2 - Curiosity

323 18 3
                                    

Hi, Kairus!

Kung binabasa mo na ang sulat kong ito ngayon, I guess, I got your curiosity. Ibig sabihin, hindi ka na-bore sa mga nauna kong letters. Ibig sabihin, tama ang pagkakakilala ko sa 'yo. Ibig sabihin, you saw right through me. At ibig sabihin... nabasa mo iyong huling letter ko bago ito.

Kung nakaabot ka hanggang dito, siguro ay nagtataka ka na. Kasi, 'di ba, ilang beses kong sinabi sa 'yo na wala naman talaga akong balak ibigay sa 'yo ang mga sulat kong ito, pagkatapos ngayon, nasa kahuli-hulihang sulat ka na. Nakakahiya kasi talaga ang ilan sa mga nakasulat sa mga letters ko. I want to save my face from humiliation. But then again, naisip ko na hindi mo naman ako kilala, kaya okay lang naman siguro. At... hindi mo na rin siguro ako makikilala at makikita pa.

Hey, uulitin ko lang, hindi ako masamang tao. Kung dumating ka sa letter na ito, napatunayan ko naman na siguro ito sa 'yo. Lagi mong tatandaan na sobra ang paghanga ko sa 'yo. Lodi ka, eh. Alam mo na rin siguro at this point in time na naka-subscribe ako sa YouTube channel mo. Naka-ring din ang notification bell para alam ko agad kapag may bago kang upload na video. Naka-follow rin ako sa Facebook, IG, Tiktok at Twitter account mo. That makes me your fan, right?

Pero, Kairus, I'm not like your other fans. I'm different from them. If ever man na binabasa mo na nga ito ngayon, alam kong alam mo na kung bakit ako naiiba sa kanila. Napatunayan ko na siguro iyon sa 'yo. Hay, Kairus, sana hindi ka magalit sa akin. At sana, sabi ko nga sa last letter ko, hindi ka ma-guilty. Ewan, basta naisip ko lang na baka ma-guilty ka. I know you, kahit hindi pa tayo nagkakasama nang matagal. I got to know you by just watching your videos.

Ginawa ko ang huling letter na ito para magpasalamat ulit. Thank you sa mga words of wisdom na natutunan ko sa 'yo. Salamat sa pagpapasaya sa akin kapag sobrang lugmok na ako. Salamat kasi pakiramdam ko, naging espesyal ako kahit paano. Maramng-maraming salamat sa lahat, Kairus. Just keep in mind that you helped me... a lot. Sobrang napasaya at natulungan mo ako. And for that, I'm forever grateful to you.

Mag-iingat ka palagi. Keep smiling, Kairus. Keep soaring high!

-Live, Laugh, Love! ❤

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon