Bonuan (Dagupan)

7 0 0
                                    

Day of Valor,2020

Masaya, maganda ang Dagupan sa Pangasinan, Masasarap ang pagkain, mababait ang mga tao sa Pangasinan(Lalo sa parte ng Bayambang, Mangatarem). Higit sa lahat ang daming beaches. Halos malibot ko na ang buong Pangasinan dahil narin sa field ng work ko.

May 3, 2018 umaga na yun 8-9 am ng mag-byahe kami ng aking team sa Pangasinan, upang gawin ang naka-tokang task sa'min. Tanghali na kami nakarating sa Pangasinan (San Carlos). Sumakay kami ng Jeep sa Town Center pa Dagupan, at sumakay naman ng Jeep pa Bonuan, nandun kasi ang uupahan na boarding house namin good for 15 days.
Maganda ang bahay na inupahan namin,  2nd floor at may mga halaman sa labas, like cacti, succulence etc.
May dalawang kwarto sa taas na magkatapatan ang pinto, kaliwang kwarto kami nag-stay lahat, maluwag naman kasi, Inilapag na namin ang mga gamit namin at nagpahinga ng konti at kumain.

Kinagabihan, ayos naman ang lahat, maalinsangan ang gabi at eto na naman ang sakit ko, namamahay ako kaya hindi ako maka-tulog. Halos naghihilik na ang mga kasama ko at ako'y mulat na mulat pa. Patay pa ang ilaw, maliwanag naman ang buwan, ako naman si Facebook at games pampaantok. Then suddenly I heard some footsteps on the stairs(2nd floor kami natutulog lahat) na parang may paakyat, medyo naka awang ng konti at pag-inapakan ay iingit.
maririnig mo talaga 'pag naapakan mo.

Dinig na dinig ko ang hakbang ng paa ni'ya, yung tipong ang bigat. Biglang umingit 'yung sa dulo ng hagdan,may tumapak. Nakiramdam muna ko baka kasi may magnanakaw na nakapasok at nakalimutan lang i-lock ang pinto sa baba ng mga kasama ko. Pinatay ko cellphone ko at siningkit ko ang mata ko 'yung tama lang para kung may papasok ng pinto ay makita ko, unti-unti nang bumibilis ang pintig ng puso ko 'nun. Dahan-dahang bumukas ang pinto, hanggang maabot ang pader Kung saan sagad na at wala nang ibubukas pa. P*ny*ta! Nakalimutan isara ang pinto, 'pag magnanakaw 'to pa'no kaya ang gagawin ko? Bahala na sa isip ko, nadagdagan ang kaba ko. Mamayamaya may sumilip na sobrang itim parang anino pero mabalahibo, mahaba din ang leeg (Parang sa teddy bear ' yung balahibo, Imposible naman na sa teddy bear 'yun), mas lalo akong kinabahan, lalabas na yata ang puso ko that time. hindi ako maka-galaw, ramdam ko din 'yung pawis ko na butil-butil, gusto ko sumigaw at tumakbo pero wala, namanhid na yata ang katawan ko, walang response maliban sa mata ko.

Pumasok 'yung maitim na nilalang sumasayad 'yung ulo niya sa kisame sa sobrang tangkad, at tumayo malapit sa pinto, hindi kumikilos. Hindi ko din makita ang mata niya buti nalang, gusto ko na mahimatay 'nun, ang lalim ng hinga ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Naka-focus pa ang mata ko sa kanya. Mga 2 minutes din siguro siyang naka-tayo, mamayamaya lumabas na siya, dinig ko padin ang hakbang niya hanggang dulo ng hagdan pababa.

Napabalikwas ako ng bangon sabay ta'yo at bukas ng ilaw. Nagising 'yung isa ko'ng kasama at tinanong bakit gising pa'ko, hindi ako kumibo at nahiga. Hindi ko alam pa'no ako nakatulog 'nun, basta ang alam ko kinabukasan, antok na antok ako at takot.

Kaya sa 14 days namin na stay 'dun nag sleeping pills na'ko at hindi ako nagpapahuli matulog. Hindi ko na kinwento, sa mga kasama ko, baka matakot sila. Na-experienced din 'yun ng isa ko'ng kasama 'no'ng last day namin dun. Kinwento niya habang bumabyahe kami pauwi at umiiyak pa!

Spine chills at Goosebumps ang nararamdaman ko pagna-aalala ko ang nangyari sa Bonuan.

-Goth, Seeker bunny
Paombong, bulacan

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon