Iho? Alam mo ba ang iyong pinapasok?"
"Wala na po akong ibang naisipang gawin upang makabawi kay Susan gayo't di na po matutuloy ang totoo naming kasal"
Naging madali ang "pagkakasal" ko kay Susan, kahit na sa kabaong siya ang nilagay ko parin sa kanyang daliri ang singsing. Hindi naman talaga pormal na kasalan ang nangyari kundi ang musika at singsing lang ang gamit. Sa panahong yun, di ko padin alam ko anong klaseng kapahamakan ang aking pinasok.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.