Outings

3 0 0
                                    

"MASAYANG OUTING NANAUWI SA KILABOT NA KARANASAN"

Meron akong binuong text clan nun, nag grandeyeball kami(nag oout of town, hiking, swimming etc.).

Birthday ko nun kaya nag ka yayaan kame mag swimming, isa sa mga OIC namin na nag sabi na dun nalang kame sa Bulacan meron daw silang abandonadong resthouse duon caretaker kuya nya dun so ayun since wala naman kameng ganun kalaking budget dun nalang namin naisipan mag get to gether
Pero sabi nya pwde daw kame mag pailang araw dun basta wag lang daw maingay so ako go lang

Araw na ng birthday ko, madaling araw palang bumyahe na kame pero nasabihan ko naman sila na wag mag ingay syempre respeto sa may bantay.  Nasa 20+ kame nun.
Sa bus palang ang ingay na nila wala kameng sariling service kaya nag comute kame, ang iingay nila may mga nag lalandian at may nag papatugtog pa ng speaker yung ibang pasahero mas ninais nalang manahimik kesa pakelaman kami.

Pagbaba palang namin ng bus bumili na kame ng food tapos alak
At dumiretso na kame sa subdivision, kaya medyo tahimik, pero ang weird ng pagkakatahimik nya. Di ko nalang pinansin ng malapit na kame laking gulat ko sa maniwala ka sa hindi subdivision ang katabi nya gubat

Bakod lang ang nagbububuklod sa gubat at subdivision, may maliit na gate at hallway papunta mismo sa bahay habang naglalakad kame ang dami ko ng napapansin like ang liliit ng mga naka tanim.
Pagdating namin sa bahay ang hugis nito ay  may apat na kwarto bunggalo lang sya (isang malawak na palapag or walang secondfloor)

Sa may kanan ilog sa kaliwang banda may abandunadong swimming fool malinaw yung tubig medyo nilulumot lang, pag sumilip ka ang daming tilapya.
Tapos napapalibutan na mga puno at  mga damo.
Nag pahinga muna yung iba, nagluluto ng kakainin . Yung iba busy sa paglilibot . Ako natulog lang subrang pagod sa byahe .

Pag gising ko 6pm na napansin kung nagiinuman na sila so ako kumain muna tapos naki jam sa kanila .
Nung medyo lasing na kame nagiingay na may nagtatawanan tapos nag tatakutan. Sabi ng caretaker ng bahay mga iho wag naman kayo masyadong maingay baka magalit sila kayo din.

Nung naubos na yung alak,
kanya kanya ng pahinga dahil sa dami namin nag dalawang kawarto kame, nag laro muna kame ng barahan ng iba ko mga kasama.
Dito nagsimula yung mga nakakakilabot na pangyayari, habang naglalaro kame biglang bumangon yung isang member naming babae. Kasi kalaro namin boyfriend nya. Tanong ng bf nya oh anong nangyari sayo ? Di lang kame pinansin bigla syang tumakbo sa pinto, pag bukas nya ng pinto biglang humangin ng malakas ang tansya ko nasa 1:30am na yun. Madaling araw tapos bigla syang nag wala nakakatakot ang dami na namin may hawak sa kanya ang lakas nya nakakatakot, nag boses lalaki sya ang tangi nya lang binanggit wag kayong maingay nag papahinga kame. Syempre lahat kame takot na takot na. Pinatawag namin yung mama nung caretaker. Nilapitan nya tapos binulungan sa noo. Saka sya tumigil sa pagwawala. Tanong ko ano ba nangyari,  sabi nung nanay ng caretaker matulog na kayo wag kayo mag hiwahiwalay at wag na kayong maingay, ayun kahit masikip at yung iba naka upo ng matulog mas ninais nalang namin mag sasama sa isang kwarto.

Kinabukasan ok naman ang lahat nagkayayaan kame mangisda sa tabing ilog . Yung iba nangangahoy tapos yung iba naghahanda ng pagkain, may napansin ako sa may kantuhan ng bahay nila may maliit na pinto binuksan ko may hagdan paakyat ng kisame . Nagulat ako biglang may nagsalita sa likod ko na kung mahal mo pa buhay mo wag kang aakyat jan,pag lingon ko yung caretaker kinilabutan ako isasara ko sana yung pinto bigla nalang may nagtutulakan paakyat sa taas tinutulak ako ng dalawang member ko na umaakyat gusto nila makita yung taas syempre sumama nako . Pag akyat namin nagulat ako may dalawang kwarto sa loob ng kisame. Naastigan ako kaya napatambay kame syempre tawanan,kwentuhan.
Di din kame nag tagal bumababa na din kame

Pag baba ko may nakita akong aso
Sabi nung caretaker alagang aso daw  dito yan, diko lang pinansin kahit ang weird nya tumitig sakin.

Kinagabihan naginuman kame . Basta ang huli kong natatandaan nung gabing yun nakita ko yung catetaker na palabas ng bahay tapos nun wala na nakatulog nako mga bandang 11:30pm naalimpungatan ako ginigising nila ako una di ko lang pinansin hanggang paulit ulit gising nila sakin. Pag tayo ko gising silang lahat sabi ko anong meron? Sagot nung caretaker . Bumangon ka dyan Balik ko bakit? Basta halika dito lumapit naman ako sabi nya ikot ka umikot ako. Sabi nya sge tulog kana ulit . Sabi ko parang mga tanga syempre dala ng kalasingan ko tapos mga ilang minuto napansin kong biglang bigat ng pakiramdam ko sabay gininaw ako, kinukumbulsyon na pala ako buti may dala akong gamot sa bag .

Kinabukasan nagising ako na nililibing nila yung aso tanong ko ano nangyari jan?
Sagot nila alam muba dapat patay kana ngayon sabi ko huh?

Kagabi nakita daw ako ng caretaker nakaupo sa upuan sa gilid ng bintana kaya daw galit na galit sya nung kumakatok sya at walang nag bukas ng pintuan, may isang member na nagising kaya sya naka pasok bungad nya ano bayan tulog tulogan sagot ng isang member(na kasama ko sa kwarto) kuya hindi kanina pa tulog yan kaya nagulat sya. Na gaya ka daw ako buti lang daw nakita nya at sinalo daw ng aso kamatayan ko .

Kinilabutan ako. Sabi ko oks lang yan bukas uuwi nadin naman kame.
Nangisda kame nun yung putik hanggang bewang ko tapos yung tubig hanggang kilikili ko kaya madali lang dakmain yung mga isda medyo nakaka pagod lang kasi mahihirapan kang humakbang, tapos na kame mangisda nun . Puro putik na katawan at muka ko kaya naisipan kong magbanlaw sa abandunadong swimmingpool mga alas 3 na ng hapon yun naaliw ako sa mga isdang lumalangoy .
May napansin akong isang isda ang ganda nya tignan - flowerhorn na isda. Yun yung nakita ko pinagmamasdan ko lang syang lumalangoy, nagulat nalang ako biglang may humaltak sakin paahon sa tubig . Para akong biglang naalimpungatan sa pagkakatulog, ramdam ko sarili kong basang basa ako napansin kong madilim na at ang isa pa sa nagpatayo sa balahibo ko nakita ko mga member ko umiiyak tanong ko bakit kayo umiiyak? Sabi nya kanina pa daw nila ako hinahanap hanggang sa natagpuan daw nila akong palutang lutang sa swimming pool na walang malay akala daw nila patay na ko. Tanong ko anong oras naba 10:30 na daw ng gabe kinilabutan ako tumayo ako sabi ko magimpake na kayo uuwi na tayo ngayon mismo.

Simula nun di na kame bumalik sa bahay na yun at tigilan ko nadin yung pag sali sa mga grupo.

×××××××××××××××

Batangas Outing

2017. Ininvite kami ng kabaranggay namin na mag swimming sa Batangas, masaya kami dahil 1st time nmin makakapunta dun.

5:00 pm ng bumyahe kami syempre padilim ng padilim at dose anyos lang ako nun so ayun ung driver namin is may katandaan na at jeep sinakyan namin.

7:00 pm na tinatahak namin ang madilim na lugar and mangilan ngilan lang tao na nag lalakad at bihira ng may sasakyan kya di traffic and walang kabahay bahay yung unang dinaanan namen, nakakatok wala man lang street light, puro puno at marami kaming nadadaanan na tulay. Sabi ng nakakarami kpag bumyahe ka raw nang gabi at may nadaanan kang tulay dapat bumusina kase baka may pumapara, yun driver namin marami kaming nadaanan na tulay pero d sya bumubusina.

8pm na nagtataka kami prang ang tagal tagal na makarating destinasyon namin at napagisipan namen siguro naliligaw na kmi, totoo nga naligaw ligaw na kmi. Napahinto kami sa madilim na lugar kase ayaw mag start ng jeep buti may tatlong kaming kasama na lalaki bukod kay manong driver,nag start din.

Kasama nmin yung pinsan kong si Pam 9 years old (nakakakita at nakakaramdam ng mga multo)
Nakabukas na ang lahat ng binatana sa jeep kc mainit. May nadaanan na naman kaming isang tulay, nakita ni Pam na may pumara samin na white lady at sige paren sa andar ni driver pero nung nalagpasan na yung tulay, nakita ni Pam nakatingin sa jeep namin yung white lady at base mukha nun ay galit daw, pagkalampas ng tulay muntik na tumagilid yung jeep namin at nangamoy gas na.
Natakot kami, pero tuloy pa rin ang biyahe namin. Kinontact na nila yung kabaranggay namin pinaalam na naliligaw na kmi lagpas na daw kami sa destinasyon, nag text yung ka baranggay namin derederetso daw kami may makikita kaming gasolinahan at ayun nakita kami ng kabaranggay namin tuloy paren ang kasiyahan at languyan.

Nung tinanong namin si manong driver kung bakit muntik na tumagilid yung jeep may lumiliko daw ng manibela.

- amethyst06

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon