71 - Of Travels and Take Aways

30 1 0
                                    

Hiraya’s Blog Post

Of Travels and Take Aways by: Keep the Faith
2 hours ago— 5-minute read

Read More >>

Hi, guys! How are you? How's your day? I hope you're all doing great. And... don't forget to be thankful for today, alright? Kasi nagising ka at isa na naman iyon sa mga blessing na natanggap mo. Kaya sabihin mo sa sarili mo, "Today, I am thankful."

Mornings are our constant reminder that we have a new day to live, kahit parang ang hirap ng mabuhay. Minsan, 'di ba, mapapatanong na lang tayo kung saan ba talaga tayo lulugar dahil ang dami nating isipin at alalahanin sa araw-araw. But just remember, He's always there to remind us that His mercy will be new and He's holding us tight. That whatever our problems are, it will be alright... in time.

Teka, naumpisahan ko na rin naman, ituloy ko na ito bago ako magpatuloy sa kuwentong Cebu ko. Haha! Sorry, I'm always "madaldal." Kung saan-saan napupunta ang kuwento ko.

Well, aaminin ko, kasabay ng pagpapagamot ko--meds, counselling and therapy--mas naging tight ang faith ko kay Lord. Pansin n'yo naman siguro iyon sa entries ko dito sa blogs ko, 'di ba?

Marami akong nababasa sa social media how often people commenting that we should pray hard para malagpasan ang  pinagdadaanan ng mga taong may mental health problems. Sure, tama naman sila that prayers really helps because the Lord is our greatest healer. Kaya nga sabi ko, 'di ba, mas naging strong ang pananampalataya ko sa Kanya. Kasi, alam kong tinulungan Niya ako noong mga panahong akala ko, hindi na ako makakaahon sa kumunoy at hanggang ngayon, alam kong lagi pa rin Siyang nakagabay sa akin.

Pero iyon na nga, hindi kasi natin puwedeng sabihin sa mga may problema sa mental health nila na magdasal lang, pagkatapos ay gagaling na sila. Ang mga tao kasing may mental health problems ay walang ipinagkaiba sa mga taong may sakit physically. Just like them, kailangan din ng pangangalaga, gamutan at therapy kasabay ng pananalangin na sana ay maging okay na ang lahat.

Bakit kaya ganoon? Laging may stigma kapag mental health na ang pinag-uusapan. Nakakalungkot lang. Kailangan ba laging visible iyong sakit para hindi masabihan na magdasal ka lang, magiging okay ka rin? People who have mental health problems have wounds that we cannot see. Mga sugat na mahirap ding maghilom kung hindi mabibigyan ng tamang treatment. Kaya sana talaga, matigil na ang stigma.

Teka, back to our Cebu trip na ako. Haha! Sobrang dami ko ng nasabi, eh. Actually, kagigising ko lang. Magandang umaga na rin pala sa inyo. Tulog pa ang mga kasama ko dito sa hotel room. Kaya sinasamantala ko ang pagkakataon para makapagsulat dito sa blog ko ngayon. Mukhang mga napagod sila sa activities namin kahapon.

Alam n'yo ba, nag-sky diving kami! Imagine that? Nagawa kong mag-sky diving! Nakaya ko! Isa na naman sa mga nasa bucket list ko ang nagawa ko. Gusto kong umiyak dahil sa tuwa. Sobrang overwhelming ng pakiramdam.

Pero bago ang kuwento tungkol sa skydiving experience namin, kuwento muna ng pagharap ko sa takot sa tubig ang gusto kong i-share sa inyo. Sana maging proud kayo sa akin. Haha! Kinaya ko. I'm getting there! I know, I'm getting there.

So, iyon na nga, nagpunta kami sa Hilantagaan Island at Virgin Island sa Bantayan after the little tour sa church at sa mangrove. Siyempre, noong una, naghe-hesitate na naman ako, pero ayaw ko namang ipahalata sa mga kasama namin. Sina Kairus at Daina lang kasi ang nakakaalam ng tungkol sa trauma ko sa tubig. Magkaiba kasi iyong trauma ko sa tubig kaysa sa takot ko sa heights.

Iyong sa heights, bata pa lang ako, takot na talaga ako doon. Hindi ko talaga kayang tumagal sa matataas na lugar. Nalulula ako. Feeling ko lagi ay mahuhulog ako. Hindi ako makahinga nang maayos. Pero iyong takot ko sa tubig, may ibang dahilan, may pinanggalingan, kaya naman mas mahirap siyang i-conquer since kalaban ko rin ang isip ko. Psychological iyong trauma ko sa tubig.

Pero... nandiyan si Kairus to help and guide me. Alam kong nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan niya ako para lumusong sa dagat. Sa totoo lang, gusto ko na sanang mag-back out. Pakiramdam ko, hindi ko talaga kaya. Pero nang sabihin sa akin ni Kairus na ipikit ko ang mga mata ko at pakinggan lang ang mga sasabihin niya, medyo kumalma naman ang pakiramdam ko.

Hearing those words from Kairus... it felt comforting. Nang mga oras na iyon, parang iyong boses lang niya at ang hampas ng alon sa dagat ang naririnig ko. At nang banggitin niya si Kuya, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Habang nakapikit, bigla ko na lang nakita ang nakangiting mukha ni Kuya. Para bang ina-assure ako ng mga ngiti niya na okay lang ang lahat. Na kaya kong harapin ang anumang pagsubok na darating sa akin.

Miss na miss ko na ang kuya ko. Kung puwede lang talagang humiling na sana, buhay pa siya. Sana, nandito pa siya at kasama pa namin. Naisip ko pa nga na sana, hindi kami sumuko sa paghahanap sa katawan niya. Sana hindi namin siya sinukuan. Ang daming sana sa isip ko ngayon dahil lang sa pagka-miss ko kay Kuya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako magmulat. At doon, unti-unti kong nakita ang kagandahan ng lugar. The crystal blue water. Ang asul din na kalangitan. Ang mga taong masayang naglalangoy at naglalaro sa dagat. Ang magandang creation ni Lord.

That moment... naramdaman ko ang kapanatagan. Hindi ko alam kung bakit ganoon, hindi ko rin maipaliwanag. Kasi, sa mga nababasa ko, hindi naman daw talaga madaling maalis ang trauma, pero that moment, habang nakalubog sa tubig ang mga paa ko, naramdaman ko ang peace na matagal kong hiniling. Pakiramdam ko, niyayakap ako ng hangin sa paligid at ina-assure ako na everything will be alright.

Pagkatapos niyon, bigla ko na lang niyakap si Kairus. I just felt the need to do that. And in Kairus' arms, I felt secured. Naramdaman kong hindi ako nag-iisa. And I felt... loved.

Teka lang, guys. Nagising na ang mga kasama ko dito. I'll continue my story and adventure on my next blog. May mga ikukuwento pa ako! Ingat kayo. And... keep smiling. It will makes you more beautiful.

LIVE. LAUGH. LOVE.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon