Hi! Sana mapakinggan n'yo yung background music. One of the most underrated inspiring song that I heard. Ayun lang. Enjoy reading! 💙
--
February 7, 2021
Kairus' Vlog Content
Wazzup sa inyo, mga trops! Today, today, today! Yes, today ay may kakaiba akong gagawin. Kakaiba kasi, haharap lang ako sa camera at magsasalita lang talaga. Magseseryoso muna tayo. Time out muna tayo sa mga kagaguhan. Hahaha! Huwag na kayong magulat. Huwag na kayong makisali sa akin, ah, kasi nagulat na ako para sa sarili ko. Hahaha! Minsan lang naman ako magseryoso, kaya hayaan n'yo na muna ako. Ayos ba iyon? Okay, okay. Umpisahan na natin ito!
So, today, today, today! Today ay magkukuwento lang ako sa inyo. Ang tanging gagawin n'yo lang ay ang makinig at siyempre, manood. Haha! Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sisimulan ito. Medyo kabado rin ako to post a content like this, siyempre, nasanay kayo sa puro kagaguhan ko, 'di ba? Hahaha! But I have to do this. I know, I have to.
(Legend on the background)
Wow! Siryus! Hindi bagay sa 'yo, Kuya Kairus. Hahaha!Pota! Manahimik ka diyan, Legendary! Sasamain ka sa akin. Alis! Umalis ka! Ang daming panggulo! Mga walang bilang!
Okay, balik tayo sa video ko, mga trops. Well, mula nang pumasok ako sa mundo ng vlogging, marami na rin akong na-receive na messages telling me that I helped them ease their boredom. Grabe lang, ganoon na ba nakakatawa ang hitsura ko? Pogi naman ako, ah. Hahaha!
(Kino on the background)
Ulol! Nangangarap ka na naman nang gising!Bakit ba ang daming mga panggulo? Palibhasa mga wala kayong kuwenta! Magsialis nga kayo dito! Alis!
So, mga trops, pasensiya na. Gusto ko talagang magseryoso, pero pinipilit ng mga gagong ito na maging masamang tao ako ngayong araw na ito.
Anyway, back to I was saying. Iyon na nga, iyong mga messages na natatanggap ko galing sa inyo. Iba-iba ang dahilan kung bakit kayo nagpapadala ng message. Iyong iba, sinasabi na may mga natutunan talaga sila sa mga content na ginagawa ko. Hindi ko alam kung ano ang natutunan n'yo. Kung kagaguhan lang ba o ano. Hahaha!
Yes, I read your messages, hindi nga lang lahat kasi, alam n'yo na, medyo busy rin sa buhay. Hindi ko rin ma-reply-an isa-isa ang messages n'yo, pero iyon nga, nababasa ko naman. And I really appreciate every message. Wala namang Kairus sa mundo ng YouTube kung wala kayo, eh. Kaya naman sobra akong nagpapasalamat sa inyo. Iyong iba, mga nagpupunta pa talaga sa mga event na para sa akin para ipaabot ang appreciation nila sa akin. Ang surreal sa feeling, sa totoo lang.
(Jander on the background)
Nakakaiyak naman iyan, Kuya! Anong naisip mo at ganyan ang content mo? Wala ka na bang mai-content? Sawa ka na bang manggago? Hahaha!Teka lang, mga trops. Hihinga lang ako nang malalim. Pipilitin kong hindi makapatay ng kapatid at mga pinsan, okay?
(Maze on the background)
Huwag mo na kasi silang pansinin, Kuya. Ipagpatuloy mo na ang sinasabi mo. Naku-curious ako, eh. Baka sa huli, kagaguhan lang din kasi ang content na ito. Hahaha!Okay, sige. Kunwari, wala na lang akong naririnig. Mga kingina talaga ang mga tao dito, eh. Kapag hiningian mo ng ambag sa content, mga ayaw makisali. Kapag naman hindi ko kailangan, saka mga nakikisali. Mga gago talaga!
Nasaan na ba ako sa sinasabi ko? Ah, yes, your messages. I'm overwhelmed sa dami ng nare-receive kong messages araw-araw. Kaya nga iyong iba, hindi ko pa nababasa. Pasensiya na, mga trops. Hindi ko naman intensiyon na hindi kayo pansinin. Sana maintindihan n'yo na may buhay rin naman ako outside vlogging, kaya talagang medyo kulang na ang oras para mabasa ko ang lahat ng messages n'yo via social media.