80 - Worried

11 2 0
                                    

Messenger

Maze Velasquez
APRIL 17 2021, AT 10:24 PM

Maze: Kuya!

Seen, 10:33 PM

10:41 PM

Bakit?

Maze: Tagal mong mag-reply!

Ano bang kailangan mo?

Maze: Sungit mo talaga. Tsk!

Maze: Kumusta si Ate Raya?

Seen, 10:46 PM

10:48 PM

Sabi ng parents niya, okay naman siya.

Maze: Bagal talagang mag-reply.

Maze: Hindi ka pa rin kinakausap?

Hindi.

Maze: Awts, sad. Huhu!

Kung mang-aasar ka lang, tumigil ka na.

Maze: Huy, hindi, Kuya!

Maze: Nagtatanong lang ako kasi, di ba, birthday na ni Ate Raya next week?

Maze: May plano ka ba para sa araw na yun?

Hindi ko pa nga alam.

Maze: Eh? Totoo ba, Kuya?

Maze: Kasi sa pagkakakilala namin sayo, hindi ka ganyan. Hindi ka naghahanda para sa sarili mo, pero naghahanda ka para sa ibang tao, lalo na sa mga taong malalapit talaga sayo.

Iba ngayon, eh. Lalo na sa sitwasyon ni Raya ngayon.

Maze: Ahm... Ano na bang balita, Kuya?

Maze: Pwede ko bang malaman?

Lagi naman akong nagtatanong sa parents ni Raya kung kumusta na siya. Hindi ko kasi pinipilit si Raya na kausapin ako, lalo na ngayon that she needs time. Ina-update naman nila ako.

Sabi nila, everytime raw na makakausap nila si Raya, lagi niyang sinasabi na she's certain that that guy is her brother. Noong una kasi, ang sinabi lang niya sa akin, sobrang kamukha raw ng kapatid niya yung lalaking nakita namin sa Baler.

She's anxious na that time, pero hindi niya ipinagpipilitan na kapatid niya yun. Pero iba na ngayon. Paulit-ulit daw siya ng sinasabi kahit na regular niyang nakakausap ang doktor niya.

Pero okay naman daw si Raya. Hindi naman na katulad dati. Yun nga lang, lagi ngang bukambibig yung lalaki sa Baler.

Kaya nag-suggest ako sa parents ni Raya na kung puwede at available sila, puntahan na namin iyong lalaking sinasabi ni Raya na kuya niya. Para ma-clear na talaga once and for all.

Maze: And?

Pumayag naman sila kaya pinuntahan namin last week yung lalaki sa Baler.

Maze: Kaya pala bigla kang umalis last week!

Maze: What happened?

Nagulat sila ng makita si Dylan. That's what the guy's name. Tapos umiyak na si Tita habang tinititigan si Dylan. Tapos sabi niya, alam na niya kung bakit ganoon ang sinasabi at nararamdaman ni Raya. Kasi ganun din daw siya. Ramdam na ramdam daw niya yung lukso ng dugo.

Tapos napag-alaman namin na ampon pala si Dylan ng mag-asawang lokal sa Baler. Lalong lumakas ang paniniwala nilang si Dylan nga ang kuya ni Raya ng sabihin nilang hindi pala nakakaalala si Dylan. Nagka-amnesia raw siya.

Matagal ang naging pag-uusap nila kasama na yung kinikilalang mga magulang ni Dylan. Hanggang sa napagkasunduan nilang ipa-DNA test si Dylan.

Maze: And? May result na ba yung DNA test?

Wala pa. Bukas pa malalaman.

Sasamahan ko ulit sina Tita bukas.

Maze: Grabe! What a sudden turn of events.

Maze: Hoping na maging maayos ang lahat regardless of the result of the test, lalo na at malapit na ang birthday ni Ate
Raya.

Sana nga.

Maze: Balitaan mo ako, Kuya.

👍

Seen, 11:06 PM

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon