June 5, 2020
Hi, Kairus!
I'm back at it again with another video and letter. At ang featured video ngayon ay, "Secret Concert."
First of all, gusto kong sabihin na I'm praying para sa kaibigan n'yo na nakikipaglaban sa sakit ngayon. It must been hard for you and your friends since halos ilang buwan lang nang mawala si Marc sa inyo, and then, this.
Dati, hindi ako naniniwala sa kasabihang, "when it rains, it pours." Pero dahil sa mga pinagdaanan ko na rin naman, unti-unti akong naniwala diyan. Akala ko rin dati, positive ang meaning niyan, pero may nakapagsabi sa akin na kabaligtaran pala ang ibig sabihin niyan.
May mga panahon kasi talaga na susubukin ka ng tadhana at ni Lord. It is as if He's testing our faith. Yes, that's it. A test of faith. Iyong tipong sunod-sunod ang bato ng mga problema sa atin. Hindi pa nakakaahon sa isa, ito na ulit iyong panibagong problema. Nasa tao na lang talaga kung paano niya dadalhin ang lahat ng iyon.
That's why I'm proud of you, pati na rin sa mga kaibigan mo. Despite sa nangyayari sa inyo ngayon, sa problemang kinakaharap n'yo dahil sa kaibigan n'yo, hindi kayo naging pessimistic. Hindi kayo nagpakalugmok sa problema. Isa rin talaga iyan sa mga dahilan kung bakit hinangaan kita. Sa halip na malungkot, gumawa ka ng paraan para makatulong sa kaibigan n'yo na may sakit. At ito na nga, nag-organize kayo ng isang secret benefit concert para makatulong sa pagpapagamot niya.
Actually, hindi ko alam iyong concert na iyon. Sa nakalipas kasi na araw, naka-focus ako sa pag-aaral. Alam mo na, nagalit na naman kasi sa akin si Daddy. Kapag daw bumaba pa ulit ang grades ko, alam ko na ang mangyayari. Sermon na, grounded pa. At ayokong ma-grounded. Kasi, kapag nangyari iyon, paano pa ako makakapunta sa events n'yo, 'di ba? Hehe!
But... thanks to Daina-iyong classmate ko na naikuwento ko na sa 'yo-hayun, nalaman ko iyong tungkol sa secret concert n'yo. Alam mo bang namoroblema pa ako dahil nang malaman ko ang concert, sold out na ang tickets n'yo! Grabe din talaga kayo, eh, 'no? Pa-sikat na talaga! Lol! Pero mabuti na lang, reliable si Daina. May extra ticket siya. Kaya naman gora na kami sa secret concert na iyon. Siyempre, go push ako. Gusto ko kasing puntahan lahat ng event na mayroon ka. Ganoon kita ka-love. Char!
Katulad ng sa Tugtugan Fest, nakita ko sa video mo na ito ang behind the scenes bago ang concert. And I'm living with your BTS. Mas ramdam ko kung gaano kahalaga sa inyo at gaano n'yo kamahal ang kaibigan n'yo.
Nakita ko kung paano kayo nag-practice, kung gaano kayo kakabado para sa concert na ito dahil may paglalaanan kayo sa kikitain ng concert. Nakita ko rin kung paano umiyak ang kaibigan n'yo bago ang concert dahil sa pagmamahal at suporta na ipinaramdam n'yo sa kanya. Ang sarap at saya n'yong maging kaibigan, sa totoo lang. Sana all kaibigan n'yo. Haha!
Pero speaking of kaibigan, alam mo ba, I'm making a progress! Si Daina, constant ko na siyang nakakausap. Well, hindi masyado sa social media kasi hindi ko alam kung tina-track pa nina Daddy ang activities ko roon. Pero sa university, lagi ko ng nakakausap si Daina. Lagi na kaming magkasama.
Hindi na ako mag-isa lang, Kairus. And it really felt nice having a friend again. Nakaka-miss iyong pakiramdam na may nakakakuwentuhan ka about random things. Nakaka-miss na may nagke-care about your welfare. And I'm happy na may Daina na ako sa buhay ko. Pero... bukod kay Daina, gusto ko talaga kayong maging tropa. Haha!
Anyway, kung saan-saan na napunta ang kuwento kong ito. Hehe! Gusto ko lang sabihin na congrats sa successful secret concert n'yo.
As usual, ang galing n'yo na namang mag-perform. Talaga namang ginagawa n'yong parang last performance n'yo ang every performance. Malaking tulong na iyon sa pagpapagamot ng kaibigan n'yo.
Again, I'm praying for his fast recovery. Nothing is impossible with God. He is our greatest healer. Huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Huwag siyang mawawalan ng pag-asa. It is just a test.
Ps: Tawang-tawa ako habang binibilang n'yo iyong pera na kinita sa concert. Pa-suspense pa talaga kayo, eh. Mga loko talaga. Haha!
Ito na lang muna ulit sa ngayon, Kairus. Salamat ulit sa inspirasyon. Till next letter and video.
-Live, Laugh, Love