73 - Mood

15 1 0
                                    

Messenger

Kairus Velasquez
MARCH 23 2021, AT 3:24 PM

Kairus!

Message me kapag nasa condo na kayo, ah. Ingat kayo.

Seen, 4:49 PM

4:51 PM

Kairus: Hey, Raya.

Kairus: We're home.

Yay! Buti naman.

Pahinga na rin muna kayo. I'm sure, pagod rin kayo sa naging byahe.

Kairus: Okay lang naman, sanay na. Saka, alam mo naman ang mga ito, parang hindi nauubusan ng energy. Haha!

Actually! Hahaha!

Hindi ko alam kung saan kinukuha ng Team Wam-Pataas ang energy nila.

Kairus: Hey, you're one of us na, okay? Wam-Pataas ka na rin, kaya don't exclude yourself.

Thanks, Kairus! Hindi pa rin ako makapaniwala, eh.

Kairus: Maniwala ka na. Haha!

Nothing is impossible talaga.

Kairus: Of course, lalo na when you believe.

Teka, parang kanta yun, ah. Haha!

Kairus: Nagkataon lang na kapareho ng kanta. Hahaha!

Wow, lulusot pa po siya, o. Haha!

Kairus: Aba, gumaganyan ka na sa akin, ah.

Joke lang! Haha!

Pero alam mo, minsan napapaisip ako kung saan mo nahuhugot yung mga words of wisdom na sinasabi mo.

Kasi naman, nang makasama ko na kayo, wala naman kayong ipinagkaiba on and off cam, eh. Sobrang kukulit nyo. Typical na magtotropa ba.

Pero na-realize ko rin after kong mapaisip na innate na yan sayo. Your intelligent, Kairus. Your words always hits hard. At dahil doon, marami kang natutulungan.

Kaya keep it up, lods. Haha!

Kairus: Bakit naging seryoso tayo dito? Epekto ba yan ng Cebu? Haha!

Maybe. Lol!

Kairus: Pero, Raya... Serious question.

Ano yun?

Kairus: How's your Cebu experience?

Sobrang saya! Sa sobrang saya, hindi ko ma-explain ang mga bagay-bagay. Basta ang alam ko lang, masaya ako.

And speaking of that Cebu trip, hindi lang siya basta tour o experience sa akin, Kairus. It's more than that.

Alam ko, paulit ulit na ako ng pasasalamat sayo, sa inyo. Pero hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo. Kasi mas naging memorable ang Cebu trip na yun dahil kayo ang kasama ko. Hindi ko alam kung magiging ganoon din ba kasaya ang mga bagay-bagay na naranasan ko kung hindi kayo ang nakasama ko.

Bukod sa mga bagong bagay na na-discover ko, that Cebu trip was a healing trip for me. For sure, matutuwa ang doktor ko sa next session namin sa mga ikukwento ko sa kanya.

Alam ko, may agam-agam at takot pa rin sa puso ko, pero nabawasan na yun. Nagawa ko na ulit ang mga bagay na dati kong nagagawa. At nagawa ko rin yung bagay na takot akong gawin.

And you were there, Kairus. Nandoon ka sa lahat ng oras. Nandoon ka para magbigay ng lakas ng loob sa akin. Nandoon ka para sabihin na kaya ko. Na subukan ko.

Masaya ako na ikaw ang kasama ko sa mga bagay na yun, Kairus. Mula nang mapanood ko ang unang vlog mo na pumukaw sa atensyon ko hanggang ngayon na nakakasama ko na kayo, nandyan ka. Maraming salamat, Kairus.

Hala, sorry. Ang dami ko na agad nasabi. Haha! Napadrama bigla. ✌

Kairus: Hiraya...

Yep?

Kairus: Tara, Baler tayo.

Ha?

Kairus: Punta tayo sa Baler.

Seen, 3:41 PM

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon