39 - Kumunoy

82 8 0
                                    

Trigger warning: Self-harm, suicide

Ps: Sana mapakinggan n'yo iyong song. Don't worry about the song, di pa iyan buo diyan, but may redeeming factor ang song. 😊

--

July 12, 2020

Hi, Kairus

Baka magtaka ka, ah, wala akong featured video ngayon. Sorry, ah, pero gusto ko lang magkuwento sa 'yo. Nah, scratch that. Hindi lang ako magkukuwento. I will pour out my thoughts and feelings here. Pagbigyan mo na ako since this is probably my second to the last letter for you.

Yes, you read that right. O teka, don't tell me, mami-miss mo ako? Haha! Well, sana nga ma-miss mo ako kahit na hindi ko alam ang pakiramdam ng ganoon. Teka nga, napapahaba na naman ang pagdaldal ko, magkukuwento na nga ako.

Kairus, nanaginip ako kagabi. Sa panaginip ko, paulit-ulit sinasabi sa akin ni Daddy na sana ako na lang ang nawala. Yes, hanggang sa panaginip, sinusundan ako ng mga salitang iyon. Parang nakakaloko ang panaginip ko. Hanggang sa pagtulog, gusto akong masaktan. Iyong sa pagtulog na nga lang sana ako makakakuha ng kaunting kapayapaan, pero pati iyon, ipinagkait sa akin. Para talagang ipinamumukha sa akin na wala akong karapatang maging masaya.

Alam mo ba nang magising ako, sa halip na umiyak, mas nangibabaw ang panghihina ko. Kasi silently, hinihiling ko na sana, hindi na ako magising. Ayoko ng magising kung ganito lang din ang mararamdaman ko. Ayoko ng mabuhay. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy.

Kairus, pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Para akong nasa isang kumunoy na hinihila ako pababa. Unti-unti akong lumulubog dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kayang umahon.

Teka, sinubukan ko naman pala. Sinubukan kong umahon sa tulong n'yo. Kayo nina Daina na naging karamay ko kapag pakiramdam ko, hindi ko na kaya. Pero pasensiya na, ngayon kasi, kahit iyong mga videos mo na naging life line ko sa mga nakalipas na buwan, hindi na ako matulungan.

Maghapon lang akong nanood ng mga videos mo kahapon, hoping na baka matulungan mo ulit ako na maging masaya kahit paano. Pero wala akong maramdaman. Wala, kahit ano. I feel so numb. Iyong tipong sa sobrang sakit na naramdaman ko noong isang araw, namanhid na ako.

Alam mo iyong parang nasa pinakailalim na ako ng kumunoy at alam ko, wala ng makakapagligtas sa akin. Kasi kahit ako, ayoko ng tulungan ang sarili ko. Gusto ko ng mawala na lang. Yeah, that's right. I'll be gone. Baka-sakaling maging masaya na sina Daddy kapag nangyari iyan.

Kairus, ginawa ko naman ang lahat, 'di ba? I tried to be positive. Kahit ilang taon na akong nakakulong sa sakit na nararamdaman ko, kinaya ko naman. Nakipagkaibigan din ako. At thankful ako na kahit sandali, naramdaman ko na may nagke-care sa akin. Pero, Kairus, pakiramdam ko, ito na iyong point na gusto ko ng sumuko.

Yes, I'll admit, I'm being weak again. I'm weak for thinking this way. Mahina ako kasi nagpapatalo na ako sa bigat na nararamdaman ko. Nagpapatalo na ako sa mga demonyo na bumubulong sa akin. Pero tang ina, pagod na pagod na talaga ako. Hindi na ako makahinga. Kaya, mas okay na tapusin ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Mahina na kung mahina, pero tatapusin ko na ang paghihirap ko. It's better this way.

I don't know kung ilang beses ko ng nasabi na nagpapasalamat ako sa 'yo. Thank you, Kairus Cross Velasquez. Know that you're one of the reasons of my happiness. Ikaw ang nag-push sa akin para gawin ang mga bagay na dati, takot akong gawin. Please, huwag mong isipin na bad influence ka, ah. You're a good man. Masuwerte ako na bago ako sumuko, nakilala kita. Nakapunta ako sa mga gigs at events mo. Nakasama kita kahit ilang sandali lang. I'll treasure all of that.

I really admire you, Kairus. Sana huwag kang magalit sa akin kung sumuko na ako, ah. Just keep in mind na may isang tao kang natulungan, iyon nga lang, ako ang bumitaw. Hawak mo na ang kamay ko para iligtas ako sa paglubog sa kumunoy, pero ako ang nag-give up. Ako ang bumitaw sa 'yo.

May huling favor lang ako, Kairus. If ever na makakausap mo si Daina-friend siya ng isa sa mga kaibigan mo-please tell her na tingnan-tingnan sina Daddy, ha? Hindi ko kayang magpaalam sa kanila, eh, kaya sa 'yo ko na lang sasabihin. Tell her na sabihin kina Daddy na mahal ko sila. Na alagaan nila ang mga sarili nila, okay? Pasensiya na, ang kapal ng mukha ko para mag-utos pa sa 'yo.

Lastly, huwag ka sanang ma-guilty kapag nabasa mo ito. Kasi, baka mamaya, dalhin mo ang burden ng pagsuko ko dahil sa sulat na ito. Hindi iyon ang intensiyon ko, ha? Alam ko, mahirap iyong gawin since sa 'yo ako huling sumulat. Take it as a last wish? Ang kapal talaga ng mukha ko. Haha! Pero, seryoso, Kairus, don't feel bad if ever mabasa mo ito, okay? Nakikiusap ako. Thank you.

Ps: Keep your fire burning, Kairus. I'm sure na malayo pa ang mararating mo. Lodi ka, eh. Thank you, Kairus Cross Velasquez.

Live well, laugh hard, love beyond words. 💙

-Hiraya

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon