January 24, 2020
Hi, Kairus!
I'm back at it again with another letter and video. At... ang featured video ngayon ay "Home Alone."
Well, hindi na bago sa akin ito. Lagi naman akong mag-isa sa bahay, eh. Not literally, though. May mga kasambahay naman kami, pero hindi ko rin kasi sila gaanong nakakausap. Lagi lang kasi akong nasa kuwarto. Nasanay na kasi akong lumayo sa mga tao, I guess? Not literally, ah. I mean, hindi ako nakikipag-close sa ibang tao. Kasi masakit lang din naman kapag napalapit ako sa kanila, pagkatapos, mawawala rin lang naman sila. Either iiwan ko sila o ako ang iiwan nila.
Dahil doon, pakiramdam ko, nawawala ako. Walang mapuntahan, walang makausap. A lost star.
Anyway, tama ng drama iyon. Baka naman sabihin mo, umay na. Lol! Iyon, as usual, aliw na naman ang video mo na ito. Tawa ako nang tawa nang magluto ka nga, kaya lang nasunog naman. Pero in all fairness sa 'yo, ah, marunong ka ng mga gawaing bahay. Halatang maganda talaga ang pagpapalaking ginawa sa inyo ng mga magulang n'yo. Hindi kayo ini-spoil. Tinuruan nila kayo nang tama, sa gawaing bahay man o sa ibang aspeto.
Dahil sa napanood ko, parang gusto ko na ring gumawa ng mga gawaing bahay. Mind you, marunong naman akong maglinis. Kahit may mga kasambahay kami, ako ang naglilinis ng kuwarto ko. Minsan, ako na rin ang naglalaba ng mga damit ko. Hindi ko na lang ipinapaalam sa mga magulang ko dahil mapapagalitan sina Manang kapag nalaman nila iyon. Ang hindi ko lang talaga alam ay kung paano magluto. Kaya naman... pumunta ako sa kusina at nakitsika sa mga kasama namin sa bahay.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil gulat na gulat sila nang sabihin kong turuan nila ako kung paano magluto. Para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Siguro nasanay sila na lagi lang akong nasa kuwarto at hindi sila masyadong kinakausap.
Isa pa, para bang takot sila na anytime soon, puwedeng umuwi sina Daddy at makita ang ginagawa namin. Kaya para sa peace of mind nila, hindi na ako nakigulo, pero nanood ako sa mga ginagawa nila, at the same time, nakipagkuwentuhan ako sa kanila. Ramdam ko na medyo ilang pa sila sa akin. Natural na reaksiyon lang naman iyon. Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang mga reaksiyon nila. Pero sana, sa mga susunod na araw, huwag na silang mailang.
Nang matapos ang "cooking tutorial" namin, sumabay ako sa kanilang kumain. Ang saya pala talaga ng may kasabay kumain, 'no? Parang kayo ng pamilya mo, saka ng mga kaibigan mo. Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon ko lang ulit naramdaman na hindi ako nag-iisa. Na masaya pala talaga ang may kasama.
Pagkatapos niyon, wala na ulit akong magawa. Pahinga mode na rin kasi iyon ng mga kasama namin sa bahay, kaya ayaw ko na silang abalahin. Kaya naman bumalik na ako sa kuwarto ko at nag-isip kung ano pa ang puwede kong gawin. Tapos na akong mag-aral, wala rin naman ako sa mood manood sa Netflix o magbasa ng libro. I just watched some of your video clips-your interviews, to be specific.
At alam mo ba kung ano ang napansin ko? Sa bawat interview mo, hindi mawawala ang sagot mo kung gaano ka ka-passionate sa craft mo. Kung paano mo pinag-iisipan nang mabuti ang mga content na gagawin mo. Kung paano mo binibigyang buhay ang pangarap mo. And you inspired me again because of that. Right there and then, nakaisip ako kung ano pa ang puwede kong gawin habang mag-isa ako sa kuwarto ko.
I started to cover some songs. Wala pa akong mga gamit talaga para sa recording ng mga kanta, kaya naman, cell phone at laptop lang ang gamit ko. Gumawa ako ng paraan para makapag-cover ng mga kanta, just like you na gumawa ng paraan para makapag-vlog kahit kulang sa gamit. Walang mahirap na pangarap kung gumagawa ka ng paraan matupad iyon, 'di ba?
Kairus, ang saya sa pakiramdam habang kumakanta ako. Gumaan talaga ang pakiramdam ko. I felt happy, free and contented. Para akong nagkaroon ng panibagong dahilan para ipagpatuloy ang buhay. Sana, one day, makagawa rin ako ng sarili kong music at maiparinig ko rin iyon sa 'yo. Ikaw kasi ang inspirasyon ko. Yep, tama ka ng nabasa. I can say na... crush kita? Char! Well, yeah, siguro? Hanga kasi ako sa lakas ng loob mo para matupad ang mga pangarap mo. I want to be like you.
Sana... in time, magawa ko rin. Magawa kong tuparin ang mga pangarap ko. Hopefully, soon, hindi na ako isang lost star. Mahanap ko na sana ang kalayaang pangarap ko para sa sarili ko.
Hanggang dito na lang muna ulit. Hanggang sa susunod na letter at video ulit.
-Live, laugh, love