38 - Endorsement

65 10 3
                                    

July 10, 2020

Hi, Kairus

I'm back at it again with another letter and video. At ang featured video for today ay, "Endorsement."

Alam ko, ilang beses ko ng nasabi ito sa 'yo, pero hindi ako magsasawang ulit-ulitin. Sobrang proud ako sa lahat ng achievements na nakukuha mo ngayon. Grabe iyong blessings na dumadating sa 'yo. Ibang klase! Pero hindi na ako magtataka kung bakit ka pinagpapala ngayon. You work hard for your dreams and now, you're earning the fruit of your labor.

Super deserve mo iyan, Kairus. Masaya ako na natutupad mo na lahat ng pangarap mo. Tamang-tama talaga para sa 'yo ang kasabihang, "started from the bottom, and now I'm here." Hindi naman talaga tayo magkakilala personally, pero proud na proud ako nang mapanood ko ang endorsement mo ng isang kilalang phone brand. At hindi lang iyon basta endorsement, kayo rin ang kumanta ng theme song para sa commercial ng brand na iyon. Lodi kang tunay!

Nakaka-amazed rin talaga ang talent mo. Ang bilis mong makaisip ng mga tamang salita para sa lyrics ng mga ginagawa mong kanta, samantalang ako, inabot ng ilang araw para makabuo ng kanta.

Yes, you read that right. Nagsusulat na rin ako ng kanta. Ang laki ng impluwensiya mo sa akin, eh. You inspired me to aspire my dreams. At iyon ay ang music. So from covering different songs, nag-umpisa na rin akong bumuo ng kanta. Actually, hindi pa siya totally buo, pero may nasulat na ako. At nahihiya man ako, gusto ko itong i-share sa 'yo.

Wait, here it goes:

Parang simpleng bata na di pa malaya
Kaya nasulat ang kantang walang tugma
Ngunit naniniwalang unti-unting matutuwa
Ang mga matang pagod ng lumuha

Nag-iisa, nag-iisip, nag-aalala
Wag kang matakot, lumaban ka
Naniniwala akong may araw na sisikat
Para sa 'yo at sa ating lahat

Dalawang daan ang pwedeng pagpilian
Ang magpatuloy o ang sumuko na lang
Di ka nag-iisa, kaya sige lang
Walang imposible, maniwala ka lang

Wag mawalan ng pag-asa hanggang humihinga
Laban lang, laban pa...

Sobrang saya ko na sa nasulat kong iyan. Proud na proud ako sa sarili ko. Parang for the first time, may nagawa akong tama for myself. May nagawa akong ikinatuwa ng puso ko. OA man, pero parang nasa cloud nine ang pakiramdam ko nang masulat ko iyan.

Sana proud ka rin sa akin. Sana kahit ikaw man lang, maging proud sa nagawa ko. Kasi, ang mga magulang ko? Hindi, eh. Haha! Ang sad, 'no? Kasi, sila ang unang dapat maging masaya sa nagawa ko. Pero wala, eh. Sa halip na purihin ako sa maliit na achievement na nagawa ko, nagalit pa sila sa akin.

You're a good person, Kairus. You have a good heart. Hindi ka nagdadalawang-isip na tumulong kapag may lumapit sa 'yo. Hindi ka rin nakakalimot sa lahat ng mga nakasama mo mula nang mag-umpisa ka. Kasama mo talaga sila sa pag-angat. And you're an angel in disguise. You're my angel in disguise. You're keeping me sane. Pero parang sa pagkakataong ito, hindi mo ako matutulungan. Kahit anong gawin kong panonood ng mga videos mo ngayon, hindi nawawala ang bigat sa dibdib ko. I'm sorry for feeling this way.

Katulad ng sinabi ko, nalaman ng parents ko ang ginawa kong kanta. Nalaman din nila ang paggawa ko ng cover songs. At iyon na nga, sa halip na matuwa, nagalit pa sila. Okay lang, sanay na ako sa galit nila. 'Sus, ano pa ba iyong galit nila ngayon, 'di ba? Para namang may bago pa diyan. Masama pa nga ang loob ko dahil sa nangyari last week, eh. Noong birthday ni Kuya, tanda mo pa?

Pero, Kairus, iba iyong sakit ngayon. Alam mo kung bakit? Dahil sa mga sinabi ni Daddy. Ramdam ko naman na mas gusto at mas mahal nila si Kuya kaysa sa akin. Pero ang sakit-sakit marinig mismo sa bibig ni Daddy iyon. Alam mo kung ano ang sinabi niya?

"Kung buhay lang sana ang kuya mo, mas magiging maayos ang pamilya natin. Kasi magaling, matalino, masunurin at madiskarte ang kuya mo, hindi katulad mo. Pagkanta? Anong mapapala mo diyan? Sana hindi nawala ang kuya mo. Sana ikaw na lang ang nawala."

Ang sakit, 'di ba? Haha! Parang hindi ako nakahinga nang marinig ko iyon, Kairus. Right there and then, para akong pinatay ng mga salitang iyon. Para iyong latigo na lumatay sa puso ko.

Sana nga ako na lang ang namatay. Sana si Kuya na lang ang nabuhay. Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit. Alam mo ba kung paano? Please, sabihin mo sa akin. Gagawin ko ang lahat mawala lang ang sakit na nararamdaman ko.

I can't write my outro right now, I'm sorry. I can't live right now. Para kasing namatay na ang puso ko. I can't laugh right now. Kasi walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. And I just can't love right now. Kasi wala rin namang nagmamahal sa akin. Instead, I will leave you with my name. My name means, fruit of one's hope, dreams and aspirations. Pero ewan ko ba, parang nawawalan na ako ng pag-asa. Haha!

Thank you, Kairus. I will be forever grateful to you.

-Hiraya

--

Note: Sariling gawa ko po yung tula sa taas. 😊

Thank you po for reading!

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon