37 - Cooking Show

81 9 3
                                    

July 3, 2020

Hi, Kairus

I'm back at it again with another letter and video. At ang featured video for today ay, "Cooking Show."

Alam mo, Kairus Cross Velasquez, ang cute-cute mo... lalo na kapag napipilitan kang magluto. Haha! In all fairness sa mga kapatid mo, hindi sila nagba-back down sa 'yo kahit halatang napipilitan ka lang sa pakulo nilang cooking show sa mismong channel mo. Tawang-tawa ako dahil masama na ang tingin mo sa kanila, pero sila, tinatawanan ka lang.

Well, kahit ipinapakita mo na parang napipilitan ka lang, alam ko naman na deep in your heart, gusto mo ring gawin ang mga ipinagagawa nila. I can see the happiness in your eyes while you're looking at your siblings. Not only the happiness, but the love you have for them. Kita ko ang pasimple mong ngiti kapag hindi sila nakatingin sa 'yo. Napapa-sana all na lang talaga ako. Haha!

Nakakatuwa kayong panoorin, actually. Nakaka-good vibes na makita kayong tulong-tulong na nagluluto kasi alam kong hindi lang iyon for content, nagluluto kayo kasi iyon talaga ang kakainin n'yo for that day. Hindi na kayo umaasa sa kasambahay n'yo. Two in one ang purpose ng video mo. What a content.

Anyway, dahil sa cooking show n'yo, parang gusto at sinipag din tuloy akong magluto. Bukod sa na-inspire ako ng cooking show n'yo, special din kasi ang araw na ito para sa akin. Birthday kasi ni Kuya. I'm a bit sad, but at the same time happy. Nakakalungkot kasi wala na siya to celebrate his special day. Pero masaya na rin ako kasi alam kong masaya and at peace na siya kung nasaan man siya ngayon.

Ayun na nga, para i-celebrate ang birthday ni Kuya, nagplano akong magluto. Nanood ako ng cooking tutorial kung paano lutuin ang karekare at paella kasi iyon ang paborito ni Kuya. Siyempre, nagpatulong din ako kina Manang. Alam mo na, hindi pa naman talaga ako sanay magluto. Hehe! Satisfied naman ako sa kinalabasan at lasa ng niluto ko, err namin pala. Haha!

Then, after that, I decided to visit my brother. Taon-taon ko namang ginagawa iyon. Espesyal nga lang this year since ipinagluto ko nga siya. Mag-isa lang ako since... alam mo na, lagi namang missing in action sina Daddy. Oops, baka nagtataka ka, ah. From the province, ipinalipat ng parents ko ang grave ni Kuya, kaya mas mabilis at madali ko siyang nabibisita.

Pero alam mo, Kairus, nagulat ako pagdating ko roon. Actually, hindi pa ako nakakapasok sa museleo ni Kuya, napatigil na ako. Nakita ko kasi doon sina Mommy at Daddy. May dala rin silang flowers and foods for Kuya. And they are talking, iyong parang kinukuwentuhan nila ang kapatid ko.

Masaya ako for Kuya, Kairus. That's the truth. Masaya ako na hindi nakakalimutan nina Daddy ang espesyal na araw ng kapatid ko. But I must admit, I'm deeply hurt as well. Kasi, pupunta naman pala sila kay Kuya, pero bakit nila ako isinama? Ni hindi man lang nila ako tinanong kung gusto ko bang sumama.

I'm stuck on were I'm standing for a couple of seconds. Then, nagtago ako para hindi ako makita ng parents ko. Hinintay ko silang umalis bago ako lumapit kay Kuya. At nang kausapin ko ang kapatid ko, I'm in tears. Birthday niya, pero hindi ko napigilan na maglabas ng sama ng loob. Ang sikip kasi ng dibdib ko, eh. Kapag hindi ko iyon naiiyak, baka kung ano pa ang mangyari sa akin.

Hala, pasensiya na, nauwi na naman sa dramarama ang sulat ko. Ang bottom line lang naman talaga dito ay ang suwerte mo sa mga kapatid mo, at ganoon din sila sa 'yo. Naniniwala ako na darating ang panahon na babalik din kami ng parents ko sa ganyang samahan. I'm hoping and praying for that to happen.

Wala namang perpektong pamilya, 'di ba? We argue, we fight, we even stop talking at times. But in the end, family is family. Nandoon ang pagmamahal kahit anong mangyari.

Ayun lang naman ang kuwento ko ngayon. Oha, I'm full of positivity kahit nasasaktan ako. Sana proud ka sa akin. Haha! Till next letter and video ulit.

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon