Messenger
Tara, Content!
Jan 5, 2021 AT 9:23 PM
Sinong naglagay ng box na ito sa kwarto ko?
Seen by everyone
9:25 PM
Kino: Ako.
Kanino galing ito?
Kino: Di ko alam.
Kino: Nakita ko lang yan sa gate kanina. Muntik ko na ngang itapon, nakita ko lang na may pangalan mo.
Jander: May secret admirer ka, Kuya? Haha!
Ulol!
Jander: Hahaha! Ayos din. Traditional ang gusto. Lol!
Yuan: Baka kasi di pinapansan ni Kairus sa chat, kaya ayan gumawa na lang ng letters. Hahaha!
Mga gago! Magsitahimik nga kayo!
Content tayo in 15 minutes.
Kino: Content, content daw, mga boss, pare, tsong! Hahaha!
Yuan: Basta 20k per minute, content na tayo.
Asa kang gago ka!
Kino: Ay, wag na lang. Laki ng ambag sa mga content, walang bayad? Boo!
Tangina mo, Kino! Huwag kang lalapit sa akin!
Yuan: Hahaha!
Seen by everyone
--
Messenger
Kino Velasquez
Jan 2, 2021 AT 11:24 PMKino...
Seen, 11:29 PM
11:31 PM
Kino: Yes, Boss Kai?
Kino: Anong kailangan mo sa kaguwapuhan ko?
Kino: Hahahaha!
Pota! Umpisa pa lang wala ng kwentang kausap.
Kino: Aba! Ako pa nga? Hahaha!
Yung box...
Kino: Hindi ko nga alam kung saan galing yan.
Kino: Tingnan mo na lang kung anong mga nakasulat.
Kino: Baka death threats na pala yan, sige ka.
Tangina mo!
Kino: Hahaha!
--
The photo above is not mine. Credits to the rightful owner.