5 - Lipad

154 15 8
                                    

December 27, 2019

Hi, Kairus!

How's your Christmas? I bet masaya kayong nag-celebrate ng family mo. Iyong sa akin, huwag mo ng tanungin. Haha! Dapat happy vibes lang tayo dito. Kaya punta na lang tayo sa video mo, okay?

As usual, naaliw na naman ako sa latest video mo na napanood ko. Ang title ay "Lipad." Nakakatuwa iyong effort mo na umakyat sa taas ng bubong n'yo para makapag-picture ka at magmukhang drone shot ang kuha mo. Wala kang arte kahit pa mainit dahil tanghaling tapat ka umakyat sa bubong.

Ang lakas din talaga ng mga trip mo, eh, 'no? Haha! Pero, naisip ko rin na hindi lang iyon basta trip. More of mas naisip ko na creative ka. Even if you don't have the means, wala ka pang drone, gumawa ka ng paraan. Ang galing mo sa part na iyan.

In all fairness, tama ka naman, kitang-kita sa video mo iyong creation ni God. Na-capture ng pagiging creative mo ang kagandahan ng paligid. Hindi nasayang ang effort mo na umakyat ng bubong. Nakaramdam ako ng peacefulness kahit paano. Iyong malawak na kalangitan, mga ibong lumilipad at bundok na tanaw pa rin sa bubong n'yo. Ang gandang pagmasdan, ang sarap lang titigan. Kaya naman ramdam kita sa part na napa-reminisce ka sa mga pangarap mo.

This video of yours, it's very inspiring. Ipinapa-realize ng video mong ito na kailangan mong "lumipad" katulad ng mga ibon para maabot ang mga pangarap mo. Na huwag kang matakot kung bumagsak ka man kasi it's part of the process. Kapag nag-fail ka, eh, di sumubok ka ulit hanggang sa makuha mo ang resulta na gusto mo, iyong resulta na pinapangarap mo. \

Na tulad ng mga puno sa kabundukan na nakikita mo diyan sa ibabaw ng bubungan n'yo, kailangan mong maging matatag. Bangon lang ulit kapag nadapa ka dahil sa mga pagsubok na haharapin mo para maabot ang pangarap mo. You just have to trust the process and of course, trust yourself. Kasi, mas masarap sa pakiramdam kapag alam mong nakuha mo ang gusto mo dahil pinaghirapan mo iyon.

Dahil sa video mo na ito. I realized something. Totoo iyong kasabihan na pangarap na lang ang walang bayad, kaya taasan mo na ang pangangarap. Iyong kahit medyo mahirap abutin, kaya pa rin, basta maniwala ka lang na makakaya mo. Sabi mo nga, "find the things you love." Doon kasi magsisimula ang pangarap mo. Sino ba naman ang may gusto na gawin ang mga bagay na hindi naman makakapagpasaya sa atin, 'di ba? So, dapat kasama sa mga dapat i-consider sa pangarap mo ang passion mo. Gawin mo kung ano iyong makakapagpasaya sa 'yo.

Alam mo ba kung ano ang pangarap ko? Share ko na, ah. Wala ka ng magagawa. Haha! Gusto kong maging singer. Sobrang saya ko kapag kumakanta ako. Ang gaan sa pakiramdam. Kaya lang, parang hindi na yata matutupad ang pangarap kong iyon. And it pains me. Always.

Ayaw kasi ng mga magulang ko sa pangarap kong iyon. Wala naman daw akong mararating kapag iyon ang pinili ko. So, instead of taking up Conservatory of Music, pinilit nila akong mag-take ng Business Administration. Wala naman akong magawa. Siyempre, sila naman lagi ang nasusunod, eh.

Hindi ako makapagreklamo. Mabuti na nga lang at kahit hindi ko gusto ang course ko ngayon, medyo matataas pa rin ang grades ko. Hindi kasi puwedeng bumaba ang grades ko.

Oy, hindi ako nagmamayabang, ah. Totoo iyan. Baka kasi sabihin mo, ang yabang ko. Pero kunsabagay, hindi mo naman ito mababasa. Hehe! Hmm, hindi kasi puwedeng bumaba ang grades ko, kundi lagot ako kay Daddy. Sasaktan ako n'on. Ay, secret lang natin ito, ah. Yes, sinasaktan niya ako kapag hindi ko nasusunod ang mga gusto niya. Lupet, 'no? Pero sanay na ako, eh.

Kaya sa ngayon, kahit gusto kong sundin ang pangarap ko, mukhang imposible pa. Ang hirap pa sa ngayon, eh. Wala pa akong guts para suwayin ang mga magulang ko. Siguro, in the future, makakaya ko rin, pero hindi pa sa ngayon. Mangangarap na lang muna ako, na in time, magagawa ko rin ang mga gusto ko.

Pero salamat nang marami, Kairus. You open up my mind that I can dream higher than the sky. At least ngayon, alam ko na mayroon akong mga pangarap na gustong maabot. Mahirap man sa ngayon, alam kong balang-araw, matutupad rin iyon.

Till the next video and letter ulit. Thank you for the inspiration, Kairus!

-Live, Laugh, Love

--

Featured song: I Believe by: Yolanda Adams. OST siya ng movie na Honey and one of my favorite song.

Enjoy reading, everyone. Comment down your thoughts. 😉

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon