14 - 100k Subscribers

122 10 1
                                    

February 7, 2020

Hi, Kairus!

I'm back at it again with another letter and video. At... ang featured video ngayon ay "100k subscribers."

Grabe, Kairus, I'm so proud of you. Congrats sa 100k subs! Pa-pizza ka naman. Haha! Alam mo ba, sobrang saya ko rin nang ma-hit mo ang 100k subscribers sa YouTube. Napasigaw rin ako kasabay mo nang makita mismo ng mga mata ko—sa vlog mo—na naka-100k subscribers ka na. Silver play button na! Yay! Walang halong biro, masayang-masaya talaga ako sa achievement mo.

You deserved that, Kairus. Lahat ng pinagpaguran mo, nagbubunga na. Nagkakaroon na ng resulta... ng magandang resulta. Pero sabi mo nga, nag-uumpisa ka pa lang. At... naniniwala ako doon. Alam kong malayo pa ang mararating mo. Ten million subs? Let's go! Haha! Nakakahinayang nga lang na hindi ko talaga naumpisahan ang journey mo, lalo na noong nag-uumpisa ka pa lang talaga. Medyo late na kitang na-discover, pasensiya naman. Pero it doesn't matter anymore. Ang mahalaga, ito na ako ngayon, isa na rin sa mga sumusuporta at naniniwala sa 'yo.

Pero bukod sa achievement mo ngayon, mas proud ako na ipinaglaban mo ang pangarap mo. Nabanggit mo rin kasi sa video mo na ito na ayaw ng tatay mo na mag-vlog ka. Gusto niyang gamitin mo ang tinapos mong course which is Civil Engineering, lalo na at lisensiyado ka na pala. Pero dahil ito ang passion mo at ito ang gusto mong gawin, ginawa mo pa rin. Hindi ka natakot na ipaglaban ang gusto at pangarap mo.

Ang nakakatuwa, hindi mo minasama ang gusto ng tatay mo para sa 'yo. Alam mo kasi na medyo traditional siyang mag-isip at iginagalang mo iyon. Ang gusto niya, trabaho ka sa ibang bansa, mag-ipon, saka magtayo ng negosyo, which is a good plan. Pero dahil nga iba iyong path na gusto mong tahakin, magalang mong inayawan ang gusto ng tatay mo.

"Akala natin minsan, kalaban natin ang mga magulang natin. Pero ang totoo niyan, concern lang sila sa atin."-Cong TV

Isa pa iyan sa nakakahanga sa 'yo, Kairus. Dahil nga parang against sa pagva-vlog mo ang tatay mo, hindi ka nawalan ng kumpiyansa sa sarili mo. Iyong pandi-discourage niya sa 'yo na wala ka namang mararating sa pagva-vlog mo, ginawa mong motivation para mas maging successful pa. At ito na nga, nagbubunga na iyon. Lodi ka talaga.

"Discourage to encourage or encourage to encourage." - Cong TV

How I wish na magawa ko na rin iyan—ang ipaglaban ang pangarap ko. Parang paulit-ulit na nga ako ng sinasabi sa 'yo, eh, 'no. Haha! Sorry naman. Kasi nga, karamihan ng vlogs mo, tungkol sa pag-abot sa pangarap kaya relate na relate ako.

Well, gustong-gusto ko na ring gawin iyan, actually. But I'm so weak. Hindi mo ako katulad. Takot akong mag-take ng risk. Kahit nga ang kausapin lang ang mga magulang ko, natatakot na ako, eh. Siguro kasi, magkaiba pa rin tayo ng sitwasyon. Ikaw kasi, kahit na sumuway sa mga magulang mo, hindi ka nila sinasaktan, physically and emotionally. Kaya masisisi ba ako kung takot akong magsabi sa mga magulang ko? Bukod sa takot, pagod na rin ako, eh. Napapagod na akong umasa na mamahalin ulit nila ako. Na pagbibigyan nila ako sa mga gusto ko.

Kaya ngayon, I'm just praying na bigyan Niya ako ng lakas at lakas na rin ng loob. I don't want to live in misery forever. Ikaw, ipagdasal mo rin ako, ah. Haha! Sana magawa ko na rin iyong mga gusto kong gawin. Sana maging katulad mo rin ako na maging matapang para mag-take ng risk.

Ayun lang! Congrats ulit sa milestone mo. Happy 100k subs ulit, Kairus. I'm proud of you. Hanggang sa susunod na letter at video.

-Live, laugh, love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon