Seklusyon.

6 0 0
                                    

Ako si Ybert taga Isabela, isang aspiring priest noong January 2001. So dahil parang deacon nga ako mayroon kaming activity. Actually di naman talaga seclusion tawag, para siyang retreat activity lang pero parang seclusion na rin. Kasi seclusion means to isolate someone or something right? At ganun yung activity namin.

Lima kaming deacons magkakasama nun, first time kami magkakakikala at nagmeet kami sa isang church sa Isabela at pinulong kami dun.

By 3pm nakaalis na kami dun at papunta na kami sa retreat house which is nasa gitna ng gubat (Bandang cagayan na siya actually). So nakarating kami dun 5pm na, barok ng daan sa gubat eh. Itsura ng bahay para siyang kastila na bahay na nasa gitna ng forest na walang katabing iba kundi puno. Isolated ka talaga sa city.

pumasok kami at andun na ang trainer namin (Isang pari rin siya). At binrief na niya kami habang kumakain. Sabi ni Father Dan (trainer) na ang purpose ng retreat namin (Na parang seclusion or isolation nga) ay to fight our inner temptation at para mastudy ang behavior namin when bored. Boring talaga kasi sabi pa ni father kinabukasan bawal na raw mag usap, tumingin sa labas, magbasa ng libro, etc at susundin mo lang ang daily activities nila na puro eat, pray, sleep. At 5 days yung retreat.

After ng briefing edi tuloy kami sa pagkain. Habang kumakain kami umuungol si Jay (Isa ring aspiring priest o deacon) na parang babae. So kinausap namin siya kasi bukas pa naman daw bawal tapos si Father Dan naman nakatitig lang samin, creepy nga eh. Tapos sabi ni Jay "Mayroon akong nakitang madre, maitim yung palibot ng mata niya nakatingin sakin, nasa hagdan siya kanina". Sa kainan kasi kita mo yung straight na hagdan at nasa east side siya ng kainan. Di nakatiis si Father Dan, nagbigay na siya samin ng tip:

Non-verbatim

Father: Meron talagang nagpaparamdam dito at yan ang misyon niyo dito kung gaano kalakas niyo sila kayang harapin. Nawa'y tulungan kayo ng Diyos.

So kaming ibang deacons di naman natakot kasi makaDiyos naman kami eh. 6:30pm na nun bumalik pa kami sa mga room namin. Bali one room per person kami.

Yung room ko may birhen sa tapat ng higaan ko, malaki siya as in parang size ng average christmas tree.Di ko na alam oras nito kasi bawal talaga gadgets dun kahit relo. Yung orasan nilang vintage din nasa labas eh pero feeling ko gabi na talaga yun like 9pm.

Matutulog na ako after ko magdasal nang marinig ko yung kahoy na parang nayupi. Yung tunog na parang may umapak sa kahoy (Kahoy lang sahig namin luma nga). Nag "eeng" talaga yung kahoy so nainterrupt yung pag aayos ko ng rosary sa bag, talagang napatingin ako pero wala naman. Nakahiga na ako, nakapikit na ako nang biglang may narinig ako, may nagdarasal na babae sa latin. So dumilat ako. Pagtingin ko sa birhen yung mata nung birhen nakatingin na sakin, eh dapat straight yun diba. Biglang bumaba yung mata niya sakin na nakatutok. Lumalakas yung nagdadasal at bigla siyang sumigaw "MAMATAY KAYO". Biglang gumalaw yung birhen paharap, nakatingin pa rin sakin (Imagine niyo yung malaki niyong birhen sa inyo gumalaw tapos walang ilaw, nakatingin pa sayo tapos may tunog ng kahoy pa).

Lumabas ako kaso paglabas ko may nakita akong madre sa hallway, nakatalikod siya eh tapos nanginginig. So sabi ko "Sister?" Kahit alam kong wala kaming madre na kasama. Tapos ang naririnig ko lang sa kanya dasal ng latin hanggang sa sinisigaw na niya ito. Nagdecide ako na bumalik sa kwarto kaso pagbukas ko ng pinto "MAMAMATAY KA" may sumigaw sakin at nasa harap ko yung birhen, as in sa pinto pagbukas ko. Ang laki niya, ang sama ng titig sakin so aaminin ko napaihi na ako nun.

Bumalik ako sa hallway, umiiyak na parang babae. Wala na yung madre dun, kumakatok ako sa pinto ng mga kasama ko. Pinagbuksan ako ni Dominick tapos sabi niya ano nangyayari sakin? Pagkatingin ko nakatayo yung madre sa likod niya malapit sa aparador, maitim yung gilid ng mata niya pabilog siya eh. Napaatras ako tapos alam mo ang nakita ko? Yung birhen nasa labas ng pinto ng kwarto ko. Nahulog yung Sto. Niño na hawak niya tapos bigla naman sumara pinto ng kwarto ni Dominick, as in balibag.

No choice ako, pumunta ako sa dulo ng hallway sa kwarto ni Father Dan. Pinatuloy naman ako ni Father at kinwento ko nangyari, lumabas kami pero pagkatingin namin wala na yung birhen. Nagdecide siya na magdasal kami ng sabay kaya kinatok namin bawat room. Ayos naman sila tapos yung kay Dominick naman di siya sumasagot sa katok kaya binuksan na namin. Pagkatingin namin natutulog siya ng mahimbing na parang walang nangyari. Nagdasal na kami sa chapel at after nun bumalik na kami sa mga kwarto namin at yung sa kwarto ko naman binaliktad ko na yung birhen (Nasa ayos na yung birhen pagdating ko kaya nagtataka talaga ako).

Nakatulog na ako nun at kinaumagahan mga 5am nagdecide ako na huwag ko na ituloy ang retreat. Kaya ihahatid ako ni Father Dan sa bayan (1 hour trip) bale nasa backseat ako ng sedan niyang luma at habang nasa biyahe, sabi niya "Katabi mo yung madre"

P.S. Di na natuloy pagpapari ko dahil sa ibang mga kadahilanan. Di ko makakalimutan yug mga araw na yun sa retreat...

Good Boy
Isabela.

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon