61 - Of Songs and Worship

47 5 0
                                    

March 7, 2021

Hiraya’s Blog Post

Of Songs and Worship by: Keep the Faith
2 days ago— 4-minute read

Read More >>

I’ve been emotional lately. Hindi ko pa rin akalain na magiging ganito ang takbo ang buhay ko ngayon. Sobrang saya ko sa mga nangyayari sa akin these past few days. Iyon bang pagkatapos ng bangungot na dumating sa akin, isa namang magandang panaginip ang sumunod.

I’m really thankful na dumating sa buhay ko ang Team Wam-Pataas. They became my light, especially Kairus. Sobrang laki talaga ng naitulong ni Kairus sa akin. Of course, I won’t forget Daina. Hindi niya ako iniwan noong mga panahong kailangan ko ng kaibigan. At hanggang ngayon, nandiyan pa rin siya to support me.

Anyway, ikukuwento ko lang din iyong nangyari noong YouTube Fanfest. It was a superb experience, as in! Actually, first time kong pumunta sa pa-event na iyon ng YouTube. Salamat kay Kairus, na-experience kong makisaya roon. One of the very best nights with Team Wam-Pataas.

Pero alam n’yo kung ano ang highlight nang gabing iyon? It’s when Kairus asked me to sing with him on the stage. Sandali akong hindi nakagalaw noon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagulat ako nang sobra. Hindi ko akalaing gagawin niya iyon. I mean, it’s their performance, pero isinali niya pa rin ako. Para mapasaya ako. And it means a lot to me.

Siyempre, may mga taong natuwa, mayroon din namang maraming say sa nangyari. Though naiintindihan ko naman iyong concern ng iba since para din naman sa akin iyon.

“Bakit parang binigla naman ni Kairus si Hiraya?”

“Halatang hindi prepared si Hiraya nang tawagin ni Kairus.”

“Okay lang kaya si Hiraya? Mukhang mahiyain pa naman siya.”

Ilan lang iyan sa mga nabasa naming comments after ng event. I appreciate their concerns, really. Pero naisip ko, bago nga pala kami pumunta sa event, nagtanong na si Kairus sa akin kung ready ba akong kumanta if ever. Isa na pala iyon sa mga pakulo na naiisip niya. Hindi ko man lang natunugan iyon. Ang dami talagang alam ng lalaking iyon at ang galing niyang magtago.

Well, sa totoo lang, ibang-iba ang pakiramdam ko nang gabing iyon. I’m nervous, of course, pero lamang ang excitement, eh. At hindi ko naman pinagsisihan na pagkatapos ng ilang minutong pagkatulala at pagkagulat ay pumunta rin ako sa stage para kumanta. Sharing the stage with Kairus… nakaka-overwhelm talaga.

What made me the happiest that night is what we sang. Yes, tinupad ni Kairus ang wish ko na maka-duet siya. At tinupad rin niya ang wish ko na kantahin namin ang One Way Jesus ng Hillsong. Gustong-gusto ko kasi talagang kantahin iyon with Kairus mula nang mapanood ko ang vlog niya na kinakanta niya iyon.

Hindi ko alam kung napansin ng mga tao nang gabing iyon, pero umiiyak ako habang kumakanta kami. Sobrang overwhelming talaga sa pakiramdam na naiyak na lang ako. Tears of joy, definitely. Hindi na lang kasi ako basta nanonood kay Kairus habang kumakanta siya, kasama na niya ako habang nagwo-worship kay Lord. And my heart is filled with overflowing happiness because of that.

Pero bukod sa hindi maipaliwanag na saya… may iba pa akong naramdaman nang gabing iyon. The moment our eyes met while we’re singing, my heart skips a beat. Then, realizations hit me like a thunder.

The man who’s singing beside me… I love him. Mahal ko na si Kairus.  Hindi na pala simpleng crush lang ang nararamdaman ko sa kanya. Lumago na pala iyon the past few days. Iyong admiration ko sa kanya from the start, nag-evolve nan ang hindi ko namamalayan.

And I’m sure na mahal ko siya hindi dahil napapasaya niya ako noong mga panahong nasa dilim ako. Mahal ko siya hindi dahil ilang beses niya akong iniligtas nang palubog na ako sa kumunoy. Mahal ko siya hindi dahil tinutupad niya iyong mga sinabi kong gusto kong gawin at maranasan. Mahal ko siya dahil iyon ang sinasabi ng puso ko.

Kaya nang matapos ang pagkanta namin, umiiyak pa rin ako. Nakita ko pa ang pag-aalala sa mukha ni Kairus. He asked me kung okay lang ako since nakita niya ang pag-iyak ko.

Of course, I said I'm okay. Kasi, okay lang naman talaga ako, eh. Kaya sinabi ko na huwag siyang mag-alala. Na kaya ako umiiyak ay dahil masaya ako. Mukhang nakahinga naman siya nang maluwag. Nakita ko pa ang pagngiti niya na umabot sa mga mata niya.

Sa totoo lang, pagkatapos nang gabing iyon, hindi ko alam ang gagawin ko. Mukhang okay lang ako habang kumakain kami after the event at nang pauwi na kami. Pero sa loob-loob ko, hindi ko na alam kung paano ako kikilos sa harap ni Kairus.

May takot sa puso ko, eh. We're just starting. I mean, iyong friendship na nabi-build ko with him at sa buong Team Wam-Pataas. Masaya ako kapag kasama ko sila. Kaya hindi ko mapigilan na hindi mangamba na baka makasagabal sa happiness ko ngayon ang newly discovered feelings ko for Kairus.

Kaya humihingi ako ng guidance ni Lord. Alam ko naman na hindi Niya ako pababayaan. Sabi nga sa lyrics ng One Way Jesus...

“You are the way, the truth and the life. I live by faith and not by sight for You, we’re livin’ all for You…”

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon