84 - Overwhelm

17 1 0
                                    

Hiraya’s Blog Post

Overwhelm by: Keep the Faith
2 hours ago— 3-minute read

Read More >>

Hey! I'm here again. Medyo maraming naipong thoughts and kuwento nang bigla akong mag-MIA, eh. Hehe! I hope everyone's okay.

Anyway, nabanggit ko sa last entry ko dito iyong unexpected birthday gift sa akin, 'di ba? Si Kuya Hunter. Siya iyong regalong hindi ko inakala.

Pero hindi pa pala nagtatapos doon ang lahat. May isa pa palang surprise na gugulat sa akin sa mismong birthday ko. Hindi ko talaga iyon inaasahan, pero sobrang napasaya niyon ang puso ko.

The whole Wam-Pataas was there on my birthday. Nagpunta sila sa bahay namin. Kasama nila si Daina at ang family ko na mag-celebrate ng birthday ko. Hindi ko naman in-expect na lahat sila ay pupunta. Okay na sa akin na maalala nila ang araw ko. Pero iyon nga, present silang lahat. Which is sobrang nakakatuwa.

May dala silang mga pagkain at regalo for me. Ang saya lang kasi talagang mga favorite food ko ang dinala nila kagaya ng ginataang hipon, lumpiang sariwa at sisig. Wala raw munang diet-diet, sabi nila.

At iyon, na-meet din nila si Kuya Hunter, pati na rin iyong pamilyang kumupkop kay Kuya sa Baler. All in all, naging okay naman ang lahat sa birthday ko. May kaunting awkward moments pa rin when it comes to Kuya Hunter, pero dahil siguro birthday ko, pinilit niyang maging okay ang lahat for me. Siyempre, hindi rin nawala ang kantahan since may ni-rent na videoke machine sina Daddy.

At ito na nga. Noong bandang hapon, tinawag ako ni Kairus. Akala ko, may sasabihin lang siya kaya naman sumama ako. Pero nagulat ako nang hilahin niya ako pasakay sa kotse niya. Hindi na ako nakatanggi ng sabihin niyang ipinagpaalam niya na ako kina Daddy. May pupuntahan lang daw kami sandali.

And that was one of the biggest surprise I had on my birthday. A dream come true, actually.

Dinala kasi ako ni Kairus sa isang recording studio. Dahil pangarap ko talagang maging singer, masaya na ako na makapunta sa ganoon kagandang recording studio. Ibang-iba ang setup, hindi katulad kapag nagco-cover lang ako ng kanta.

Pero hindi roon nagtatapos ang lahat. Dinala ako roon ni Kairus para i-record ang kantang sinulat ko. Okay na ang lahat, kakantahin ko na lang talaga. Inayos ng lahat ni Kairus.

Matagal na pala iyong inaayos ni Kairus. Nagandahan din daw kasi talaga siya sa lyrics. Pero dahil maikli lang iyong nagawa ko, dinagdagan ni Kairus iyon, kaya naging collaboration namin iyon, which is okay lang with me. Masaya nga dahil doon.

Actually, hindi nga agad ako nakapag-record, eh. Bukod sa kailangan ko munang pag-aralan iyong isinulat kong kanta, nauna iyong pag-iyak ko habang tumatawa rin. Para na nga yata akong baliw sa paningin ni Kairus. Habang siya natatawa dahil sa akin, wala naman akong pakialam, basta tuloy lang ako sa pag-iyak at pagtawa.

Sino naman kasing hindi maiiyak, 'di ba? Pangarap ko talagang magkaroon ng sariling kanta. Iyong akin talaga. Okay lang na hindi sumikat nang todo, ang mahalaga, natupad ang pangarap ko. Ibang klaseng satisfaction kasi kapag iyong passion mo, nagawa mo.

Pangarap lang iyon dati, eh. Pagkatapos ngayon, matutupad na. Dahil kay Kairus. Ginawa niyang posible ang lahat para sa akin.

Pagkatapos kong umiyak, I compose myself. Hindi puwedeng hindi matutuloy ang pag-record ko ng kanta dahil lang naging emotional ako. So, pinag-aralan ko iyong kantang ginawa ko. After an hour, nag-umpisa na akong mag-record.

Sobrang na-enjoy ko iyong buong process. Masayang-masaya ang puso ko, lalo na ng matapos kong i-record iyong kanta. Para akong nasa cloud nine talaga. Nalimot ko na nga na birthday ko pa rin nang araw na iyon. Haha!

Pagkaalis namin sa recording studio, akala ko, uuwi na kami ni Kairus, pero may dinaanan pa kami. Hindi na niya ako pinababa sa sasakyan since madali lang naman daw siya. At pagbalik niya, may dala na siyang chocolate bouquet para sa akin. Pa-birthday pa rin daw niya for me.

Sobrang overwhelming sa pakiramdam. Ito na yata ang pinakamagandang birthday na naranasan ko. Sobrang saya sa pakiramdam.

Grabe talaga si Kairus, hindi na naubusan ng sorpresa. Umaapaw na sa saya ang puso ko that day. Sobra-sobra na rin kasi ang nagawa niya para sa akin.

Kaya naman nang makauwi na kami sa bahay, bago bumaba sa sasakyan niya, nagawa ko ang isang bagay na hindi ko akalaing magagawa ko. Dahil na rin siguro sa sobrang saya.

I kissed Kairus on the cheeks and tell him that I love him.

Kaya ngayon, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at kakausapin. Ngayon ako tinatablan ng hiya. Argh! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

O siya, hanggang dito na lang muna ulit. Pini-figure out ko pa kung paano ang gagawin ko. Hindi ko naman kasi forever maiiwasan si Kairus, lalo na at sinabi niya sa letter niya sa akin na gusto niya akong makausap. What am I gonna do? Huhu!

Anyway, ingat kayo. Hanggang sa susunod na entry na lang ulit.

Live. Laugh. Love.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon