77 - Exercise (Your Mind)

24 1 0
                                    

Hi, Hiraya

Gulat ka siguro, 'no? Ako rin, eh, nagulat na lang na heto, nagsusulat din ako ng letter para sa 'yo. Kunsabagay, hindi naman ito ang unang beses na sumulat ako sa 'yo.

Naalala ko pa iyong unang beses na sinulatan kita. Alam mo bang sobra talaga ang kaba na naramdaman ko noong unang beses tayong nagkita? Kaya naman idinaan ko muna sa sulat ang mga gusto ko talagang sabihin. Ewan ko rin ba kung bakit ako kinabahan noon. Para akong tanga, eh. Haha!

Anyway, nakaka-enjoy rin pala ang ganitong pagsusulat ng letter. Bukod sa very traditional, nae-exercise rin ang isip ko. Kasi naman, ang dami kong naiisip na sabihin. Nagpa-function ang utak ko habang sinusulat ko ito ngayon.

Teka, bago ako magpatuloy sa mismong agenda kung bakit ako sumulat sa 'yo, gusto ko lang ding sabihin na gustong-gusto ko talaga ang pangalan mo. Hindi ko matandaan kung nasabi ko na ito sa 'yo. Pasensiya na, nagiging makakalimutin na yata ako.

Hiraya. It is an ancient Tagalog term, that means fruit of one’s hopes, dreams, and aspirations. Bagay na bagay sa 'yo ang pangalan mong 'yan. Kasi, iyan na ikaw, o. Ibig kong sabihin, iyong bunga ng pangarap at pag-asa mo, unti-unti mo ng nakukuha.

Alam kong medyo may kinakaharap ngayon, pero naniniwala akong malalampasan mo iyan. Ikaw pa ba? Nagawa mo na noon, kaya magagawa mo rin iyan ngayon.

Pero ito na nga. My agenda as to why I’m writing this. Gusto kong ako mismo ang magparamdam sa 'yo na I’m with you, lalo na sa mga ganitong panahon. Dati kasi, iyong vlogs ko lang ang karamay mo, pero ngayon, nandito na ako, kami. Hindi na lang ito vlogs.

Natatandaan mo ba iyong pinakaunang letter mo sa akin? Exercise. Tama, 'di ba? Exercise ang title niyon. Sabi mo sa sulat mong iyon, nakatulong ako sa 'yo nang mga panahon na iyon. Ginawa mo talaga iyong exercise na sinabi ko sa vlog na iyon kahit puro kalokohan lang iyon.

Pero ngayon, may panibagong technique akong ituturo sa 'yo. Instead of exercising physically, exercise... your mind. At kung paano mo gagawin iyon? Hmm...

Filled your head with positive thoughts. Isipin mo lahat ng mga magagandang nangyari sa 'yo. Hindi lang yung mga nangyari, kundi iyong mga gusto mo pang mangyari sa buhay mo. Positive thoughts attracts positive energy. Kaya ganoong exercise ang gawin mo.

Then, kapag may time ka, puwede ka ring manood ng mga motivational or inspirational videos, baka-sakaling makatulong din sa 'yo iyon. Kung kailangan mo ng recommendation, tanong ka lang sa akin.

Alam ko, kung minsan, mahirap talagang mag-isip positively, lalo na kapag may mga iniisip tayong bagay-bagay. But you need to help yourself. Hindi naman masamang maging positive tayo everyday... huwag lang positive sa drugs, ah. Haha!

Ito na lang muna sa ngayon. I hope na sana makatulong ang sulat ko na ito kahit paano. And I hope that you're doing good. Positive thoughts lang, ah.

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon