8 - Bonding

127 13 0
                                    

January 10, 2020

Hi, Kairus!

I'm back at it again with another video and letter. Hehe! At... ang feature video ngayon ay ang "Bonding."

Sobrang good vibes lang ng video mo na ito. It's all about family. Your family in particular. Ang saya n'yo lang panoorin habang kumakain kayo nang sama-sama. Iyong nagkukuwentuhan kayo at nag-aasaran habang masayang kumakain. Para lang kayong magkakaibigan habang nag-aasaran. Hope all. Lol! Iyong tipong may pamilya ka na, may mga kaibigan ka pa. Iyong sasamahan ka, sa saya o lungkot na nararamdaman mo. Iyong maiintindihan ka kahit ano pang kalokohan ang maisip mo.

Teka, maiba ako nang kaunti. Ang cute ng mama mo! Nagtatakip pa talaga siya ng mukha dahil ayaw makita sa video mo habang kumakain. Haha! Ikaw naman kasi, napakakulit mo. Kumakain nga naman kasi siya. Iyong papa mo naman, ang cute din. Gusto laging mag-shout out sa mga kakilala niya. Pa-shout out nga rin ako. Puwede ba? Kahit shout out lang, lods. Haha!

Alam mo ba, simula nang lumipat kami dito sa city, hindi ko na naranasan na makasabay sa pagkain ang mga magulang ko. Either nakaalis na sila paggising ko o tulog na ako pag-uwi nila. Kapag weekend naman, umaalis din sila. Halos hindi na nga sila dito nakatira. Our house was not their home anymore. Para bang uuwi na lang sila para may matulugan, ganoon!

Oops, huwag kang magtaka kung paano nila ako napapagalitan o nasasaktan kapag may nagawa akong mali samantalang sabi ko nga, halos hindi ko naman na sila nakikita. Well, ginigising nila ako—particularly my dad—para lang saktan at pagalitan. Oha! Ang galing talaga nila, 'no? Nakakagawa pa talaga ng paraan para lang masaktan ako. Haha!

Well, ang totoo niyan, hindi naman sila dating ganyan, eh. Pero may isang pangyayari na nakapagpabago sa buhay namin. Isang pangyayari na para sa akin ay isang bangungot na sana... sana hindi na lang nangyari. Kaya naman ngayon, ganito na kami. Minsan, hindi ko mapigilang sisihin ang universe kung bakit nangyari iyon. Eh, di sana, hindi ganito ang sitwasyon namin ngayon, 'di ba? Sana katulad rin ng pamilya n'yo ang pamilya namin.

Alam mo ba, naiinis na nga ako sa sarili ko kasi hindi ako masanay-sanay. Ilang taon na rin naman kasing ganito ang pamilya namin. Pero alam mo iyon, hinahanap-hanap ko iyong dati kami. Iyong masaya at nagmamahalan din, tulad ng sa pamilya n'yo.

Hindi ko tuloy maiwasang mainggit nang slight. Alam kong masama ang magkaroon ng inggit sa katawan. Pero kasi, looking err watching pala your family sa mga videos na ina-upload mo, nakakainggit naman talaga, eh. Your family supports you. Nakikisali pa sila sa mga contents mo. Umaambag din talaga, eh. Haha! Sana ganyan din ka-supportive ang family ko sa akin, kaya lang hindi, eh. Bugbog pa ang inaabot ko. Ouch, 'di ba?

Teka, napa-drama na naman ako. Sobrang relatable kasi talaga nga mga videos mo, kaya hindi ko maiwasang mapaisip sa mga nangyayari sa buhay ko. It's like your videos are connected to my life. Itinadhana talaga na mapanood ko ang mga iyan.

So, ito na nga, mabalik tayo sa video mo. Ang cute lang nang sama-sama kayong manood ng pamilya mo ng A Walk To Remember. At sa kalagitnaan ng movie, nakaisip ka na naman ng kalokohan—na innate na yata sa 'yo. Tinanong mo ang lola mo kung buhay ba ang character ni Mandy Moore doon na si Jamie, then sabi niya, buhay raw.

Tawa ako nang tawa nang itanong mo kung saang universe ba nanood ang lola mo kasi binuhay niya si Jamie doon. Nakakadala ang tawa mo, nakakapagdala talaga ng good vibes. Ang kulit mo talaga. Haha! At aliw rin talagang panoorin ang lola mo. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung paano mo sila napapapayag na isali sa mga kalokohan mo. Lol!

Hay, hindi ko tuloy mapigilang i-wish na sana, may makasama na rin akong manood ng movie next time. Ilang taon na rin kasi akong nanonood ng sine nang mag-isa. Mind you, patakas pa minsan iyon. Not that I'm complaining. Masaya rin namang manood ng sine nang mag-isa, kaya lang, nakaka-miss din naman ang feeling ng may kasama. Alam mo kasi, hindi ako malapit sa classmates ko ngayon, kaya lagi lang talaga akong mag-isa. Ang hirap lang din minsan. Pasali naman ako sa tropahan n'yo, o. Joke! Haha!

Ayun, hanggang dito na lang muna ulit. Gagawa pa ako ng projects, eh. Thank you sa hatid na good vibes, Kairus! Till next letter and video.

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon