This is a long story.Here it is:
Yung tatay ko ay isang chef sa isang chinese restaurant at nagkataon na magbubukas ng bagong branch sa cebu. Yung tatay ko halos one year na nandun sa cebu para tulungan yung chinese na may-ari na simulan yung restaurant. Umuuwi naman sya samin dito sa cavite pero mas gusto niya daw na sama-sama kami. So dun nagsimula ang plano na lahat kaming ay pupunta dun. Excited kaming lahat knowing na may new environment at sabi niya may bahay daw don na ancestral house ng amo niya na ipapaupa saamin sa mas mababang halaga. Sabi ni tatay gawa daw sa kahoy yung bahay pero maganda at malaki tapos located malapit sa mga mini mall at super market kaya panigurado magugustuhan daw namin yung lugar.
we traveled at narating yun, Yung mismong nasa harapan na kami ng bahay, natawa kaming dalawa ni ate. Though we expect na gawa sya sa kahoy at parang time pa ng spaniards yung bahay as what my father told us, hindi naman namin inakala na ganun na ganun talaga tulad ng mga creepy old houses dito sa pinas.
"Eto na yun? " medyo natatawa ko pang sabi na may pagkadismaya. "Maganda yan sa loob" sabi ni tatay kaya tumahimik na lang ako.
Malaki sya at may dalawang gate yung bahay sa labas kung titingnan mo ang creepy niya. Nakadagdag pa po dun yung nag fe-fade o malapit ng mabura na pintura ang labas ng bahay. Yung parang kulay natural na matandang kahoy na naalikabukan ng maraming taon.
Sinalubong kami ng babae na anak daw siya ng katiwala doon. So sila sa first floor at ang ookupahan namin ay ang second floor. Pagbukas niya ng pintuan hagdan na kahoy agad yung tumambad saamin so diretso kaagad sa second floor. Pagpasok mo at kapag lumingon ka sa kaliwa nandoon yung sliding door na nagdudugtong sa first at second floor pero syempre isinasarado yun...
Nung nakapasok na kami, okay naman pala. Pinturado yung kahoy na kisame at yung kahoy na dinding ng light color. Tapos may tatlong magkakahilera na malalaking pinto na Mukhang 8ft. Yun o baka 7ft. Tapos kapansin pansin din yung malalaking mga bintana na mas nag papa luma ng bahay dahil sa style nito.
Kung papairalin mo talaga yung pagiisip mo na maraming nakakatakot na stories sa mga bahay na katulad non, matatakot ka talaga...
kaming dalawa ni ate, nag pasyang pasukin yung unang pintuan. Kahit saang aggulo mo tingnan, malalakihan ka talaga at sa tingininan pa lang, mukha na syang mabigat. Nakasarado yun that time then yung papasok nako, yung time na aabutin ko na mismo yung doorknob bigla na lang gumalaw yung pintuan na parang mula sa loob. Para bang may natulak sa pintuan o may tumulak non. Nagulat ako syempre pati ate kong nakasunod...
Malaki naman yung una at pangalawang kwarto. Sa
pangatlong kwarto, Mas maliit sya sa nauna at kaharap ng pintuan ay bintana. At siguro mas tamang sabihin na ang tanawin sa bintanang yun ang nakakatakot. Dun kasi makikita na may hagdanan pala dun Kasunod ng pangatlong kwarto ay isang mas maliit na pintuan. Kusa yung nagsasarado kaya may hook sa likod nun na ikinakabit para 'di magsara.Pagpasok ko dun, may kadiliman talaga at sa dalawang bintana na nasa right, makikita mo ang pader na pagkataas-taas na siguro 3ft. lang ang layo. At sa gilid ng katapat na bintana non, nandoon yung nakakatakot na hagdan na nakita ko. Madilim pababa non at may pintuan sa pinaka baba. Kapansin-pansin din yung napakaliit na rung sa bawat hagdan na pwede mong ikadulas kung di ka mag iingat...
Sa tapat ng pangatlong pintuan nandun yung pintuan patungong cr.
Kahit bago pa kami, syempre inaalam na rin namin yung ibang detail about sa bahay na 'yun. Nalaman namin na almost ten years walang tumira sa second floor. Kung meron man ay hindi ganun katagal at di pa umaabot ng taon.
LALAKING ITIM
Bago pa lang kami nun, nag open up si lola na katiwala ng bahay. Nag usap sila ni mama dun sa baba. Remember yung hagdanan na may pintuan? Papunta yung baba sa may bombahan o poso kung saan pwede maglaba pero enclosed pa rin sya sa bahay.
So nag open-up nga sya. Na may kapre nga daw sa bahay na yun. Kaya daw minsan yung aso nila bigla nalang magiingay ng parang natatakot o nasasaktan. May time daw na kinakausap daw sya ni lola kapag tanghaling tapat at sinasabing "hwag kayong maingay matutulog ako."
Sinabi rin ni lola na kung ano man ang meron sa mga nasa ibaba ay iba rin ang nasa second floor. Syempre, kumalat saaming lahat yung tungkol dun, medyo natakot kami. May time kapag nasa mesa kami may bigla na lang kaming maaamoy na nasusunog. Di namin mawari kung ano ba yon. Yung mesa kasi malapit sa terrace at kapag gabi mahangin. Maraming beses na laging may ganung amoy then sabi ni mama, baka daw nananabako yung kapre sa terrace o baka sa bubong. Nonetheless, kapag may ganun, dali-dali ko na lang isasara yung pintuan papuntang terrace para di na ko matakot.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.
